Chapter Sixteen

91 16 1
                                    

FTMBD

It’s already seven in the evening and the start of the party as mentioned in the invitation card is eight. Pero heto't wala pa akong ligo. Ganito talaga kabagal kumilos ang mga magaganda. Main character thingz.

The birthday of the Young Lady of Locke will be held tonight. Tinatamad sana akong pumunta, kaso may plano nga pala akong gawin tonight kaya hindi puwedeng hindi ako present.

I look at the maids behind me that have been watching me since earlier, maybe judging me silently. I spent my time turning here and there, looking at how perfect Cosette's body is. Kaya siguro kakaiba na ang tingin na binibigay ng mga ito sa akin ngayon.

"M--Milady, the bath is ready," pag-uulit ng isa sa mga maid na kanina pa ako sinasabihan.

Tinaasan ko ito ng kilay kaya napaatras siya. "I know, I heard you. Sa tingin mo ba bingi ako? You can now leave, I don't need your presence here."

Tila nabigla naman sila sa salitang lumabas sa aking bibig. Kanina pa kasi silang nakatayo doon sa gilid, nakayuko, at hinihintay ang iuutos ko sakanila. Naiinis na siguro ang mga 'yan dahil ngayon ko lang sinabi na hindi ko sila kailangan.

Isa pa, the original Cosette always wanted someone to assist her. It's new to hear that she doesn't need help from anyone.

Sa totoo lang, it will be nice and faster if I seek help from them. Wala kasi si Phobi ngayon since may importante akong pinapagawa sakaniya.

But I know who told them to be here. They're here to sabotage me.

I tilted my head to the side, my brows knitted because none of them listened to me.

Malakas akong napatawa habang naiiling. "You got nerves to disobey me now," nakangisi kong sabi na nagpayuko lalo sa mga ito. "Expect to be fired tomorrow. Now, leave before I dragged you out myself."

"Young Lady, we're sorry! We will accept any punishment but not to this extent!"

"Young Lady, napag-utusan lamang po kami. Please, spare us!"

Lahat ng maids na kanina'y parang mga statue na nakatayo't nakahilera sa gilid ay nakaluhod na ngayon sa harapan ko. Halos halikan na nila ang paa ko kung hindi lamang ako umatras.

Pumasok si Ian sa loob, maybe hearing the ruckus from the outside. Nangunot ang kaniyang noo, watching the maids cry and begged me not to fire them. I feel so mighty tuloy dahil sa ginagawa nila. Nyahahahahaha!

"The moment you chose to obey that girl is the moment you chose to lose your jobs. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay iyong hindi nakikinig sa akin. So now, leave and don't ever let me see your face again," mariin kong sabi na mas lalong kinaiyak ng mga ito.

Stress kong sinabi kay Ian na paalisin ang mga ito. He told me he will just call another maid but I refused. Wala akong pagkakatiwalaan ngayon dito. Haler, what if alagad na pala ng impakta na 'yon ang lahat ng nandito?

As long as hindi ko pa nalilinis ang loob nitong villa regencia, wala akong pagkakatiwalaan ngayon bukod sa sarili ko.

Wala nga akong tiwala kina Ian at Phobi, sino sila para pagkatiwalaan ko, 'di ba? The only person I could trust is me, and even that's pretty freaking iffy sometimes.

Minsan kasi hindi narin ako nagtitiwala sa sarili ko. I can go crazy without wanting to.

Nang makaalis ang mga ito ay tsaka ko pa sinimulan ang pagligo at pag-aayos. Damn. Dahil sa nangyaring drama ay mukhang mas lalo akong mahuhuli.

Firefighter Transmigrated into the Mafia Boss Foolish DaughterWhere stories live. Discover now