Chapter Twenty 🌙

26 3 0
                                    

Chapter Twenty 🌙
Ivy Constance's POV

Masiglang nagbihis ako ng aking kasuotan at malaki ang ngiti na naglibot-libot sa buong Akademya.

Weekend ngayon kaya naman ay walang pasok ang mga istudyante at habang maganda ang aking pakiramdam ay maglilibot muna ako, nang ganon ay hindi naman ako mabagot sa aking dormitoryo.

"Magandang umaga mga Prinsipe't Prinsesa." Magalang na bati ko ng makasalubong ang mga maharlikang Prinsipe't Prinsesa.

"Magandang umaga din sa iyo Prinsesa Ivy." Bati nila at mukhang nahawa sa akin na nakangiti.

"Saan ka patutungo, Prinsesa Ivy?" Tumingin ako sa aking paanan at marahan na tumawa saka sila tinignan.

"Ang totoo niyan ay nababagot na ako sa aking dormitoryo kaya naman ay napag-isip-isip kong maglakad-lakad na muna." Tugon ko at napalingon sa gawi ng aking mga kapatid.

"Mabuti nga iyan Prinsesa ng guminhawa ang iyong pakiramdam." Ngumiti ako at tumango sa kanila.

"Mukhang may pupuntahan pa ang Prinsesa." Turan ni Prinsipe Ace ng mapansin ang aking ayos.

"Mukha nga. Nga pala Prinsesa Ivy. Ipinatawag kami ng headmaster at nais nito na magtungo tayo sa kaniya sa ikalawa kaya naman ay maghanda ka dahil marahil ay nakapagpasya na sila na bigyan tayo ng misyon." Lintaya ni Prinsesa Karina at ngumiti sa akin.

"Maraming salamat sa pagbibigay alam sa akin. Makakaasa kayong magtutungo ako sa ikalawa." Ani ko at nagpaalam na sa mga ito.

Napadaan ako sa Mall at napahinto ngunit pumasok pa rin sa loob.

"Magandang umaga binibini. Ano ang sa iyo?"

Nawala ang aking atensyon sa pagtingin-tingin sa mga kasuotan at napatingin sa saleslady.

"Oumm.." Nag-isip-isip ako bago sinabi ang aking nais. "Nais ko ng mga bagong klase ng kasuotan ngunit hindi ako sigurado kung ano ang babagay sa akin." Lintaya ko at tinignan ako ng saleslady mula ulo hanggang paa.

"Ako ang bahala sa iyo binibini." Turan ng saleslady at pumitik. "Mayroon kaming iba't-ibang klase ng desenyo na mga kasuotan at paniguradong babagay sa iyo ang mga ito, binibini." May nagdala ng mga kasuotan sa harap namin at isa-isa itong pinasuot sa akin.

Pagkatapos kong mamili ng ilang mga kasuotan ay nagtungo naman ako sa ibang pamilihan at ang pinakahuling tinungo ko ay ang salon.

"Dumito ka aking binibini. Alam ko ang makakabagay sa iyo sa unang tingin ko pa lamang."

Hinayaan ko lamang sila na kalikutin ang aking buhok at naglagay pa ang mga ito ng itim na pampakulay sa buhok.

"Perfect!" Ngumiti sila at nagpalakpakan. "Tignan mo ang iyong bagong buhok binibini." Ani nito at tinapat ang salamin sa aking mukha.

Nagulat ako at napatigil ng makita ang aking itsura sa salamin na mayroong itim na buhok.

Tila nanikip ang aking dibdib at may pilit na inalala ang aking isip ngunit tila nagtatago ang mga ala-alang iyon.

"Napakaganda mo binibini."

Nilingon ko sila at may munting mga ngiti sa labi na nagpasalamat sa mga ito.

Ang totoong kulay ng aking buhok ay kulay kayumanggi at ngayon ay kulay itim na ito.

Nakangiting lumabas ako sa Mall habang bitbit ang mga pinamili at napansing napapatingin ang bawat nadadaanan ko sa akin.

Pakiramdam ko ay nanglalagkit na ako kaya naman ay dumaan ako sa ilog na lagi kong pinuntahan at ibinaba sa tabi ang mga pinamili.

