Kalmado na si Boss C kaya kahit papano ay hindi na kinakabahan si Alyanah. Pero nag- aalala at kinakabahan pa rin siya dahil alam niyang malaki ang kaparusahan na kanyang haharapin.
"Alyanah... hayyy, paano ko ba ipapaliwanag sayo." Inis na sabi ni Boss C at nagkamot na lamang nang kanyang ulo.
"Sabihin niyo na po kung ano ang kaparusahan ko Boss C... Tatanggapin ko po anng maluwag." Malungkot na sagot niya sa kanyang mentor.
"Ang kaparusahan mo ay magiging tao ka at kailang mong matapos pa rin ang misyon mo na magkatuluyan ang couple na yun. Kailangan makumbinsi mo ang lalaki na mahalin yung babae. At sa lupa ka muna , makakabalik ka lamang kung magmamahalan sila nang tunay at wagas." Mahabang sabi ni Boss C.
"Bakit ko naman po na kailangan pa na maging tao, pwede naman na gawin ko yun kahit cupid pa rin ako diba...???" Inis na tanong niya.
"Yun ang kaparusahan mo dahil sa pagpalpak nang misyon mo!" Inis din na sagot nang kanyang Boss C.
"Boss C... baka may iba pa pong option na pagpipilian??? Ayaw ko po na maging tao..." Umiiyak na tanong niya.
"Wala akong magagawa Alyanah, yun ang parusa mo..." Mahinang boses na sagot ni Boss C.
"Kailan ko po matatanggapa ang kaparusahan ko...???" Naiiyak na tanong ni Alyanah.
"Ngayon na mismo, dadalawin na lamang kita kung kailangan... Goodluck sayo Alyanah sana magtagumpay ang iyong misyon." Naiiyak na sabi ng kanyang mentor at yumakap sa kanya nang mahigpit.
"Boss C... paano pag nabigo ako... magiging tao ako." Malungkot niyang sabi.
''Hindi yun mangyayari dahil alam kong magaling at matalino ka. Magiging tao ka lang din kung magmamahal ka ng tao." Seryosong payo sa kanya ni Boss C.
"Mamimiss ko po kayo Boss C.!" Saad ni Alyanah at yumakap din nang mahigpit.
Unti- unti nang naglalaho sa langit si Alyanah , napapikit siya at pag- dilat nang kanyang mga mata ay nasa ibang mundo na siya. Sapagkagulat niya ay napa- upo siya sa kalsada at muntik nang masagasaan ng kotse. Dahil sa halo- halong emosyon ay nawalan siya nang malay. Agad naman lumabas ang gwapong lalaki sa kotse para sana sigawan ang tangang babae na nasa gitna nang kalsada. Pero bigla itong nawalan nang malay kaya agad niya itong sinalo.
"Miss... gising... !" Ani ni Keird Sendo at inalog ang balikat nang babae para gisingin ito. Binuhat na lamang niya ito at isinakay sa kanyang kotse para dalhin sa pinaka- malapit na ospital.
"Bakit ba ako lapitin nang mga babaeng tanga sa kalsada... tsk!" Inis na bulong niya sa kanyang sarili.
Agad naman siyang nakakita nang ospital kaya binuhat niya ang babae papunta sa emergency. Inasikaso naman agad ito ng mga nurse kaya naghintay na lamang siya sa hallway. At doon na muna naglakad- lakad, naalala na naman niya yung babae na nabundol niya tatlong taon ang nakalipas. Sobra na naman siyang kinakabahan dahil baka kritikal ang lagay nito.
"Sir... kayo po ba ang kasama nung babae na nabundol nang kotse at weird ang pananamit???" Pagtatakang tanong ng nurse sa kanya.
Pero hindi niya maalala kung ano ba ang suot na damit nung babae ang alam niya ay kulay puti lang ang damit nito.
"Ahhh.. kulay puti po ba ang kanyang suot nurse...???" Takang tanong niya rito.
'Opo sir... nakaputi siya at may maamong mukha, para po siyang anghel kung titingna sa kanyang suot at mukha." Nakangiti naman nitong sagot kay Keird Sendo.
"Ahhh,... siya nga yun nurse... Kamusta naman po siya???" Pag- aalalang tanong niya sa kalagayan ang dalaga.
"Ayos naman na po ang kanyang kalagayan, may mga konting galos lang po siya at pasa sa braso." Sagot nang nurse sa kanya.
"Mabuti at okey lang siya." Kalmado niyang sagot.
"Pwede niyo na po siyang puntahan sir... Kung may kailangan po kayo, nasa nurse station lang po ako." Saadnito at ngumiti pa nang matamis kay Keird Sendo.
"Sige nurse... maraming salamat." Pagpasalamat niya sa nurse at agad na pinuntahan ang babae.
Sumilip muna siya dahil gusto niya muna makita kung ano ang ginagawa nito. Mahimbing pa itong natutulog kaya malaya niya itong pinagmasdan. Parang nakita niya ang babaeng ito at may kamukha ang dalaga. Kakaiba nga ang suot nitong damit, yung sinaunang design nang mga bestida na kulay puti at may hawak pa itong pana o palaso. Sobra siyang naiintriga sa babaeng ito. Habang tintigan niya ito ay dumilat ang mga mata nito na napakamaganda dahil natural dito ang pagkamalalmlam at nakangiting mga mata. Nakita na niya ang mga matang ito, hindi lang niya maalala kung saan. O baka kamukha lang niya. Ang ganda at napakaamo anng mukha nito masasabi mo talagang literal ana nghel ang kanyang nakikita. Pagdilat nang mga mata nito ay agad na bumangon ang dalaga at may lumabas mula sa likod nito, parang mga pakpak ang anghel. Na-eengkanto ba siya bakit ganito ang mga ankikita niya, mangkukulam yata tong babae na to at nagpapanggap na anghel, kumbaga nililinlang siya nito. Nang makabangon ang dalaga ay tumingin ito sa kanya at tinawag pa nito ang kanyang pangalan.
"Keird Sendo...???" Tanong ni Alyanah sa lalaking kaharap.
"Bakit alam mo ang pangalan ko ahhh...???" At bakit may ganyan ka sa likod mo...???" Pagtatakang tanong ni Keird Sendo at hinawakan pa ang pakpak nang dalaga.
"Oo naman totoo yan...! Paano hindi ko malalaman ang pangalan mo eh dahil sayo kaya ako itinapong sa mundo niyo!" Galit an sigaw ni Alyanah.
"Hoyyy... babae nababaliw ka ba??? Imbes na magpasalamat ka dahil niligtas kita sa gitna nang kalsada ay sisigawan mo pa ako huh...???" Inis na sabi ni Keird Sendo.
"Dahil sayo pumalpaka ng misyon ko at ang kaparusahan ko ay maging tao." Naiiyak na sabi ni Alyanah.
"Hindi talaga kita maintindihan babae, ni hndi nga kita kilala..." Pagtatakang tanong ni Keird Sendo.
"Isa akong Cupid Angel at misyon ko na panain kayo ni Angela para maging couple na nakatadhana na magmahalan habang- buhay." Ani ni Alyanah na nakayuko lang at sobrang malungkot ang mga mata.
"Sinong Angela yung ex- fiance ko huh...??? Over my sexy body hindi ko na babalikan ang babaeng yun ana naging sa miserableng buhay ko ko miss." Iritableng sagot niya sa dalaga.
"Keird Sendo kayo ang nakatadhana at para muli na akong maging anghel." Pagsusumamo ni Alyanah sa binata.
"Gutom lang yan miss... Okey ka na ba..??? Pwede ka na sigurong idis- charge, bibigyan na lang kita nang pera. Para hindi ka na mahirapan pang mag- modus ahh." Natatawang sagot ni Keird Sendo.
"Paano ako lalabas nito, yung pakpak ko makikita nang mga tao pati na din tong palaso ko. Hindi ko pa alam kung paano ko sila itatago." paliwanang ni Alyanah.
"Miss may konti ka noh..???" Akin na ako magtatanggal niyang costume mong pakpak." Natatawa at napapailing na sagot ni Keird Sendo.
Lumapit siya sa dalaga at hinawakan ang pakpak nito at biglaang hinugot sa likuran nito. Napasigaw naman sa sakit si Alyanah kaya naitulak niya ang binata.
"Araaayyy... ano bang ginagawa mo! Ang sakit! akala mo ba naka- costume lang ako..." Naluluha na sabi ni Alyanah.
"Hala sorry miss... pahawak nga ulit, totoo talaga itong pakpak mo???" Hindi makapaniwala na sagot ni Keird Sendo at muling lumapit sa dalaga.
"Subukan mong lumapit at sisipain kita, sobrang sakit ang paghila mo.!" Galit an sabi ni Alyanah.
Sabay naman silang napatingin sa pintuan nang may kumatok, kaya hindi nila alam na dalawa kung paano maitatago ang pakpak ni Alyanah. Mabuti na lamang may coat si Keird Sendo kaya agad niya ito hinubad at isinuot agad sa dalaga. Binuksan niya rin ang pintuana t ang doktor pala ang pumasok kasama ang nurse na kausap niya kanina.
"Hi sir... Nagising na ba ang pasyente???" Tanong nang doktor sa kanya.
"Ahh... ehh opo.." Kinakabahan na sagot niya rito.
Nilingon niya ang dalaga at namumutla din ang mukha nito at hindi na mapakali.
BINABASA MO ANG
MS. CUPID AND THE HEARTLESS CEO
RomanceSi Alyanah ay isang angel cupid na ang misyon ay magpares nang mga taong nakatadhana para magmahalan. Siya ang taga-hanap nang mga nag-iibigan na magsasama habang buhay. Kailangan maka-isang daan na couples siya nang mga nag-iibigan para maka- akya...