CHAPTER 19

126 14 2
                                    

Dalawang araw na ang lumipas at nakakulong lang ako dito sa room ko. Hindi ko na rin nakita si Rod at hinahatiran na lang ako ng mga servidor ng tray ng pagkain at agad namang umaalis.

I'm here at the terrace, nagpapahangin habang pinagmamasdan ang kabundokan. I really wanted to scape, pero tiyak na mahuhuli ako. Hindi naman pwedeng dito ako sa veranda dumaan, baka mamatay pa ko pag nahulog sa mataas na palasyong 'to. Nasa sixth floor pa naman ako.

A tear suddenly flow on my cheek. I miss my home. Kamusta na kaya don? Pinaghahanap ba ako ng mga tao? Si Jasmine, alam ba nyang kinidnapped na ako? Yung trabaho ko, for sure galit na ngayon si ma'am Violy kasi hindi na ako nakakapasok.

This is all Rod's fault.

I hate him, I hate him so much!

Tirik na ang araw pero malamig parin ang klima. Parang hindi ako nasa Pilipinas dahil sa panahon dito sa Zamboanga.

Pumasok na ako sa kwarto at nagpalit ng mas makapal na damit bago ako lumabas. Ang boring pala pag nasa kwarto lang at walang ginagawa. Kaya heto ako ngayon sa hallway, naglalakad at tinatahak ang mga hagdan pataas. I wanted to explore this mansion. Gusto ko lang malaman ang mga pasikot-sikot dito.

Nasa 8th floor na ako pero wala parin akong nakakasalobong na mga tao. Asan ba mga trabahador dito? Di man lang nagbabantay sa buong hallway, di nila malalaman pag may mangnakaw rito.

Habang naglalakad ay may narinig akong ingay sa may pinto na aking dinaanan. Napahinto ako at bumalik doon sabay lapit ng aking tenga sa pinto.

Music.

Naririnig ko ang tugtog ng piano. Sobrang ganda pakinggan. Sino naman kaya iyon?

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa nagpapatugtog. Isang nakatalikod na lalaki ang bumungad sa akin at busy sa kanyang ginagawa. Who is he? I'm sure hindi 'to si Rod.

Tahimik akong pumasok habang pinanonood parin sya. Nakatayo lang ako sa may pinto at pinakikinggan ang napakaganda nyang musika. Di kalaunan ay kumanta ito. Marahan, matamis at nakaka-akit na boses.

Para syang naghaharana.

"Falling in love..with..you"

Patapos nyang pagkanta na ikinangiti ko. Napapalakpak ako matapos ng kanyang kanta. Halata naman na nagulat sya nang makita ako at parang nahihiya pa. He's Rod's brother, France.

"oyy ang galing" Puri ko habang nakangiti. Imbes na magpasalamat ay kumunot noo lang sya sakin.

"what are you doing here?" Suplado nitong tanong na ikinatahimik ko. Ay ang sungit. Nag compliment lang naman ako eh.

"uhm-"

"pano ka napunta rito? does Rod knows you're here?" Dagdag na tanong nito. Napalunok ako bago sumagot.

"ah hindi, n-napadaan lang ako at narinig ko yung pagplay mo ng piano kaya, pumasok ako.. p-pasensya na" Utal kong sabi. Tinitigan lang nya ako ng masama bago kinuha ang phone nya at may tinawagan.

"it's not my fault" Saad nito habang may kausap sa telepono. Nanatili lang akong nakatayo at hindi na umimik. Sungit, opposite kay Rod.
"fine, fine, now get your woman before i do anything else" Saad nito sabay tawa.

Umayos ako ng tayo nang bigla syang humarap ulit sakin at seryoso ang tingin.

"you got me into trouble, miss" Anya na ikinakunot noo ko. Trouble? Bakit? Wala naman akong ginawa.
"yes you did" Pagsagot nya sa katanongan sa utak ko na ikinanlaki ng mga mata ko. Mind reader ba 'to?

"uhm I'm sorry but, I'm actually kind of confused right now" Saad ko.

Napabuntong hininga naman sya sabay pamewang.

THE FLOWER OF HIS DREAMS Where stories live. Discover now