"Kay ganda ng panahon." Ani habang nakatingin sa kalangitan.

Naghubad ako ng panlabas na kasuotan at itinira ang manipis na panloob. Ipinatong ko ang aking kasuotan sa may puno at walang pag-aalinlangan na tumalon sa ilog.

May naglabasan na mga isda na may iba't-ibang kulay at napangiti ako dahil doon at lumangoy-langoy.

"Hahah." Masayang mga tawa ko habang nakatingin sa mga isdang tila nagpapasikat sa akin.

Tumingin ako sa kanang bahagi ng ilog at lumangoy patungo roon at sumisid sa ilalim ng tubig habang may ngiti sa labi na nakatingin sa mga nilalang na nasa ilalim.

May nakita akong kakaibang uri ng bato at kinuha ito. Lumangoy ako pabalik sa itaas habang hawak ang bato at sinuri ito.

Umahon ako sa ilog at itinabi ang bato sa aking mga gamit at pagharap ko sa aking likuran ay naroon na si Haring Emir.

Nagulat ako ngunit hindi ko ito pinahalata. "Hi?" Patanong pang saad ko at tinalikuran ito upang kunin ang mga itinabing gamit.

Pagkatapos kung kunin ang lahat ng aking mga gamit ay humarap ako sa kaniya ng walang emosyon at akmang lalagpasan ito nang hawakan niya ang aking braso.

"Stay." Baritonong saad nito at napairap ako sa hangin. "Let's talk." Ani pa at tinignan ako.

Hindi ako sumagot at inagaw ang braso sa kaniya.

"I'm sorry." May gulat sa mukhang tinignan ko siya ngunit kaagad din itong nawala. "Talk to me please." Umirap ako at nakita niya ito.

"You're sorry for what?" Sarkastikong saad ko na nakapagpatigil dito. "Wala tayong dapat pag-usapan pa so please, excuse me." Nilagpasan ko ito at iniwan siyang gulat.

Lumingon ako dito at nakitang sinisipa niya ang isang puno.

"Ultri." Bulong ko sa hangin at tuluyan itong iniwan.

Basang-basa na tinatahak ko ang daan patungo sa dormitoryo.

"Prinsesa Ivy?" Napaangat ako ng tingin at nakita si Prinsipe Gibson na nakakunot-noo. "Basang-basa ka." Ani nito at mabilis na hinubad ang kasuotan at pinasuot sa akin.

"Maraming salamat." Turan ko at ngumiti at ngumiti rin ito.

"Iba na ang kulay ng iyong buhok, Prinsesa." May bahid na gulat na saad nito.

Napahawak ako sa buhok at nahihiyang ngumit. "A-ahh oo, trip ko lang." Alanganing tumawa ako na nakapagpatawa sa Prinsipe.

Nakaramdam ako ng panlalamig ng maramdamang tila lumamig ang paligid at naramdaman ang pamilyar na presensya.

"Prinsipe Gibson, bakit hindi tayo lumabas?" Nagulat ang Prinsipe sa biglaang paggalaw ko at napatingin sa kamay kong nakahawak sa kaniyang braso at napangiti.

"Naparito nga ako upang hanapain at ayain kang lumabas Prinsesa ngunit naunahan mo ako." Turan nito habang malaki ang ngiti.

"Kung ganun ay wala naman palang problema." Nakangiting malawak na tugon ko habang hinahaplos ang braso ni Prinsipe Gibson. "Hayaan mo akong makapagpalit ng aking kasuotan at lalabas tayo, mahal na Prinsipe." Dugtong ko pa at pasimpleng tinignan sa peripheral vision ang taong naniniktik sa amin.

"Walang problema Prinsesa. Hayaan mo akong dalhin ang iyong mga gamit para hindi ka mahirapan." Kinuha ni Prinsipe Gibson ang hawak ko at inihatid ako sa aking dormitoryo.

"Maraming salamat Prinsipe Gibson." Ani ko at hinalikan siya sa pisngi na mas lalong nagpagulat dito. "Magpapalit lamang ako." Kinindatan ko ito at iniwang nakatulala sa labas ng aking dormitoryo.

"Nagsisimula pa lamang tayo."

AybikeBaron

Moonlight: The Dark King ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon