Chapter Four

92 15 2
                                    

FTMBD


I am— no, scratch that. I was Alora Jhane Cascejo before I became Dulcinea Cosette Cromwell, a character from the novel entitled Riches.

Isa akong firefighter, bombero sa tagalog. I was born in Manila, but parents were not born there. My mother was born in Canada, while my father was born in Cebu.

Sa manila sila both nakatira dahil nasa manila ang business nila. Doon sila nagkakilala and ended up having me. I don't usually speak Bisaya, pero sa tuwing nagagalit talaga ako'y lumalabas nalang ang personality kong iyon.

I was an only child. Matalino ako kaya marami akong awards na natatanggap and almost everyone in the university knew me because my name was always involved in important school activities.

I joined the military for more than five years kasi balak ko talagang barilin lahat ng mga magnanakaw na makakaharap ko. But then, tumigil din ako kaagad sa training dahil biglang nag-iba ang daan na gusto kong tahakin.

Part ng training sa loob ng military ang pagsalo ng malakas na current ng tubig mula sa tubo na konektado sa firetruck. Ayon sa sinabi ng lieutenant namin na training with strong water currents helps the trainees become physically stronger, especially in their core and upper body.

Nalaman ko lang na iba na ang gusto kong tahakin na career nang ipahawak nila sa akin ang hose para subukan kung kaya ko ba ang malakas na current ng tubig. Muntikan pa nga akong lumipad palayo, mabuti nalang malakas ako. Eme.

Mababaw na dahilan para sa iba, pero nang simulan ko ang journey ko sa pagiging bombero, I grew to love it so much.

Hindi lamang iyon ang mga ginawa ko as Alora. I was also my father's personal secret agent. My father is a mayor kaya marami talagang banta sa buhay niya, even to my mom and me. Minsan nga ay muntikan ng napahamak si mommy dahil sa mga kalaban ni dad sa politika.

Natuto akong maging hacker dahil sa paghahanap ng mga taong kumakalaban kay dad. Minsan na akong sinabihan ni daddy na itigil ko na daw ang ginagawa ko kasi he had already hired professionals daw.

Pero hindi man lang umabot ng week ay nalaman ko nalang na traydor pala ang mga professionals na sinabi nito. Kaya nasasabi ko nalang na nakakatakot at nakakapang-init ng ulo talaga sa tuwing nagiging bobo ang kilalang mga matatalino.

Sa dami kong nagawa sa buhay, namatay lamang ako ng walang kalaban-laban. Believe me when I say na sobrang pangit ng pagkamatay ko. Sumabog lang naman ang buo kong pagkatao!

Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon para masabihan ng "fuck you" ang mga superior ko.

Alam kong sila ang may pakana ng bomba na iyon. Ilang beses na kasi nilang sinubukan ang ipahamak ang buhay ko. It was fine with me naman as long as hindi nila idadamay ang magulang ko, which they didn't. Ako lang talaga ang puntirya ng mga hayop.

Sa tuwing naiisip ko ang kawawa kong kamatayan ay nanggigigil talaga ang kalamnan ko. Sana man lang binigyan muna ako ng kahit 2 minutes para kutusan ang mga iyon isa-isa.

Napatitig ako sa partikular na bulaklak na nakatanim dito sa garden. May malawak na garden sa likod ng Cromwell mansion. Nakita ko ito nang magising ako't naisipang sumilip sa bintana. Hindi naman ako aware na maganda pala ang view sa silid ng bruha.

The daisy flowers that mean the 'day's eye'. This relates to how daisies open at the brink of dawn and close again when the sun sets.

I had read before sa libro na nakita ko sa library na sa Celtic mythology, whenever a young baby passed away, sinasabi doon na God would drop daisies onto earth to assist the parents with their loss.

Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss Foolish DaughterWhere stories live. Discover now