KABANATA 6: MS. CUPID IN TROUBLE

1 0 0
                                    


Alyanah's POV

"Ms. Alyanah congrats sa iyong couple 99!... Isang pares na lang at tapos na ang iyong misyon at makaka- akyat ka na sa paraiso na walang hanggan." Pagbati sa kanya nang kanyang boss C.

"Salamat po Boss C... Nasa book ko na po ba ang huling couple na aking papanain para matapos na po ang aking misyon...???" Excited niyang tanong sa kanyang mentor at boss dito sa cupid department sa langit.

"Hmmm... pwede mo nang tingnan at pag- aralan hija. Medyo mahihirapan ka sa dalawang iyan dahil dati na silang magkasintahan at muntik pang ikasal. Pero hindi sumipot ang babae sa kanilang kasal. Kaya nagrebelde ang kawawang lalaki." Mahabang kwento sa kanya ni Boss C.

"Sobrang challenging yata nito ah... " Kinakabahan na saad ni Alyanah.

"Yesss... Alyanah kaya goodluck talaga sa iyo, para sa ika- 100 couple para mafinish mo na ang iyong mission." Nakangiting sabi sa kanya ni Boss C.

"Nakaya ko nga po yung 99 pairs... itong last pair pa po kaya. Syempre kakayanin ko." Mataas ang self confidence na sagot ni Alyanah at ngumiti pa nang mnatamis sa kanyang boss.

"Oo naman... ako yata mentor mo kaya ganyan ka kagaling." Natatawang saad ni Boss C at nagtawanan sila nang malaks sa opisina nito.

"Hmmm masilip ko na nga para mapagplanuhan ko na ang mga hakbang na gagawin ko." Excited na sabi niya sa kanyang boss C.

"Paghindi mo kaya sipain mo na alang sila parehas,malamang mga pabebe yang mga yan.'' Pabirong ani ni Boss C.

"Kung pwede lang po noh.. Boss C.. hahah. Hmmm ang gwapo naman nang lalaki Boss C , artista ba siya??? Kamukha siya nung crush ko sa boyband yung frontman po dun Zayn yata first name niya." Makulit niyang kwento.

"Ayyy ewan ko sayo... wala akong kilala sa lupa at earth. Kaya bahala kana diyan ahh..." Natatawa na lamang niyang saad sa makulit na anghel.

"Sige na po Boss C dito na lang po muna ako sa opisina mo... Habang pinag- aaralan ko po itong pang- one hundred ko na couple." Pag- paalam niya rito at umalis na ang kanyang boss C kaya siya na muna ang naupo sa swivel chair nito.

Binasa niyang mabuti ang mga inspirasyon at kinabisado ang pisikal na hitsura nang dalawa niya propek. Ang lalaki ay isang ceo, bilyonaryo, prinsepe nang mga mondragon, bigo sa unang pag- ibig kaya ngayon ay nagrerebelde sa pamamagitan nang pagpalit- palit nang mga karelasyon na babae. Ang gusto lang nito ay sex with them. Ang babae naman na nakatadhana dito ay dati niyang fiance, dahil may pangarap ito ay hindi niya sinipot ang kanilang kasal at nakipag- relasyon ito sa bestfriend nang kanyang groom. Dahil hindi nagtagal ang kanilang relasyo ay nakipaghiwalay ito sa kanyang naging kalaguyo at ngayon ay gustong balikana ng kanyang dating fiance para din maidsalba ang kung kumpanya nila na pabagsak na. Kailangan niya iyto para muling makabangon ang kumpanya nang kanyang mga magulang.

Pabalik na din sa bansa ang lalaki makalipoas ang apat na taon dahil matagumpay ana ng kumpanya na kanyang itinayo sa california. Kaya uuwe na ito sa pilipinas para makapiling ang kanyang mommy at bunsong kapatid.

"Hmmm... meant to be talaga sila pati pagbalik nila sa kanilang bansa ay sabay pa talaga sila. Eh di kayo na ang tinadhana... Hindi naman na pala ako mahihirapan eh." Masaya niyang bulong sa kanyang sarili.

