"I'm really sorry..." Malungkot na sagot ni Keird Sendo sa dalaga.
"Sobrang natakot ako kasi akala ko wala nang tutulong sa akin. Ikaw lang ang kilala ko at yung pangalan mo lang ang tumatak sa isipan ko kaya pangalan mo lang ang naisigaw ko." Humihikbi na saad ni Alyanah na nanginginig pa rin ang katawan sa takot.
"Huwag mo na akong konsensiyahin... may kapatid din akong babae kaya naisip ko paano kung siya yung nasa sitwasyon mo. Kaya binalikan kita agad." Ani ni Keird Sendo na tumitig lang sa mukha nang dalaga.
"Maraming salamat kasi binalikan mo ako, gusto ko nang bumalik sa langit. Ang sama nang mga tao." tangi niyang nasambit sa binata.
"Hayyy... tumigil ka na nga sa pag- iyak mo. Baka akalain nang mga makakarinig ay ako talaga ang nanakit sa iyo." Inis na sabi ni Keird Sendo at napa- buntong hininga na lamang. Tinapik tapik niya pa rin ang likod nang dalaga para kumalma ito.
"Salamat ulit at pasensiya ka na tlaga kung nagiging pabigat na ako sayo." Mahinang saad ni Alyanah sa binata.
"Hmmm... Mukhang nasarapan ka na yata sa pagyakap sa aking ms. Cupid." Pabirong sabi ni Keird Sendo ang natawa na lamang sa pagbitaw agad ni Alyanah.
"Ayy.... sorry!Hindi noh... ikaw kaya ang hindi bumibitaw sa akin." Mataray na sabi niya kay Keird Sendo.
"Talaga ba... ??? Okey sige. Tara na baka bumalik pa yung mga yun." Ani ni Keird Sendo at naunang naglakad papunta sa paking lot nanag kanyang kotse.
Nanginginig na humakbang si Alyanah at sobra siyang natatkot sa mga tao. Nagka- trauma na yata siya dahil sa mga pangyayari kanina. Hanggang sa napatigil na siya dahil hindi na talaga niya maihakbang ang kanyang mga paa dahil sa sobrang panginginig hanggang sa naninigas ang kanyang katawan at napatulala na lamang siya na pinag- mamasdan si Keirde Sendo sa paglalakad.
"Ano ba itong nangyayari sa akin, hindi ako makagalaw at makapagsalita." Bulong niya sa kanyang sarili at tumulo na lamang ang kanyang mga luha.
Si Keird Sendo naman ay nagtataka dahil parang wala nang akasunod sa kanya. Kaya lumingon siya sa kanyang likuran, wala nga ang dalaga. Kaya nagmadali tumakbo pabalik at nakita niya itong nakatayo lang at tumutulo ang mga luha.
"Ano ba ang nangyayari sayo Ms. Cupid???" Naiinis na tanong niya rito.
"Hindi ko maihakbang ang mga paa ko at naninigas ang buong katawa ko." Sagot ni Alyanah sa binata.
"Hmmm... buhatin na nga kita, lalo na tayong matatagalan sa kadramahan mo." Masungit na sabi ni kay Alyanah at pinangko ang dalaga.
Hindi na umangal pa si Alyanah at kumapit na lamang siya sa leeg ni Keird Sendo. Noon din niya natitigan ang matagal ang gwapong mukha nang binata. Ang gwapo nito at kahawig si Zack Efron nang one direction. Matangos ang ilong, magaganda ang mga mata , makapal na kilay at mapulang labi. Kaya hindi nakakapagtaka na maraming naghahabol na mga babae rito kahit pa suplado at mayaman.
"Baka matunaw na ako sa sobrang titig mo Ms. Cupid.!" Iritableng saad ni Keird Sendo
"Ang sungit naman... May kamukha ka lang sa langit" Pagkakatwiran niya sa binata.
"Talaga ba... pag gwapo talag nagiging anghel agad." Masungit niya pa rin sagot.
Nang malapit na sila sa kanyang kotse ay ibinaba na niya si Alyanah sa passenger seat at pumunta muna siya sa backseat para hanapin ang kanyang tumbler para mapa-inom nang tubig si Alyanah.
"Oh... uminom ka muna ang tubig para mabawasan yang panginginig at nerbiyos mo." Ani niya at iniaabot ang tumbler.
"Maraming salamat Keird... Pero paano ako makak- inom rito..???" Sagot ni Alyanah at nahihiyang tanong sa binata.
"Pati ba naman pagbukas nang tumbler hindi mo alam...hayyy grabe...!" Masungit na saad ng binata sa dalaga.
Hindi na lamang umimik pa si Alyanah at uminom na siya nang tubig, at yun nga kahit papano ay nabawasan ang kanyang panginginig at kaba. At huminga muna siya nang malalim bago muling humarap kay Keird Sendo.
