Chapter Eight 🌙
Ivy Constance's POVTahimik akong nag-aalmusal sa dormitoryo habang nakatayo sa gilid ang mga Fati ko.
Kanina-nina lamang ay sinuspende ang klase naming mga maharlika upang makapaghanda sa idadaos na kaarawan ng hari ng mga Darkeians mamayang pagsapit ng gabi.
Napakalaking palaisipan sa amin ang pag-imbita ng hari ng Darkeians sa mga maharlika na dumalo sa kaniyang kaarawan dahil kahit kailan ay hindi pa ito nag-imbita sa kaarawan ng mga maharlika.
"Mahal na Prinsesa, nais ipaabot ng mahal na hari ang kasuotang ito para sa kasiyahang idadaos mamaya."
Tumango ako at pinakatitigan ang kasuotan na ipinadala ni Ama. Hindi na masama.
"Fati, maaari mo ba akong ikuha ng tsokolate sa repridyeretor?" Utos ko sa Fati dahil hinahanap-hanap ng panlasa ko ang lasa ng tsokolate.
Bumalik ang Fati na inutusan ko ngunit wala itong dala na tsokolate. "Paumanhin mahal na Prinsesa ngunit wala ng tsokolate sa inyong repridyeretor." Nanghihinayang tumango ako at kinalimutan ang tungkol sa tsokolate.
Third Person's POV
Labis ang pangamba ng mga hari't reyna para sa kanilang sarili at mga anak nang matanggap ang liham na galing sa kanang kamay ng hari ng mga Darkeians.
Nakasulat dito na iniimbitahan ang lahat ng mga maharlika sa bawat sulok ng mundo sa kaarawan ng kanilang hari at kung sino mang hindi dadalo ay nais magkaroon ng digmaan sa mga Darkeians.
Labis ang pangamba ng mga maharlika lalo na't alam nilang napakadelikado ng mga Darkeians lalong-lalo na kung mapapadpad sila sa Imperial, ang kaharian ng mga Darkeians.
"Hindi ako sumasang-ayon! Hindi ko ibubuwis ang buhay ng aking mga anak para lamang dumalo sa kaarawan na iyan!" Galit na saad ng hari ng Aiona, ang kaharian ng hangin.
"Sumasang-ayon ako sa hari ng Aiona. Maraming buhay ang maibubuwis kung tayo ay dadalo." Tumayo ang hari ng Lavender. "Hindi ba sumagi sa inyong mga isip na patibong ito sa atin ng mga Darkeians? Maraming dekada na ang lumipas ngunit hindi pa kailanman nag-imbita ang mga Imperial ng mga maharlika. Kung hahayaan nating dumalo ang ating mga anak, ito ay ating kawalan dahil tuso ang hari ng Imperial!" Tila nagising ang mga hari't reyna sa narinig.
"Hindi man natin naisin ngunit wala tayong magagawa kundi ang harapin sila. Kung hindi tayo dadalo, ito ay hudyat sa kabilang panig na atin silang iniimbitahan sa pakikidigma." Ani ng hari ng Lipzieg.
"Malapit ng sumapit ang gabi. Kailangan na natin magpasya." Makahulugang saad ng hari ng Archin, ang kaharian ng Apoy.
"Nakahanda ang kaharian ng Earthen sa kung anong maaaring mangyari." Nagkatinginan ang mga hari habang ang mga reyna ay tahimik lang at nangangamba para sa kaligtasan ng lahat.
"Ano ba Prinsesa Natalie? Ang gulo mo." Inis na asik ni Prinsipe Jake, ang nakakatandang kapatid ni Prinsesa Natalie.
"Paano ba naman? E ayaw dumalo sa kaarawan ng hari ng Imperial." Usal ni Skymir habang ngumunguya ng mani.
BINABASA MO ANG
Moonlight: The Dark King Obsession
FantasyOnce upon a time, in a far-off kingdom, there was a beautiful young princess named Ivy. She was the illegitimate daughter of the King of Lipzieg, born out of wedlock to a commoner. Despite her illegitimate birth, Ivy was loved and adored by her fat...