Chapter Eighteen 🌙

20 3 0
                                    

Chapter Eighteen 🌙
Third Person's POV

Sa kabilang dako, sinasalakay ang kaharian ng Lipzieg dahilan upang magkagulo ang mga mamamayan dito.

"Mahal na hari! Tayo'y sinasalakay ng mga kalaban!" Humahangos na saad ng kararating lang na Fati.

Napatayo sa kaniyang trono ang hari nagmamadaling nagtungo sa teresa at nakita ang sitwasyon ng kaniyang kaharian.

"Sila'y hindi mga itim na maharlika." Gulat na ani ng hari ng mapagtantong ang kapwa puting maharlika ang sumasalakay sa kanilang kaharian. "Ipagsilikas ang mga sibilyan at magpadala ng kasulatan sa kaharian ng Archin!" Asik ng hari at walang nais sumagot dahil batid ng mga ito ang tensyon na nananalantay.

Pumutok sa buong panig ng mundo ang balita na sinalakay ang kaharian ng Lipzieg na siyang ikinagulat ng lahat.

Ang mas ikinagulat pa ng mga ito ay kapwa din nilang puting maharlika ang sumalakay at hindi ang mga itim na maharlika.

Nag-alala ng sobra ang magkakapatid na Reus ng mabalitaan ang nangyari sa kanilang kaharian.

"Ikinalulungkot namin ang nangyari sa inyong kaharian mga Prinsesa ng Lipzieg ngunit hindi namin kayo maaaring palabasin sapagkat ipinagbilin ng hari na huwag kayong palalabasin sa Akademya." Saad ng nagbabantay sa tarangkahan.

Mabilis na sumugod ang magkakapatid sa tarangkahan ng Akademya ng marinig ang sinapit ng kanilang kaharian. Hindi kaya ng mga ito na mahirapang mag-isa ang kanilang nag-iisang magulang, ang hari.

"Pakiusap, hayaan mo na lamang kami." Pagmamakaawa ni Prinsesa Reign at naiiyak na.

"Fati, kailangan kami ng aming Ama. Bilang mga Prinsesa ng aming kaharian, hindi namin maasim na makitang naghihirap ang aming kaharian at ang aming Ama! Kailangan kami ng aming Ama kaya hayaan mo kaming lumabas ng Akademya!" Hindi mapigilang bugso ng damdamin na asik ni Prinsesa Samantha.

"Paumanhin ngunit hindi talaga maaari ang inyong nais mga Prinsesa." Malungkot na tugon ng Fati at yumukod sa mga Prinsesa.

Naiinis na nag-aalala na nagtinginan ang tatlong magkapatid at pinipigilan lamang ang sarili na makagawa ng hindi kaaya-aya.

Samantala, si Prinsesa Ivy ay tumatangis sa kaniyang dormitoryo. Nag-aalala ito ng sobra para sa Ama at sa mga mamamayan dito ngunit tila pakiramdam nito na wala siyang silbi sapagkat ito sila, tila nakakulong sa Akademya at hindi maaaring palabasin.

Tumatangis na niyakap ni Prinsesa Ivy ang unan at iniisip ang kalagayan ng lahat sa kanilang kaharian.

"Ano ba ang maaari kong gawin? Ano ba?"

Walang tigil sa pagtangis ang Prinsesa at mugtong-mugto na rin ang mga mata nito.

Kahit na hindi naman gaanong magkalapit ang Prinsesa at Hari sa isa't-isa ay mahal na mahal ito ng Prinsesa at kahit sa kagubatan na ito nanirahan ng ilang taon ay kapakanan pa rin ng Hari at kaniyang mga kapatid ang inaalala.

Napatigil sa pagtangis ang Prinsesa at napasinghot ng mapansing may bulto ng lalaki na nakatayo sa kurtina.

Sumisinghot-singhot na tumayo ang Prinsesa at nagtatakang lumapit sa kurtina. Napatili ito ng biglang hinila siya ng lalaki at isinandal sa pader.

Nanlaki ang dalawang mata ni Prinsesa Ivy. "Haring Emir?" Gulat na tawag nito rito at nagkatitigan sila ng ilang minuto.

Medyo itinulak ng Prinsesa ang Hari at umubo ng peke.

Moonlight: The Dark King ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon