KABANATA 2: LOVE HURTS

2 0 0
                                    

Nasa kanyang silid na si Keird Sendo at nagapapakalango sa alak. Blanko ang kanyang isipan basta ang gusto lamang niya ay mag- inom nang alak at makalimot sa nangyari ngayon araw. Sa araw nang kanyang kasal na naging parang araw ng mga patay sa kanyang buhay. Mula ngayon ay iisipin niya patay na si Angela kasama nito ang kanyang puso na namantay na din. Gusto na niyang pumikit at matulog pero pag ipinikit na niya ang kanyang mga mata ay nakikita niya ang mga tao sa simbahan habang pinag- uusapan siya at yung iba naman ay pinagattawanman siya dahil hindi na darating pa ang kanyang bride na si Angela.

" Angela... Bakit mo ba ginawa sa akin ito...! Hindi ako nagkulang nang pagmamahal ko sayo babe. Ikaw lang ang lahat sa akin, paano pa ako mabubuhay kung wala ka na.!" Galit na sigaw ni Keird Sendo at hinagis ang bote nang alak.

"Ahhh... ayaw ko na... Pwede ba gusto ko nang mamatay...!!!" Puno nang sakit at hinagpis na sigaw ni niya. At umiyak siya hanggang sa maubos ang kanyang luha. Natigilan na lamang siya nang marinig niya ang tinig nang kanyang mommy Helga mula sa labas nang kanyang silid.

"Sendo anak... pagbuksan mo si mommy, kung kailangan mo nang kausap nandito lang ako anak." Malungkot na sabi ni Donya Helga at naiiyak na din sa sitwasyon ngayon nang kanyang anak.

"Kuya Sendo... papasukin mo na kami ni mommy. Hindi na muna kami uuwe." Sigaw din ni Khylee.

Pero hindi sumagot si Keird Sendo nanatili lamang siyang nakatulala kahit pa naririnig niya ang kanyang mommy Helga at bunsong kapoatid na si Khylee. Hindi niya alam kung ano ang isasagot at wala ding lumalabas na boses sa kanyang lalamunan. Puro hikbi at buntong hinionga lamang ang kayaniyang gawin.

Habang sa labas nang pintuan ni Keird Sendo ay sobrang nag- aalala na ang kanyang mommy Helga at kapatid na si Khylee.

"Mommy ayaw po tayo pag- buksan ni Kuya Sendo... Baka kung ano ang gawin niya sa kanyang sarili." Naiiyak na sabi ni Khylee at yumakap sa kanyang mommy Helga.

"Kaya nga anak... naawa na ako sa kuya mo. Saglit yung kanyang susi pala baka na kay yaya Gina niya. Puntahan mo muna sa maids quarter at hingin mo ang duplicate nang susi ni Kuya Keird mo." Mabilis na utosni Helga sa anak niyang si Khylee.

"Sige po mommy... puntahan ko na si yaya Gina." Sagot ni Khylee at bumaba na para pumunta sa maids quarter.

Pagkababa ni Khylee sa unang palapag nang kanilang bahay ay agad siyang pumunta sa maids quarter at hinanap si yaya Gina. Ginising na lamang niya ang matandang yaya nang kanyang kuya dahil natutulog na pala ito.

"Yaya... Yaya Gina... Please gumising po muna kayo." Malakas ang boses na gising nang dalaga kay yaya Gina.

"Hmmm... Ano ba yun anak...???" Pumupungas pa ang mga mata na gising ni Yaya Gina.

"Yaya may duplicate ka nang room ni Kuya Sendo diba." Nagmamadaling tanong niya sa matanda.

"Oo meron mam... Sandali kunin ko po sa drawer ko." Agad na bangon nito para kunin ang susi ng kwarto nang kanyang kuya Sendo.

"Maraming salamat po yaya Gina..." Naiiyak na pagpasalamat ni Khylee.

"Heto po mam Khylee... bakit ano po ba ang nangyari kay sir Sendo ahh...???" Pag- aalalang tanong nang matanda habang nakasunod na paakyat sa silid ni Sendo.

