Pagbangon ko sa umaga ay naligo ako agad at nagayos ng gamit ko. Papasok ako ngayon kasi tinawagan ako ni Jasmine kagabi na pumasok raw ako at may importanteng meeting na mangyayari.Ayaw ko mang humarap kay sir, pero wala akong magagawa kasi trabaho ang pinag uusapan. Bahala na kung magalit pa sya sakin, basta dadalo lang ako sa meeting at aalis kaagad.
Paglabas ko ay dating gawi, may bulaklak na naman. Pinulot ko ito at pinasok sa loob bago basahin.
"you'll receive a good news later, sunshine.."
Nagkibit balikat na lamang ako at tuloyan nang umalis. Anong good news pinagsasasabi nya?
"hay salamat at dumating ka!" Bungad agad ni Jasmine sakin na ikinairap ko.
Sabay kaming nagtungo sa SBM hub at hinintay ang ibang teachers na dumating. May dumating din na isang bisita na hindi pamilyar sa akin at pina upo sya sa swivel chair ni sir Ronnel. Napakunot noo ako."sino sya?" Bulong ko kay Jasmine habang nakatingin parin sa babaeng nasa 50s at mukhang may mataas na posisyon. I mean, hindi naman sya uupo sa upuan ni sir Ronnel kung ordinary teacher lang sya.
"good morning everyone, this is Mrs. Violetta Bernardo, our new executive and school director of St. Michael Educational Foundation Inc." Saad ng master teacher namin na ikinanlaki ng mga mata ko. Nagsitayuan naman ang iba kaya hinila ako ni Jasmine patayo at pumalakpak sabay bati sa bago naming head.
Where is sir Ronnel?
Nagsimula ang meeting namin at lahat tungkol lang sa bagong memo. Isa-isa kaming nagpakilala at mabait naman syang head kesa kay sir. Speaking kay sir, asan kaya sya? Bat biglaan ang pagpalit sa kanya?
Nang matapos kami ay nagsimulang kumalat yung chika. Lahat kami curious kung anong nangyari at walang pasabi si sir na papalitan na sya. So ngayong bago na ang head, ibig sabihin hindi matutuloy yung pag negative ni sir sa performance ko. At wala ding bawas sa sweldo ko. Ay wow!
"excuse me, Ms. Marcos?" Napalingon ako nang may tumawag sakin. Secretary ito ng bagong head.
"ano po yun?" Pagsagot ni Jasmine at sabay kaming humarap sa kanya.
"pinapatawag po kayo ni ma'am Violy, ngayon raw po" Magalang na sabi nya. Nagkatitigan naman kami ni Jasmine at nagtataka. Omg may ginawa ba ako?
"goodluck Imee" Bulong ni Jasmine sakin na ikinakunot noo ko. Sabay kaming nagtungo ng secretary sa office ng bago naming head. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok at ngumiti para itago ang kaba ko.
"g-good morning ma'am" Bati ko. Ngumiti naman sya sakin at pinaupo ako sa harap ng desk nya.
"you're Ms. Imee Marcos, right?" Tanong nya. Dahan-dahan akong tumango.
"well, based on your documents, you have a great performance and all your papers are nicely done..." Saad nya. Bahagya akong ngumiti at hinihintay ang sunod nyang sasabihin.
"you're a volunteered teacher, right?"
"y-yes ma'am, uhm pre-school po hawak ko" Mahinang sagot ko. Tumango lang sya at may kinuhang envelope at nilabas ang isang certificate.
"i hereby sign your promotion, Ms. Marcos, continue your hard work and dedication towards your students, congratulations" Biglang sabi nya na ikinanlaki ng mga mata ko.
Did i hear it right? Pinromote nya ako? Why?!
Ilang segundo akong natulala at hindi nakapag salita. Natauhan na lamang ako ng iabot nya sakin ang certificate at nakipag kamayan sya sakin habang nakangiti.
"uhm b-bakit po?" Takang tanong ko. Bat nya ako ipopromote? Hindi naman nya ako kilala at isa pa, ni hindi pa nga sya nag isang araw dito tapos pipirmahan nya promotion ko?
YOU ARE READING
THE FLOWER OF HIS DREAMS
RomanceThe most powerful man, fell in love with an ordinary teacher and tried to hide her from the rest of the world. *** Hi Pepz! Just a reminder that this story is only a fanfictional one, don't take it seriously, i highly respect the characters and this...