Today is Sunday and papunta ako ngayon sa isang caffeine kasi may meeting ang mga staff na naka assigned sa event ngayong week. Tulad kahapon, may bulaklak nanamang bumungad sakin kanina nung lumabas ako. Ewan ko kung may secret admirer ba ako o pinaglololoko lang ako ng kung sino.
Pagdating ko ay agad akong pumasok at hinanap ang mga katrabaho ko. Nandito na rin sila Jasmine kaya tumabi na ako sa kanya.
Nagpagusapan lang namin ang mga mangyayari sakaling dumating sa event yung inaasahang mga bisista. Nag assign si sir Ronnel ng ibang staff para sa program habang ako naman ay naka aasign sa pasalobong ng guests at pagsabit ng bulakbak sa kanila. Ang dali lang naman.
"hayst, hindi sana ako dadalo eh" Saad ko kay Jasmine nung nakalabas na kami ng caffeine. Napakunot noo naman sya sakin.
"at bakit?!" mataray na tanong nya sabay cross ng braso nya.
"boring eh, di naman ako mag eenjoy dun at isa pa, hindi ako makarelate, sa pangalan palang ng event parang di ako belong" Sagot ko habang naghihintay kami ng taxi.
"Imee, don't say that, I'm your family, i know na masakit yung nangyari sa parents mo but you're not alone, marami kami" Saad nya at hinagod ang likod ko sabay ngiti. Ngumiti din ako pabalik. She's really my nonbiological sister. I'm so lucky.
Pagkauwi ko ay nadaanan ko pa ang bahay ni ma'am Jenette at sumalobong sya sakin na may malawak na ngiti. Kaya ngumiti din ako at bumati.
"good afternoon ma'am" Magalang kong sabi. Hinawakan naman nya ang kamay ko sabay sabi.
"may gagawin ka hija?" Tanong nya. Umiling lang ako.
"sakto, dito ka nalang samin maghapunan, nandito kasi si Bryan at nag-yaya ng dinner, matutuwa yun pag salohan mo kami" Saad nya.
"nakakahiya naman po ma'am" Bulong ko na ikinatawa nya.
"Imee, nag dinner na tayo before, at parang anak na rin kita, tapos ngayon ka pa mahihiya? sige na, ako nagluto" Aya nya na ikinangiti ko. Agad kaming pumasok at nagtungo sa kusina. Welcome talaga ako palagi dito sa kanila, dati kasi palagi nila akong pinapaunta dito pero nahihiya lang ako.
"Imee!" Masayang sabi ni Bryan at agad na yumakap sakin. Yumakap din ako pabalik. Shucks namiss ko syaa.
"broo i miss you!" Bati ko pabalik at kumalas na. Childhood friends kasi kami, as in super close namin at parang big brother ko na sya. Wala kasi akong mga kapatid kaya sya ang naging kuya ko, pero ngayon, Bryan lang tawag ko sa kanya kasi 3 years lang naman daw agwat namin, nakakatanda daw pakinggan.
"I miss you applebeee!" Saad nya at ginulo ang buhok ko. Inirapan ko lang sya.
"buti naman at nandito ka hija" Saad ni sir Robert, ang asawa ni ma'am Jenette.
"good evening po" bati ko sa kanya at ngumiti. Di kalaunan ay nagsimula na kaming kumain at sasabihin ko, napakasarap talaga ng luto ni ma'am Jenette, namiss ko tuloy si mama.
"kamusta naman Imee sa work mo? stress ka na ba?" Pangunguna ni Bryan sabay tawa. Napatawa din ako.
"well, ayos lang naman, mabubusy nga kami ngayong week eh kasi may Family Day tas may nga bisita pang dadating galing ibang bansa daw" Sagot ko at sumubo ulit ng pagkain. Napatingin naman sa akin sila ma'am Jenette at si sir Robert.
"ahh may bisita pala, kaya pala inimbitahan ako ni Ronnel na maging guest din daw" Saad ni ma'am Jenette na ikinataas ng dalawang kilay ko sabay ngiti.
"talaga po?!" Masiglang sabi ko na ikinatango nya.
"isasama ko nga si Bryan eh para may alalay ako" Biro ni ma'am na ikinatawa naming lahat.
"mama naman" Pabirong ngumuso si Bryan na parang bata. Natawa naman kaming lahat. Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang nagkukwentuhan. Namiss ko talaga ang ganitong klaseng hapunan, yung may mga kasabay ka sa pagkain, lalo na at nararamdaman ko na pamilya ko sila.
YOU ARE READING
THE FLOWER OF HIS DREAMS
RomanceThe most powerful man, fell in love with an ordinary teacher and tried to hide her from the rest of the world. *** Hi Pepz! Just a reminder that this story is only a fanfictional one, don't take it seriously, i highly respect the characters and this...