"Mahabang kwento po yaya Gina... Pero ayaw po lumabas ni kuya sa kwarto niya at kanina p po namin siya kinakatok hindi na po namin alam kung ano ang ginagawa niya sa loob." Naiiyak na sagot ni Khylee sa matandang babae. Sobrang nag- aalala na din siya sa kanyang Kuya Keird Sendo.

"Ganon po ba mam Khylee... tara na po at tayo ay magmadali." Sagot ni Yaya Gina at mas binilisan pa ni ang kanilang lakad para puntahan si Sendo.

Pagkarating nila tatlong palapag nang mansyon kung saan naron ang silid ni Keird Sendo. Ay naririnig pa rin nila ang boses ni Donya Helga na nakikiusap na pagbuksan na ito nang kanyang anak. Umiiyak na rin ito dahil sa sobrang pag- aalala.

"Mommy... heto na po ang susi, buksan niyo na po. Baka kung ano na po ang nangyari kay kuya Sendo." Pag- aalalang saad ni Khylee.

"Opo mam Helga, buksa niyo na po agad." Kinakabahan din na sabi ni Yaya Gina.

"Oo akin na ang susi..." Nanginginig na sagot ni Donya Helga at agad na binuksan pinto nang silid ni Keird Sendo.

Pagkabukas nang pintuan ay nakita nila nang nakaupo lamang si Sendo sa gilid nang kama na nakayuko habang umiiyak. Maraming basag at sirang mga gamit ang nakakalat sa paligid nang kwarto nito. Napaka- miserable nang kalagayan nang batang ceo.

"Anak Keird!...." Sigaw ni Donya Helga sa kanyang anak at tinakbong niyakap niya ito nang mahigpit.

"Kuya Sendo..." Naiyak anng tuluyan si Khylee dahil nakita niya ang sitwasyon nang kanyang kuya.

"Sir Keird..." Naawang sambit ni Yaya Gina at naluha na rin dahil sa nakitang kalgayan nang kanyang alaga.

"Mommy... patayin niyo na lang ako.!" Ani ni Sendo at malakas na humagulhol nang iyak.

"Sssshhh.... Anak tahan na, paglabanan mo yan." Sagot ni Donya Helga sa anak at tinapik ang likod nito.

" Mommy ano bang mali kong nagawa at nagawa niya akong iwan sa mismong araw pa nang kasal namin. Sana umpisa pa lang hindi na niya ako pinaasa pa." Malungkot at humihikbi pa rin na sabi ni Sendo sa kanyang ina.

"Malalaman mo din yan sa tamang panahon anak, magkikita pa rin kayo ni Angela para magkaroon nang closure ang inyong relasyo. Sa ngayon Keird ayusin mo yang sarili mo at maging matatag ka. Patunayan mo sa kanya na kaya mong mabuhay kahit wala na siya." Mahabang paliwanag ni Donya Helga sa kanyang anak.

"Mommy... saan at paano ako muling mabubuhay. Dinala niya ang puso ko, siya ang dahilan nang buhay ko mom. Ano ang dapat kong gawin, hindi ko na kayang mabuhay." Galit na sigaw ni Keird Sendo at umiyak pa rin nang malakas.

"Anak... Matatapos din ang lahat at mapapagod ka rin umiyak. Nandito lang kami para sa iyo." Malambing na sagot ni Donya Helga.

"Kuya Keird... nandito lang ako kahit anong mangyari." Naiiyak na sabi ni Khylee at yumakap nang mahigpit sa kanyang kuya.

"Sir Keird... mamalampasin niyo rin po yang pagsubok sa buhay niyo." Sabi ni Yaya Gina at yumuko sa kanila.

"Mommy..." Pagtawag ni Sendo sa kanyang ina at hindi pa rin tumitigil ang kanyang mga luha sa pagtulo.

Sa kakaiyak at pagwawala ay nakatulog si Keird Sendo, hindi siya iniwan nang kanyang mommy, kapatid na bunso at nang kanyang yaya Gina. Pinagmamasdan lamang ni Donya Helga ang kanyang anak maging siya ay nalulungkot sa sinapit nang kasal nito pero wala na silang magagawa pa kundi tanggapin na lamang.     

MS. CUPID AND THE HEARTLESS CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon