Pagdating namin sa school ay agad kong hinubad ang seatbelt at binuksan ang pinto pero hinawakan nya ang pulsohan ko dahilan upang mapalingon ako sa kanya."take care, umuwi ka kaagad para safe ka" Mahinang sabi nya at ngumiti sakin. Tipid akong ngumiti at dahan-dahang tumango sa kanya.
"s-salamat" Bulong ko at bumaba na ng kotse. Hindi na ako lumingon pa at dali-dali akong pumasok sa school kasi, 10 minutes na akong late.
Pagdating ko sa room ay nandon na din ang mga students ko at may isang teacher na nagbabantay sa kanila. Bumati naman silang lahat sakin kaya ganun din ako.
"nako Beth pasensya ka na, na late ako ngayon" Paumanhin ko. Ngumiti lang sya sakin sabay iling.
"ano ka ba ayos lang, hindi naman mga pasaway ang mga students mo eh" Natatawa nyang sabi. Nagpaalam na syang umalis kasi pupuntahan pa nya ang mga students nya kaya pumasok nalang din ako sa room namin.
"Good morning class!"
"Good morning ma'am Imee!" Bati nilang lahat. Ngumiti lang ako at nagtungo muna sa desk ko para ilagay ang mga gamit ko nang mapansin kong, may bouquet sa ibabaw ng mesa ko. Sakto lang ang laki nya, kulay red at pink roses at napaka fresh.
Alam kong galing to sa lalaking yun pero, pano nya naipadala dito? Kasama ko naman sya kanina at wala naman syang may binili na bulaklak, tas ngayon may naghihintay sakin dito. Ano to nagpa deliver sya at pinaderitso dito kesa sa bahay ko?
Tinabi ko lang muna iyon at sinimulan ko nalang ang klase ko.
Pinakanta ko muna sila ng mga paborito nilang children's songs bago ko sila bigyan ng pre-test. Madali lang naman nilang nasagutan yun kaya pinapag basa ko lang muna sila ng mga libro habang nag checheck ako ng attendance at ng mga papers.
"teacher Imee!" Rinig kong tawag ni Zion, isa sa mga students kong matalino at bibo.
"yes po?" Tanong ko. Tinuro naman nya ang katabi nyang si Elyse na nakangiwi at parang umiiyak.
"what happened?" Deritsahang tanong ko at dali-daling lumapit sa kanila."her stomach hurts" Sumbong ni Zion sakin. Agad ko namang kinarga si Elyse at dinala sa desk ko.
"what happened Elyse?" Tanong ko habang nakahawak sa tiyan nya.
"i just ate ice cream and buko this morning, then my stomach crumbled" Sagot nya at ngumuso. Napatingin naman ako sa mga students ko na nakatingin lang samin at natigil ang kanilang ginagawang pagbasa.
"hold on baby" Saad ko at tumakbo papunta sa kabilang room. Nakiusap muna ako sa co-teacher ko na bantayan saglit ang students ko kasi sasamahan ko si Elyse sa Clinic at buti nalang pumayag sya.
Dali-dali kong dinala ang student ko at pinatingin sa nurse. Nilalagnat din pala ang batang to at may diarrhea dahil sa mga kinain nya kaya tinawagan ko ang parents nya para puntahan dito.
"baby, are you feeling okay now?" Tanong ko habang hinihimas ko ang noo nya.
"a little...is mommy on the way?" Tanong nya. Napailing ako.
"no, she didn't picked up her phone, even your dad was cannot be reached so i called one of your gardians instead" Sagot ko at ngumiti. Umupo lang muna ako sa tabi nya habang binabasa ko yung gamot na binigay ng nurse.
Makalipas ang ilang minuto ay biglang dumating yung nurse at may kasamang matipunong lalaki. Mistiso at matangos ang ilong. Ang gwapo at parang artista ang dating nya.
Ngumiti ito sakin at nagkatitigan kami ng halos limang segundo hanggang sa makarinig kami ng sigaw.
"Tito!" Sigaw ni Elyse nang makita ang lalaking to. Agad namang pumasok ang tito nya at yumakap sa kanya.
YOU ARE READING
THE FLOWER OF HIS DREAMS
Roman d'amourThe most powerful man, fell in love with an ordinary teacher and tried to hide her from the rest of the world. *** Hi Pepz! Just a reminder that this story is only a fanfictional one, don't take it seriously, i highly respect the characters and this...