Inihanda na niya ang kanyang pana at iba pang gamit, baba na siya sa mundo para panain ang kanyang dalawang tao na dcapat na magkatuluyan habang- buhay. Nagteleport na siya papunta kung nasaan ang mga ito.

Makalipas ang apat na taon ay muling nakita ni Keird Sendo ang Pilipinas na kanyang isinumpa noon, dahil sa kabiguan niya sa unang pag-ibig. Nabalitaan rin niya na pabalik din ang kanyang ex- fiance dahil nagkahiwalay sila nang karelasyon nito na taksil niyang matalik na kaibigan. Si Rovan ang susundo sa kanya ngayon kaya nagkape na lamang siya sa isang coffee shop sa loob nnag airport.

Sa mga hindi mo inaasahan na panahon ang ayaw mong makita ay magpapakita talaga sayo. Tulad ngayon papasok din sa loob nang coffeeshop ang kanyang ex- fiance at ngumiti pa sa kanya. Wala siyang reaksyon rito.

"Hi Keird Sendo.... Nice to see you again my love." Mapang- akit nitong turan.

"Okey..." Tanging sagot niya at yumukong muli para ituon ang kanyang paningin sa monitor nang kanyang laptop. Naiinis siya sa pinsang si Rovan dahil napakatagal nito.

Alyanah's POV

Nasa labas si Alyanah nang isang coffeeshop at nagpalinga- linga siya para hanapin ang isa man lang sa kanyang mga prospek na love couple. At presto natanaw niya ang mga ito na magkaharap sa isang lamesa. Nasa bandang dulo ang mga ito kaya nagteleport siyang muli para maihanda na niya ang sarili bago panain ang love couple. Inilagay na niya ang love potion sa kanyang palaso at naghanda na siyang panain ang kanyang unang target si Keird Sendo. Huminga siya nang malalim bago ipinana ang palaso sa kanyang target na lalaki. At nagtagumpay naman siya, at saglit na tumigil sa paggalaw ang binata dahil unti- unting pumasok sa puso nito ang love potion.

Muling inihanda niya ulit ang kanyang palaso para sa kanyang pangalawang target na si Angela. Pero nang itinira niya ang palaso ay sumulpot si Rovan sa kanyang harapan at tumama sa brief case nito ang palaso kaya bumanda ito doon at bumalik sa kanya, pero sa kasamaang palad ay sa dibdib niya ito tumama kaya naman napatigil siya dahil nahirapan siyang huminga, agad siyang nakabawe sa pagkagulat kaya naman agad niya hinugot ang palaso sa kanyang dibdib at muling itarget kay Angela. Nasapul niya si Angela pero wala nang epekto rito ang palaso at love potion dahil unang naitarak sa kanyang dibdib.

"Paano toh... anong gagawin ko, hindi ako pwedeng ma- inlove sa tao dahil isa akong anghel. Malalagot ako kay Boss C." Naiiyak niya sabi sa sarili.

"Diyos ko sana tulungan niyo po maging kalmado si Boss C." Pagmamakaawa niya sabi sa sarili at nag-teleport na siya pabalik sa langit at opisina ni Boss C.

"Alyanah...!" Galit na sigaw at tili nito sa kanyang pangalan.

"Boss C... sorry po talaga, hindi ko po sina sadya! Aksidente po ang nangyari..." Naiiyak niyang paliwanag sa kanyang Boss at mentor dito sa cupid department.

"Wala nang tigil ang alert dito sa opisina ko...! Nakakarindi na...! Ano na naman ba ang ginawa mo huh???" Iritableng tanong nito sa kanya.

"Aksidente po tumarak sa aking dibdib ang palaso ko Boss C." Umiiyak niyang paliwanag at nanginginig na tumingin sa kanyang mentor.

"Problema nga iyan Alyanah... pati ako mapaparusahan nang itaas dahil sa kapalpakan mo...!" Sigaw nito sa kanya at napakamot na lamang sa kanyang ulo.

Si Alyanah naman ay umiyak nang malakas na parang bata. Pinabayaan lang muna siya nang kanyang mentor habang hinahanap sa kanyang monitor kung ano ang magiging kaparusahan nang kanyang alaga sa nagawa nitong kapalpakan.

MS. CUPID AND THE HEARTLESS CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon