Rachel's POV
Ang weird ng panaginip ko kanina. May gwapong fafa na sobrang ulol sa kin kaya kinidnap ako at ikinulong sa kanyang mga bisig habang buhay! Tapos doon na ang ending dahil ginising na ako ng mga kawal para ipamukha sa'kin na nakalimutan kong mag take ng delulu pills.
Well nandito na ako sa kwarto ko- hindi pala kwarto namin dahil magkasama kami nitong babaeng parang nakalunok ng mikropono dahil sa sobrang ingay at mukhang dating fliptoper dahil ang daldal!
"Hay naku talaga Nics! Excited na talaga ako sa tournament dahil alam kong maraming mga pogi ang nandoon kyahhh!" Parang kinikiliti siya ng mga demonyo sabay hampas sa'kin.
Grr may sakit din siyang fc! Feeling close ang bruha! Ginawa pa akong punching bag sa kalandian niya.
Ginawan pa ako ng napaka bantot na nickname! Nics ano yun short name ng Knickknocks! Sobrang excited pa ang bruhang mamatay basta makakita lang ng mga pogi. Akala ko wala ng makakalampas sa kin sa kadelulu, sinobraan pa pala niya!
Hindi ko alam na may tinatago pala tong kiliti ang babaeng to. Yung first meet ay grabe parang nasa outer space ako sa sobrang tahimik niya tapos nerd ang dating. Tsk tsk ang mahinhin na babaeng yun ay ngayon ay naging bulate dahil kinikilig sa own delusions.
Tumahimik lang ang gaga nang inanunsyo sa amin na kailangan naming pumunta sa arena.
Chill lang self! Isipin mo yung itinuro sayo ni Benedevil! Naalala ko pa yung sinabi niya sa last training namin.
Flashbacks~~
"Hmm you're doing good. Hindi ka na madaling mapatay ng kalaban mo." Hinawakan nito ang baba habang pinapanuod ako.
Yeah! Give me more compliments!
"Your fighting skills improve a lot. Hindi mo na rin nabibitawan mo ang espada and sakto ang pagkahawak. I think you're good to send for the battlefield."
Nawala ang mapagmalaking eskpresyon ko dahil sa huling idinagdag niya.
Ngumisi ito nang makitang nawala ako sa mood kaya mas lalong nainis ako.
'Gagung to! Hindi pa ako gaano kagaling makipaglaban ipapadala na ako sa digmaan! Demonyo talaga!'
Sumeryoso naman ito at tinignan ako ng diretso sa mata.
"Master all of it. I know you can do better than what you did today. None of my students failed a tournament so don't you dare to darnish that, Lady Veronica."
Napalunok naman ako dahil para yatang tunog death threat yun sa'kin. Pucha iba yata ang pagsasabi ng good luck ng mga demonyo!
Kahit ilang araw na yun niya sinabi nanginginig pa rin ako sa kademonyohan niya.
"Oy Nics! Let's go na tayo! Baka hindi natin maabutan ang mga poglets."
Kung hindi lang talaga siya Princesa at kapatid ni Prince Vlad kanina ko pa to sinasakal argh!
Short introduction sa bruhang to! Siya si Princess Alessandra Anderson. Ang nag iisang Princess ng Kingdom Dersoul at ang pinakamamahal na kapatid ni Prince Vlad oo yung isa sa mga demonyo ng buhay ko! Kaya hangga't kaya ko pang magpigil hinding hindi ko to papatulan!
Ibang iba siya Princess Alessandra sa libro! Mahinhin at hindi makabasag pinggan ang description niya pero opposite naman sa Prinsesang kasama ko ngayon. At napalaking question mark kung bakit ito dumidikit sa'kin dahil sobrang ayaw nito kay Veronicabruha bago pa dumating ang female lead sa eksena. Magkaaway nga ang dalawang to at palaging pinaghahasikan ng kademonyohan ni Veronica. Mas maaga dapat ang kamatayan ni Veronica dahil si Alessandra ang papatay sa kanya pero dumating ang female lead kaya hindi natuloy.
Nagmumukha man tong abnormal at mahina si Alessandra ay napaka brutal naman ito kaya wag niyong i-underestimate ang kapatid ni Lucifer. Gustong gusto ko talaga siyang iwasan dahil baka mas magiging maaga ang kamatayan ko dahil magkasama kami ng kwarto pero parang linta naman tong Prinsesang to!
"By the way Nics, we're now beshys I gave you beshyname pero wala ako!" Nag pout pa siya na muntik ko ng ikinangiwi mabuti nalang magaling akong umakting.
Kailan pa kami naging beshy? Hindi lang pala siya FC pala desisyon din ang gaga.
Kunyari naman akong nag iisip ng ipapangalan sa bruhang to kaya napangisi ako nang may pumasok sa isipan ko.
"Alice!" Mala anghel akong ngumiti kahit sa isipan ko ay tumatawa na ako na parang demonyo.
Ang gaga naman ay grabe makabuka ng mata na parang nakakita siya ng baboy na lumilipad.
"Oh my gosh! It's so pretty like me. Why Alice for me?"
FC, Pala desisyon at GGSS ano pa ba ang pwedeng i-add? Ay walang hiya rin pala siya para perfect combo!
"Short cut lang yan sa pangalan mong Alessandra, your highness."
Bagay sayo ang Alice dahil para kang si Alice in Wonderland, you're living on your own delusions in short delulu ka wahahaha! Ang galing ko talagang magpangalan. Kung meron lang trabaho or sports para magpangalan ng kung ano ano baka ako na ang the GOAT!
BINABASA MO ANG
The Unexpected Twist
Fantasy"Rose with Three Thorns" is a typical romance novel I read just because of its beautiful book cover. I realized how foolish I am and wasted my time on reading some childish novel instead of embracing my bed early. Fast-forward to the situation I'm f...