"Ano...??? Okey ka na ba?" Supladong tanong ni Keird sa dalaga.
"Opo... ayos na ako Mr. Sungit." Inis na sagot ni Alyanah at itinuon na lamang ang paningin sa labas.
"Daan muna tayo sa boutique ng kaibigan ko para makapagbihis ka nang maayos at kakain tayo. Sobrang nagugutom na ako." Paangil na saad ni Keird Sendo at mabilis na pinaharurot ang kanyang kotse.
Sa gulat naman ni Alyanah ay napatili siya at kumapit siya nang mahigpit. Hayy paano kaya niya matatgalan ang moody at supladong lalaki.
Sobrang nahilo si Alyana sa bilis nang pag- mamaneho ni Keird kaya nang huminto ang sasakyan ayy agad siyang sumuka sa gilid nang kalsada. Pakiramdam niya ay lalabas a]ng kanyang sikmura.
"Hayyy ang dami mo arte... Diba may pakpak ka kaya sanay kang lumipad tapos sumusuka ka diyan. Tsk ! Isa ka siguro sa mga mahihinang anghel Ms. Cupid. Bilisan mo na, sumunod ka sa akin sa loob." Mayabang at nakapamulsang sabi ni Keird Sendo at tinalikuran na ang dalaga.
"Good evening po si Keird Mondragon.... " Pagbati nang manager sa kanya nang boutique at yumuko sa kanya.
"Good evening... May papaayusan sana akong kasam-bahay namin, birthday kasi niya kaya treat ko na sa kanya. I make- over niyo siya ahh..." Nakangiting saad niya sa manager.
"Nasaan po siya sir...???" Pagtatakang tanong nito sa binata.
"Mamaya ay nandito na yun.... Sige dun muna ako sa men's section para maghanap din nang aking susuotin." Sagot niy Keird at tinalikuran na ang babae.
Agad na siyang nagtungo sa mga t-shirt at naghanap siya nang pwede niyang suotin. Simpleng itim na tshirt na may konting print sa harap at cargo pants na kulay army green. Nang makapagpalit ay hinintay na lamang niya si Ms. Cupid sa waiting area. Nag- kape na muna siya roon habang tumitingin nang mga post sa kanyang instagram account. At sa pagkainip ay nakatulog siya.
Samantala si Alyanah naman ay inayusan nang mga staff nang boutique.
"Miss ano pong gagawin niyo sa akin??? Sabi po ni Keird bibili lang po kami nang damit...?" Nagtatakang tanong ni Alyanah at magkasalubong pa ang kilay.
"Ahh sabi po ni sir Keird ayusan ka daw po namin." Nakangiti naman na sagot nang manager sa kanya.
Ang dami niyang sinukat na damit, pero ang napili nang mga ito ay pink sexy dress na hapit sa kanyang katawan at bahagyang nakasilip ang kanyang cleavage na nagpadagdag sa kanyang sexyness. Inayos din nila ang kanyang buhok, pinlantsa at nilagyan din siya nang kolorete sa kanyang mukha. Sobrang namangha ang mga staff at manager nang boutique nang maayusan siya. Siya naman din ang dating nang may-ari ng boutique at napatulala din sa kanya. Si Alexis Manuel.
"Ahh... good evening sir Alexis..." Pagbati nang mga staff at manager sa bagong dating na may- ari nang boutique.
"Good evening... Who' s this lady or rather an angel??? She' s so pretty." Namamanghang sabi nito.
"Good evening po mister... Alyanah..." Pagbati at pagpapakilala niya sa binatang sa tingin niya ay may- ari nang boutique.
"Good evening Miss Alyanah... Your so beatiful like an angel, glad to meet you. I'm Alexis Manuel;" Sagot nito at nagpakilala kay Alyanah.
Nakipag- kamay naman siya bilang paggalang at ngumiti sa binata.
"Ohh... what a smile, my heart is melting. Anghel ka ba na bumaba sa lupa? mula sa langit." Namamangha lalo na saad ni Alexis nang makita ang ngiti ni Alyanah. Tanging ngiti lamang ang iginanti ni Alyanah sa pagpuri nito sa kanya at nagpaalam na para puntahan ang kanyang kasama. Nauna na sa kanya ang manager para lapitan si Keird.
BINABASA MO ANG
MS. CUPID AND THE HEARTLESS CEO
RomanceSi Alyanah ay isang angel cupid na ang misyon ay magpares nang mga taong nakatadhana para magmahalan. Siya ang taga-hanap nang mga nag-iibigan na magsasama habang buhay. Kailangan maka-isang daan na couples siya nang mga nag-iibigan para maka- akya...