Chapter Nine 🌙

31 4 0
                                    

Chapter Nine 🌙
Third Person's POV

Sobrang sama ng tingin ni Prinsesa Natalie sa babaeng Darkeian na gumapos sa kaniya.

Gustong-gusto niyang sumigaw at humingi ng tulong ngunit sinwelyuhan ng kapatid ang kaniyang bibig dahil puro mababahong salita ang lumalabas sa bibig nito.

"Kay sama ng iyong titig sa akin maharlika." Ani ng babaeng Darkeian at nagpaikot-ikot kay Prinsesa Natalie. "Tignan natin kung hindi magulantang ang mga puting maharlika sa iyong pagkawala." Ngumisi ang Darkeian at napaiyak sa inis ang Prinsesa.

May lumapit na ibang Darkeian sa babaeng Darkeian at binulungan ito.

"Ganun ba?" Saad ng Darkeian at tinignan ang Prinsesa na umiiyak. "Sige, dalhin niyo na yan sa loob." Utos ng babae sa mga kasamahan.

Nagpumiglas ang Prinsesa at tinignan sila ng masama ngunit nginisian lang siya ng mga Darkeians.

"Ano ba? Pakawalan niyo ako!" Inis na nagsisigaw si Prinsipe Skymir kung saan siya ay nakakulong. "Mananagot kayo pag natuklasan ito ng aking Ama!" Galit na sigaw ng Prinsipe ng hangin.

"Manahimik ka! Baka naman ay nais mong matahimik ng maaga?" Saad ng Darkeian na Fati na nakabantay sa labas kung saan nakakulong ang Prinsipe.

Sinamaan ito ng tingin ng Prinsipe. "Humanda ka dahil alam kong paparating na dito ang mga kasama ko para itakas ako dito." Ngumisi lang ang Darkeian at hindi na pinansin ang maingay na Prinsipe.

"Ano ba ang iyong pinaplano?" Bulong ni Prinsipe Gibson habang nakatingin sa mga kasamahang maharlika na hawak ng mga Darkeians.

Sa kabilang dako ay tahimik na nakaupo sa kaniyang trono ang hari ng Imperial habang sumisimsim sa kaniyang kopita.

Napapangisi ito sa tuwing nakikita ang Prinsesang kinababaliwan na mabilis na kumakagat sa tsokolate na kinakain.

"Magaling aking Prinsesa." Saad nito sa isip at mariin na tinitigan sa malaking screen ang Prinsesa na kumakain ng tsokolate.

"Panginoon, nakahanda na ang lahat para sa iyong paglitaw mamaya." Pagbibigay ulat ng kaniyang tauhan ngunit ni hindi ito nilingon ng hari.

"Kunting panahon na lamang, Prinsesa." Ani pa ng binatang hari at ngumisi.

Tuloy pa din ang selebrasyon kahit na unti-unting nalalagasan ang mga maharlikang Prinsipe't Prinsesa.

Walang kamalay-malay ang kanilang mga magulang na ang kanilang mga anak ay nasa kamay na ng hari na kanilang pinaka-kinakatakutan.

Kung titingin ka sa gilid kung saan nakalagay ang lahat ng pagkain ay makikita mo doon ang Prinsesa ng Lipzieg na sobrang takaw kung kumain ng tsokolate.

"Haring Hyrus, hindi ba't iyon ang iyong anak sa iyong huli kalunya?" Saad ng hari ng Archin sa hari ng Lipzieg.

Nilingon ni Haring Hyrus ang kaniyang bunsong anak at nakita itong matakaw na kumakain ng tsokolate.

"Tila ito'y walang kamalay-malay sa kaharian na kaniyang pinasok." May bahid na pag-aalala ng mga reyna.

Hindi sumagot ang hari at pinakatitigan ang anak at nangamba para sa kaligtasan nito.

"Kay sarap ng kanilang tsokolate. Bakit kaya walang nagbebenta nito sa bayan?" May bahid na panghihinayang ng Prinsesa habang kain pa rin ng kain ng tsokolate.

Moonlight: The Dark King ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon