Chapter Twenty

114 17 11
                                    

FTMBD



"Dad, can I go first? I'm sleepy."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Prensley bago tumango. "You're not sleepy, you just drank too much champagne, that's why. But yeah, you can go. Your room is on 2354. Take care, hija."

Tumango ako then gave him a peck on his cheek. Well, he is right naman na tipsy ako. Damn it! Mahina pala sa inuman itong katawan ni Cosette.

Nagsimula akong maglakad palabas ng venue tsaka papunta sa elevator, trying to keep my balance. The hall was dimly lit, and the soft music in the background made everything feel a bit surreal.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng lamig. Kapag talagang magpatay-sindi ang ilaw ngayon dito sa hallway, tatakbo talaga ako at hindi na iisipin pa kung may makakita man sa akin. Geez, tinatakot ko lang ang sarili ko.

Finally, I reached the elevator and pressed the button for the 23rd floor. Nandoon kasi ang mga rooms para sa mga bisita na ang Locke family din ang nagbayad. Ang laki talaga ng nagastos nila sa gabing 'to.

As I waited, I leaned against the wall, closing my eyes for a moment to steady myself. Dahil sa champagne, medyo malabo ang lahat sa paligid, at nais ko na lang humiga at matulog.

The elevator doors opened with a soft ding, and I stepped inside, pressing the button for my floor. The ride up was smooth and silent, and I leaned against the wall, feeling the gentle hum of the elevator calming my nerves.

Sumasakit talaga ang ulo ko. Siguro dahil din sa alcohol sa katawan ni Cosette kaya napapa-english ako ngayon sa isip ko. Aish! Kung alam ko lang na hindi pala kasing galing ko sa inuman ang babaeng 'to, sana hindi nalang ako nag-celebrate!

Pagdating ko sa 23rd floor, lumabas ako at naglakad sa hallway, hinanap ang kuwarto na may numerong 2354. Nanliit ang mga mata ko para maging malinaw sa blurred kong vision ang mga numero sa rooms na nadadaanan ko.

Nang matagpuan ko ang tamang pinto, kinuha ko ang keycard tsaka ini-swipe ito ng ilang ulit. Nagsimula na akong mainis nang hindi parin ito nagliliwanag ng kulay green, which means na successful kong nabuksan ang pinto.

Sa sobrang inis ko ay mahina kong sinipa ang ilalim ng pinto bago tinulak ang pinto pabukas. Nanlaki ang mga mata ko when the door clicked open and I was able to open it wide.

Namamangha ko munang tinitigan ang pinto bago ko naisipan na pumasok na sa loob, closing the door behind me. Otomatik pala ang mga pinto sa kuwarto nila dito? Amazing!

Madilim ang loob ng kuwarto, mayroon lamang nag-iisang liwanag mula sa lampshade na nasa gilid ng malaking kama. I kicked off my shoes and made my way to the bed, but as I got closer, I realized something was off.

The room felt different, and there was a faint, unfamiliar scent in the air. Was it sandalwood?

Naguguluhan kong hinanap ang main switch ng ilaw. Hinahanap ko pa ang switch ng ilaw nang bigla ko na lamang maramdaman ang malamig ngunit matulis na bagay sa aking leeg. It was a dagger, ready to slit my throat.

"Who are you, and what are you doing here?" I heard a deep voice from behind me.

Nakaramdam ako ng panic nang ma-realized kong I must have entered the wrong room! Kaya ba hindi gumagana ang keycard kanina? Akala ko talaga automatic! Yawa.

Dahan-dahan akong umikot paharap, making sure na hindi ako masusugatan ng dagger nitong nakatutok parin sa leeg ko.

"Name." Mas lalo nitong diniin sa leeg ko ang matulis na parte ng dagger.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 5 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss Foolish DaughterWhere stories live. Discover now