Keird Sendo's POV
Ano na ba ang nangyayari bakit hanggang ngayo ay wala pa ang kanyang fiancé na si Angela. Mag- iisang oras na itong late at hindi sumasagot sa kanilang mga tawag. Maging ang mga magulang nito ay walang alam. Niluwagan na lamang niya ang kanmya bowtie dahil parang hinjdi na siya makahinga. Wala siyang maisip na dahilan para malate ang kanyang fiancé. Mauunawaan pa niya kung mga thirty minutes lang pero mag- iisang oras na at wala amn lang itong paramdam o tawag sa kanya. Nahihiya na siya sa mga bisita dahil naiinip na ang mga ito at hindi bastang mga tao ang mga ito dahil puro may sinabi sa buhay at mga kasosyo pa niya. Sobrang nahihiya na siya dahil mahalaga ang mga oras nang mga ito.
"Anak Keird... Ano na ba ang nagyayari ahh, isang oras nang late ang iyong bride." Pag- aalalang tanong ng kanyang mommy Helga. Na alam niyang nahihiya na sa kanilang mga bisita.
"Mommy hindi ko rin po talaga alam... hindi ko din po siya makontak." Malungkot na sagot niya rito at yumuko na lamang.
"Hijo... mukhang hindi na darating si Angela. Hindi ka talaga niya sisiputin anak." Galit na saad nang kanyang ama na si Don Fernan.
"Pasensiya na kayo daddy, tama ka hindi na talaga siya darating." Naluluha na sagot ni Keird Sendo. Pero pinmigilan niya ang kanyang mga luha dahil ayaw niyang kaawaan siya nang kanyang mga magulang lalo na ang taong nakasaksi sap ag- iwan ni Angela sa kanya.
"Bro... tara na exit na tayo habang hindi pa alaht ay nakakapansin na hindi na darating ang fiancé mo. Ihahatid n akita sa mansiyon." Ani ni Rovan na kanyang pinsan.
"Yes bro... let's go, salamat." Malungkot na sagot niya at sumunod na sa kanyang pinsan para lumabas na sa simbahan.
"Sige na anak... kami na ang bahala sa mga bisita, umuwe kana munba at magpahinga." Pagsang- ayon nang kanyang mommy at inalalayan siya palabas.
"Hayyy... nakakahiya ito para sa pamilya natin. " Galit na sabi nang kanyang daddy.
"Dad... wala na po tayong magagawa, nangyari na po ito. Ang dapat na lamang po natin gawin ay alalayan si kuya Keird dahil mas pinakamasakit ito sa kanya." Malungkot na ani nang kanyang kapatid na si Khylee.
"Salamat Khylee... " Tanging nasambit niya sa kapatid.
"Kuya... kaya mo yan. Kailangan malagpasan mo itong pagsubok mo sa buhay." Payo ni Khylee sa kanyang kuya at niyakap niya ito nang mahigpit.
Nagmadali na silang lumabas nang kanyang pinsan na si Rovan para makaalis na sa simbahan na yun na nagmistulang impyerno na sa kanyang paningin dahil sa ginawa ni Angela na kanyang fiancé. Nang makarating sila sa kanyang mansiyon ay gusto niya magwala at basagin lahat nang kanyang mga gamit . Pero pinigilan siya nang kanyang pinsan at kinausap siya nang mataimtim para kumalma siya.
" Couz alam ko ang nasa isip mo... Gusto mong magwala at basagin lahat nang gamit mo. Pero ikalma mo ang iyong sarili at muna ka muna nag tubig at huminga nang malalim" Paghula ni Rovan na gagawin niya.
"Tama gusto ko talaga gawin yun pero naisip ko na.... hindi siya worth it na pag- aksayan ko nang oras at saying ang mga gamit ko para sa walang kwentang tao." Malungkot na sagot niya sa kanyang pinsan.
Tinanggal na niya ang kanyang coat at pumunta sa kusina para kumuha nang tubig at uminom nang isang basong tubig at huminga siya anang malalim para pakalmahin ang kanyang sarili. Sumunod naman sa kanya ang kanyang pinsan at tinitigan lang siya nito.
"Oh.. bakit ganyang ang tingin mo sa akin ahh..." Salubong ang kilay na tanong kay Rovan.
"Kinakabahan kasi ako sa iyo baka kumuha ka nang kutsilyo at itarak mo diyan sa dibdib mo." Natatawang sagot sa kanya ni Rovan at tinapik pa nito ang kanyang balikat .
"Baliw... lalaki pa rin ako at ayaw ko may nakakkita sa akin an umiiyak. Sige na pwede mo na akong iwan, matutulog na muna ako. Gusto kong magpahinga muna. " Ani niya sa kanyang pinsan at nahihiya na din siya na abalahin ito.
" Sige mas okey nga yan couz, uuwe na din muna ako. Kung may problema o ipapagawa ka tawagan mo lang ako. " Paalam ni Rovan sa kanya.
Hinatid na lamang niya ito sa gate at muli nang pumasok sa mansiyon. Kumuha siya nang isang boteng alak at dinala niya ito sa kanyang silid. Dahil alam niyang hindi siya makakatulog kaya mag-papakalunod siya sa alak hanggang sa makapikit ang kanyang mga mata. Para makalimot siya sa kahihiyan ana ginawa sa kanya ni Angela. Gusto niyang umiyak pero ayaw tumulo nang kanyang mga luha, marahil kahit ang kanyang mga mata ay nag-tataksil na sa kanya. Maya- maya ay dumating ang kanyang kapatid na bunso na si Khylee.
"Kuya Sendo... Nandito lang ako para sayo." Umiiyak na yumakap ito sa kanya.
"Khylee ano ba yan ahh... bakit ikaw ang umiiyak ahh??? Ikaw ba ang iniwan nang fiancé sa mismong araw nang kasal niyo." Kunawaring natatawa na nsabi ni Keird Sendo para maitago ang kanyang kalungkutan at pilit na ngumiti sa kanyang nakababatang- kapatid. At gumanti din siya nang mahigpit na yakap rito.
"Kuya Sendo... parang hindi ko talaga kakayanin ang ginawa ni ate Angela. Bakit ganito siya kalupit sayo, wala akong makita na idadahilan niya para iwan na lang nang basta- basta lalo pa sa araw nang kasal niyo." Lalo pang humagulhol nang iyak si Khylee habang sinasabi ang mga yun.
"Salamat sa simpatya mo kay kuya mahal kong kapatid. Kaya ko to, huwag kang mag- alala. Strong tong kuya mo. Iiyak lang ako at babangong muli." Ani niya sa kanyang kapatid at tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha na kanina pa nagpipigil sa pag- iyak. Humagulhol na din siya nang iyak at inilabas niya lahat nang kanyang sama nang loob para mabawasan ang bigat nang kanyang loob.
"Kuya ko.... Mahal ka namin... Malalagpasan mo din ang lahat anang ito." Bulong ni Khylee sa kanyang kuya at tinapik ang kanyang balikat.
Siya naman ay kahit papaano ay gumaan anag kanyang loob at nagpasalamat sa kay Khylee.
BINABASA MO ANG
MS. CUPID AND THE HEARTLESS CEO
RomanceSi Alyanah ay isang angel cupid na ang misyon ay magpares nang mga taong nakatadhana para magmahalan. Siya ang taga-hanap nang mga nag-iibigan na magsasama habang buhay. Kailangan maka-isang daan na couples siya nang mga nag-iibigan para maka- akya...