Chapter Twenty-Four 🌙
Ivy Constance's POVKinaumagahan ay kaagad akong dinaluan ng mga kasamahan ko at dahil maayos na ang aking kalagayan ay nagpatuloy kami sa paglalakbay.
"Prinsipe Gibson, ilang araw na tayong naglalakbay sa Timog ngunit hindi pa rin natin natatagpuan ang nawawalang bahagi ng crystal." Ani ni Prinsesa Asiye at ang kaniyang sinabi ay pawang katotohanan lamang.
"Nararamdaman ko ang presenya ng crystal. Malapit na tayo sa destinasyon natin." Tugon naman ni Prinsipe Gibson at nagpatuloy kami sa paglalakbay.
Narating namin ang isang maliit na bayan ngunit ang bayan na ito ay hindi katulad ng ibang mga bayan.
"Maliit ang kanilang bayan ngunit marangya ang kanilang pamumuhay." Saad ni Prinsipe Ace habang parehas kaming nakatanaw sa mga mamamayan ng bayan.
"I doubt it." Sabat ko at napalingon sila sa akin. "May masama akong kutob sa bayan na ito. Kailangan nating maghanda." Nagtanguan kami at lumapit sa kalapit naming matandang lalaki.
"Lolo, maaari ho ba kaming makapagtanong sa iyo?" Si Prinsesa Reign na ang kumausap sa matandang lalaki at inangatan ito ng matandang lalaki ng tingin ngunit hindi nito kami pinansin. "Maaari ho ba naming malaman kung saang lugar na ho ito." Ani ng Prinsesa at ngumiti.
"Why is he snobbing us?" Bulong ni Prinsesa Akirah sa tabi ko at napalingon ako rito.
"Nakapagtataka." Pinanood naming umalis ang matandang lalaki na hindi man lang kami inimikan.
"Magtanong-tanong na lamang tayo sa iba." Napagpasyahan naming magtanong na lang sa mga makakasalubong namin ngunit lahat sila ay tinignan lamang kami.
"May mali dito. I smell something fishy." Nagkatinginan kaming lahat at sabay-sabay na tumakbo papaalis ng bayan na kinaroroonan namin.
"Andon sila!!"
Napalingon ako sa likuran at nakitang hinahabol kami ng mga bandido.
"Kailangan nating magmadali dahil ang mga bandidong iyan ay nagtataglay ng iba't-ibang mga mahika." Turan ni Prinsipe Jake habang tumatakbo kami.
"Bakit hindi ako makateleport?" Ani ni Prinsesa Samantha na sinusubukang mag teleport.
Napailing-iling si Prinsipe Gibson. "Huwag niyo ng subukan na mag teleport dahil mawawalan lamang kayo ng lakas. Naswelyuhan ang ating mga mahika ng pumasok tayo sa bayang iyon." Nagulat ako sa sinabi ni Prinsipe Gibson at sinubukang tawagin ang kapangyarihan ko.
"Ahhh!!!"
Napatigil kami sa pagtakbo at nadapa ng matamaan ng mahika galing sa aming likuran.
"Magaling mga puting maharlika." Ani ng sa tingin ko ay leader nila.
Masamang pinukulan ko sila ng tingin habang inaayos ang nagulong buhok. Napalingon sa akin ang leader nila at mabilis ding ibinaling sa ibang kasamahan ko ang tingin.
"Kunin niyo ang dalawang babaeng iyan." Ani nito at itinuro sina Prinsesa Samantha at Prinsesa Karina.
"Masusunod." Napalingon ako sa gawi ng dalawang Prinsesa at napansing mas nanghihina ang mga ito kumpara sa amin.
Tumayo ako at mabilis na nag teleport sa harap nina Prinsesa Karina at Prinsesa Samantha at itinutok sa bandido ang sandata ko.
"Huwag niyo ng subukan pa." Walang emosyong saad ko at binalingan ng tingin ang kanilang leader.
BINABASA MO ANG
Moonlight: The Dark King Obsession
FantasyOnce upon a time, in a far-off kingdom, there was a beautiful young princess named Ivy. She was the illegitimate daughter of the King of Lipzieg, born out of wedlock to a commoner. Despite her illegitimate birth, Ivy was loved and adored by her fat...