CHAPTER 14

120 9 3
                                    

Today is Tuesday and busy na naman kaming mga faculty kasi nagpa meeting si ma'am Violy kanina and nag announced na mag ce-celebrate ang school ng Christmas Party this upcoming Thursday.

Hindi lang mga papeles ang tinatrabaho namin kundi pati narin ang program dahil magkakaroon ng mga pa ruffle at iba pa.

And guess what, sila Rod parin ang bisita namin.

Ma'am Violy said na natutuwa daw silang tatlo dito sa school namin. Lalo na nung first time silang nagvisit dito. Hindi ko naman alam kung anong nangyari nung time na yun kasi nga agad akong umalis.

But now, mukang makakapag participate na ako. Lalo na at si Rod ay pupunta. Tumawag kasi sya sakin at pinaalam na babalik sila dito sa school. Mas nauna pa syang magsabi sakin kesa sa head namin.

Wala naman akong magagawa, special guest sila. And mabuti narin yun sa kanya, para kahit papano ay ma experience nya ang mag celebrate ng pasko.

"Imee!" Sigaw ni Jasmine na ikinagulat ko. Jusmeyo, papatayin talaga ako nito.

"ano ba nakakarindi yang boses mo" Reklamo ko at binalik ang tingin sa ginagawa ko. Napahalakhak sya bago tumabi sakin. Inusisa nya yung mga papeles at pagkatapos ay tumingin sakin sabay ngiti.

"sus, diehard ka naman dyan anteh, mamaya na yan, kain muna tayo oh, 12:10 na" Saad nya. Napabuntong hininga ako. Napatingin ako sa wristwatch ko at naisipang tumigil muna. Di ko na pala namamalayan ang oras.

"san tayo?" Tanong ko at kinuha ang wallet ko.

"sa labas ng campus may bagong bukas na foodchain, mga seafoods daw" Sagot nya na ikinataas ng dalawang kilay ko sa excitement. Nag crave ako bigla.

Agad na kaming lumabas at nagtungo sa kainan na yun. Halata namang bagong bukas talaga kasi may naganap pang ribbon cutting then andaming bisita. Pero nag order na lang kami at tinikman kung masasarap ba.

"gosh, i really can't believe na sila parin ang guests natin" Kinikilig na sabi ni Jasmine habang nagbabalat ng hipon. Kung makatili naman to, dinaig pa yung single.
"siguro kasi nandon ako" Dagdag nya na ikinatawa ko.

"crush mo noh?" Tanong ko sabay irap. Napakunot noo naman sya sabay nguso.

"luh sino?" Inosente nyang sabi.

"aysus, alam ko namang may crush ka dun sa tatlo eh" Saad ko sabay subo ng kanin. Pero sino kaya noh? Si Rod ba?

Napailing na lamang ako.

"hindi ah, nagagwapohan lang ako pero wala akong crush, hello? may asawa na ako teh" Anya kaya napatango ako. Buti naman.

"eh ikaw?" Baling nya sakin. Agad naman akong napatingin sa kanya sabay iling. Binabaliktad pa nya.

"wala noh, at hindi ako interesado sa mga ganyan" Mataray na sabi ko. Nagkibit balikat lamang sya.

Infairness, masarap dito sa bagong resto. Medyo may bigat sa bulsa pero swak sa pagkain. Babalikbalikan ng mga costumers.

Umagree naman sya at mukang, mapapadalas kami dito.

When we got back, nagpaka busy na naman kami. Tas mamaya before kami umuwi, may practice pa kami kasi may intermission number kaming mga teachers at sasayaw sa Christmas Party.

As in nakakahiya, tapos may mga bisita pa. This is my first time. At hindi lang ordinary persons ang guests namin. Isa dun si Rod. Baka tawanan lang ako nun.

***

Bago ako umuwi ay bumili muna ako ng pagkain dun sa resto na pinanggalingan namin kanina. Ito nalang ang uulamin ko para hindi na ako magluto pa sa bahay.

THE FLOWER OF HIS DREAMS Where stories live. Discover now