Chapter Nineteen 🌙

20 3 0
                                    

Chapter Nineteen 🌙
Third Person's POV

Nang mapag-alaman ni Prinsesa Ivy na maayos nang muli ang kanilang kaharian ay labis itong natuwa at naalala ang napag-usapan nila ng hari ng Imperial.

"As long as you have me, everything are possible."

Napangiti si Prinsesa Ivy ng maalala ang sinabi ni Haring Emir.

"Prinsesa Ivy, tila kay saya mo."

Napalingon si Prinsesa Ivy kay Emmanuel at nginitian ito.

"Tama ka sapagkat maayos ng muli ang aming kaharian." Sagot nito ng nakangiti.

"Masaya akong malaman iyan, Prinsesa. Ngunit tila may dala-dala ka? May patutunguhan ka ba?" Tanong ni Emmanuel ng mapansing may hawak na paperbag si Prinsesa Ivy.

Tinignan ng Prinsesa ang paperbag at ngumiti kay Emmanuel. "May pagbibigyan lamang Emmanuel." Medyo nagulat si Emmanuel ngunit hindi na lamang nagtanong.

"Ang Prinsipe Gibson kaya ang pagbibigyan ng Prinsesa?" Tumatakbo sa isipan ni Emmanuel.

Ang totoo niyan ay pupuntahan ni Prinsesa Ivy si Haring Emir upang magpasalamat dito dahil kung hindi dahil sa hari ng Imperial ay baka marami ng nasawi sa kaharian ng Lipzieg.

Palinga-linga si Prinsesa Ivy sa paligid at sinisiguradong walang tumitiktik sa kaniya.

Sinubukan nitong dumaan sa tarangkahan ngunit hindi ito pinalabas ng mga Fati kaya naman ay wala itong pagpipilian kundi ang gumamit ng ipinagbabawal na teknik.

Isa sa abilidad ng kapangyarihan ng Prinsesa ay ang magbagong anyo sa kahit anong uri ng nilalang na nasa tubig at napag-isipan nitong maging isda.

Lalangoy bilang isda ang Prinsesa sa ilog ng Akademya at maghahanap ng daan sa ilalim ng tubig upang makalabas sa ilog na malapit sa kagubatan sa kaharian ng Imperial.

Kinontrol ng Prinsesa ang tubig upang mas mapabilis itong makarating at hindi kinalaunan ay nakarating na din ito.

"Kay ganda ng paligid." Usal ng Prinsesa pagkatapos magbalik anyo sa totoong anyo. "Maaari kaya akong pumasok sa kaharian niya?" Bulong ng Prinsesa at nagsimulang maglakad at narating ang tarangkahan ng kaharian ng Imperial.

"Mahal na kamahalan!"

Nagulat ang Prinsesa at pagbuksan siya ng tarangkahan ng mga Fati at nagbigay pugay sa kaniyang harapan.

"M-maraming salamat, ngunit hindi niyo na kailangan gawin pa iyan." Saad ng Prinsesa at yumukod lamang ang mga Fati maging ang mga ibang Darkeians na malapit sa Prinsesa.

"Mahal na kamahalan. Ano ang iyong sadya ng matulungan ka namin?" Magalang na usal ng babaeng Yara sa Prinsesa.

Ngumiti si Prinsesa Ivy at sumagot. "Nais ko lamang makita si Haring Emir." Sagot nito.

"Nasa kaniyang trono ang mahal na panginoon, mahal na kamahalan at hayaan mo kaming dalhin ka sa kaniya."

Tumango si Prinsesa Ivy at sinundan ang mga Yara na nagpresintang dalhin siya sa nais makitang hari.

"Yara, hindi kaya magalit ang hari kung makita niya ako na walang paalam na pumasok sa kaniyang kaharian?" Tanong ni Prinsesa Ivy sa Yara.

"Huwag kang mag-alala mahal na kamahalan. Matutuwa ang mahal na panginoon pag ika'y nasilayan niya." Tugon ng Yara at ngumiti na lamang si Prinsesa Ivy.

Inilibot ng Prinsesa ang tingin ang nakita ang iba't-ibang mga pinta na nakasabit sa dingding.

"Nakarating na tayo mahal na kamahalan."

Nabalik ang atensyon ni Prinsesa Ivy sa Yara at nagpasalamat ito sa pagdala sa kaniya sa hari. Ngunit ito'y napatigil ng siya'y humarap kung nasaan ang hari.

Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ni Prinsesa Ivy at natulala sa eksenang nakikita sa harap.

"Mahal na kamahalan! Ayos ka lamang?" Nag-aalalang tinayo ng Yara ang Prinsesa na tulalang nakatingin kay Haring Emir na may kahalikang babae.

Iniwas ng Prinsesa ang tingin at binalingan ang Yara at pilit itong nginitian.

"Ayos lamang ako." Ani nito sa malungkot na tuno at iniabot ang paperbag sa Yara. "Maaari mo bang ipaabot na lamang ito sa inyong hari? Pakisabi na rin dito kung maaari na nagpapasalamat ako sa tulong na ginawa nito sa aming kaharian." Lintaya ng Prinsesa at ngumiti ng pilit.

Napansin ito ng mga Darkeians at napuno ang mga ito ng pag-aalala at nabalisa dahil sa eksenang kanilang nasaksihan.

"M-mahal na kamahalan." Nag-aalanganing ani ng Yara.

"Ayos lamang ako kaya wala kayong dapat na ipag-alala." Nilingon ng Prinsesa ang iba pang mga Darkeians na nakasaksi sa mga nangyayari. "Maraming salamat ngunit kinakailangan ko ng umalis." Huling salita na sinabi ng Prinsesa at naglaho sa ere at tamang-tama ang paglingon ni Haring Emir ng maglaho na ang Prinsesa.

Kumunot ang noo nito ngunit kaagad ding ibinaling ang tingin sa kasamang binibini.

Tumatangis na nag teleport ang Prinsesa sa kagubatan at hindi nito mawari kung bakit ito tumatangis dahil sa nasaksihan.

"Hindi. Hindi maaari." Nasasaktan saad ng Prinsesa at umupo sa bato. "Hindi, hindi tama ito. Hindi ko dapat ito maramdaman." Tumatangis na ani at napatingala sa kalangitan.

"Bakit ngayon pa? Ngayon pang may nararamdaman na ako dito?"

Suminghot-singhot ito at napagpasyahang bumalik na sa Akademya.

Nang makabalik ito ay nakasalubong niya sina Prinsesa Samantha at Prinsesa Akirah at nagtaka ng makita ang itsura ni Prinsesa Ivy.

"Prinsesa Ivy?" Takang tawag ng kapatid sa Prinsesa.

Walang sabi-sabi na tumakbo papalapit si Prinsesa Ivy sa dalawang kapatid at walang paalam na niyakap sila.

Tila naging tuod sina Prinsesa Samantha at Prinsesa Akirah dahil sa biglaang pagyakap ni Prinsesa Ivy sa kanila.

Napatingin ang dalawang Prinsesa sa kapatid at napansing tumatangis ito at sila'y nakaramdam ng awa at isinantabi ang alitan at walang sinabi na niyakap pabalik ng dalawang Prinsesa ang tumatangis na kapatid.

Napaluha ang dalawang Prinsesa at nakaramdam ng sobrang awa sa bunsong kapatid na Prinsesa at hinalo-halo nila ito.

"Ahh!! Bakit hindi niyo ipinagbigay alam na nasa loob ng aking kaharian ang Prinsesa!" Galit na galit na nagwawala si Haring Emir ng matuklasan ang lahat.

Napayuko na lamang ang lahat at takot na takot sa kanilang mabagsik at walang awa na hari.

"Damn it! She saw us!"

Napahilamos sa kaniyang mukha ang hari at nagpaulit-ulit sa kaniyang isipan ang tumatangis na itsura ng Prinsesa.

"Si Prinsesa Bianca, nakauwi na ba?" Tanong ng hari sa inutusang maghatid sa binibining kasama kanina. "Keep an eye on her." Ani pa nito at inalala ang minamahal na Prinsesa Ivy.

Sa kabilang dako, nakabalik ng tuluyan sina Prinsesa Bella at Prinsipe Marcus sa kanilang totoong mundo ngunit puro sugat ang mga ito at walang malay na nakahandusay sa kagubatan.

Gumalaw ang hintuturo ni Prinsipe Marcus at hinang-hina ito at halos hindi makagalaw.

Napaigik sa sakit ang Prinsipe ng may bumuhat rito na walang ingat at nakita rin na may bumuhat sa kaniyang nakakatandang kapatid.

Walang nagawa ang Prinsipe sapagkat nanghihina ito at nagpatangay na lamang sa mga hindi kilalang nilalang.

"Malapit na."

AybikeBaron

Moonlight: The Dark King ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon