Koleen's POV
Hay. Lalong sumama yung araw ko nung nakita ko yung Tan na yun. Makaalis na nga dito sa bintana.
Humiga ako sa kama, nagiisip. Hindi mapigilan ng utak ko ang pagbalik ng mga nangyari noon. Yung mga tawanan, pinagsamahan, at yung pagiyak ko noon. Ayan nanaman. Tumulo na nang tuluyan ang luha ko. Bakit ba kasi hindi ko pa rin makalimutan yun? That was two years ago, for Pete's sake.
Umupo nalang ako kasi natutuluan na yung unan ko. Baka makita ni Zack, mahirap na, pag nagkataon. Patuloy pa ring tumutulo ang mga luha ko ng sunod sunod. Parang walang tigil. Katulad ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Napagisip isip ko, kailangan kong idrift sa ibang mga bagay ang isip ko. Kahit ngayong summer lang muna. Uuntiin ko hanggang sa makayanan ko na sa huli. Hanggang sa matigil na tong kahibangan na nangyayari sa akin.
Eh anong gagawin ko? May ilang months pa bago ako magcollege kaya di ko pa pwedeng ituon ang attention ko sa studies. New friends? Pwede. Madami naman akong pwedeng makilala dito sa resort. Bagong tao na papalit sa dati? Di ko pa kaya. Baka madoble pa tong nararamdaman ko kung maulit ang nangyari noon. Baka hindi ko na makaya. Mahirap na.
Zachary's POV
Pagbalik ko, nakasarado pa rin yung pintuan ni Justinne.
*knock knock*
*knock knock*
*knock knock*
Aba. Ba't walang sumasagot? Ano yun, umalis ng magisa? Siguro ayaw naman niya talaga akong makasama. Siguro sinabi niya lang na ayaw niya umalis kasi mainit, pero siguro ang totoo, ayaw niya lang talaga ako makasama. Siguro noon palang ayaw na talaga niya sa aki----
*creak*
"*yawns" Oh. Zack. Sorry ah. Nakatulog kasi ako e."
"Ikaw? Magigising agad? Eh tulog mantika ka eh!"
"Ansama mo! *pouts*"
Sabagay. Medyo mamula mula pa yung mga mata niya. Pero tulog mantika talaga 'tong babaeng to e.
"Justinne, tara na baba na muna tayo."
"Sige. Anong oras na ba?"
"Uh... Quarter to 5."
"Gutom na akooo."
"Eh kelan ka ba hindi nagutom? Hahaha!"
"Aaargh! Nakakainis kaaaa."
"Talagaaa. Paunahan sa dating lugar ah! Mahuli pangit at may tae sa pwet! Blehh."
"Game!"
At yun na nga nagunahan na kami simula sa resthouse hanggang sa mga buhanginan. Syempre, e babagal bagal yan e, ako yung nauna. Hay. Eto na. Magtatapat na ako sa lugar kung saan kami madalas tumambay nung mga nene at totoy pa lamang kami. Tingnan mo nga naman o. Ang bilis ng panahon. Dati uhugin palang yang si Justinne, ngayon, mahal ko na.
Kung idedescribe ko tong lugar na to, private. may konting kalayuan sa tao. Pero kita mo sila sa baba. Kasi parang maliit na cliff to. Aakyat ka, tapos kita mo na yung mga tao sa baba. Tapos, pag tumingin ka naman sa kalangitan pag gabi, parang itaas mo lang ang mga kamay mo, makakasungkit ka ng ng bituin. Eh since hindi pa lumulubog ang araw, yung mga tipong color orange pa lamang yung kalawakan, eto yung perfect setting ng pagtatapat ko sa kanya.
Pagdating nya dito, may nakalatag na blanket, mga cupcakes na gustong gusto niya nung bata pa lamang siya dahil sa ewan, sandwiches, mooncakes, burgers, at fresh fruits. May guitar din nga pala.
"Hoooo. Kapagod! Zacky!"
"Nandito ako! Antagal mo kasi e! Tuloy pangit ka at may tae sa pwet. Haha!"
BINABASA MO ANG
A Thousand Years (On Hold)
Novela JuvenilA story of friendship, betrayal, hope, tears, regrets, 'what ifs', and love. xx