Chapter 1

645 7 0
                                    

Oh, boy...

Napakagat-labi si Loren nang biglang may nag-ingay sa kanyang sasakyan. Animo may nagkakayurang metal mula sa kung saan pagkatapos niyang mag-switch ng gears. Napangiwi siya, nag-alala na baka hindi makarating sa destinasyon dahil nasa alanganing lugar siya.

Nilingon niya sa rearview mirror ang ilang putul-putol na lumber at driftwoods na karga ng maliit niyang pickup—kung pickup ngang matatawag ang isang dating kotse na tinabas ang likod para maging gayon. Kailangan niyang madala ang mga karga niya sa ginagawa niyang bahay. At medyo nakakatakot na tuluyang bumigay ang sasakyan niyang matanda pa sa sinauna bago pa niya marating ang bahay niya.

Palusong man ang daan, di-kalayuan naman ay paakyat at papaliko. At doon ang delikado. Puwedeng tumirik siya at mag-slide pababa, kaya kailangan ng kaunting driving dexterity kung nais niyang makarating sa paroroonan nang walang aberya.

Pero pagkatapos naman na malagpasan ang daan na iyon.. ah, heaven! Puwede na siyang mag-relax, marahil ay maupo sa tabing-ilog at makinig sa mahinang lagaslas ng agos ng tubig sa bandang hapon.

Napangiti si Loren habang nai-imagine ang magiging buhay niya. Malapit nang matapos ang pangarap niyang bahay—isang country house sa gitna ng isang malawak na lupain na may sariwang hangin at luntiang paligid.

Sa loob ng nakalipas na mga buwan ay unti-unti ang repairs at renovations na ipinagawa niya sa lumang bahay ng kanyang nasirang lolo sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Malaki ang natipid niya dahil halos sila-sila lang na magkakaibigan ang tumapos sa finishing touches ng bahay. Halos gumagastos lang siya sa materyales bagaman alam niyang magbabayad din siya sa mga ito sa ibang paraan naman.

Humigit siya ng malalim na hininga at nag-concentrate sa kanyang gagawin. Kasama ang mahinang dalangin ay tinapakan niya ang silinyador upang makakuha ng buwelo mula sa paahon na bahagi ng daan.

Umangil ang makina at humagibis na pasulong ang kanyang sasakyan. "Nice, nice, nice," aniya sa sarili habang maya't maya ang sulyap sa rearview mirror para tingnan kung naroon pa rin ang mga materyales na karga niya. Dumiin ang pagkakakapit niya sa manibela, saka kinabig iyon upang ingatan ang lubak na madaraanan, pagkatapos ay kinabig uli para manatili sa madulas at maputik na daan ang sasakyan.

"Whew!" bulalas siya. Buong araw kasing umulan kaya ganoon ang kondisyon ng daan. So far, so good. Malapit na siya sa kurba. Muli niyang sinulyapan ang mga karga niya sa likod ng sasakyan, na isang pagkakamali dahil laking gulat niya nang pagbaling niya uli sa harap ay bigla na lamang ang pagsulpot ng isang itim na van.

Huli na para umiwas pa siya. Nakabig man niya ang manibela ay mukhang hindi iyon gumana. Natapakan man niya ang preno pero hindi na rin kumagat iyon. Nasa harap na niya ang van at wala na siyang magawa. She braced herself for the impact.

Ang sumunod na narinig niya ay ang nakangingilong pagtama ng metal sa kapwa metal. Narindi siya, naramdaman ang biglang paghinto ng pickup, then the bone-wrenching jolt that shook her whole body.

Hindi siya kaagad nakakilos, tila nanigas ang buong katawan niya. Ang tanging naririnig niya ay ang tikatik ng ulan sa bubong ng kanyang sasakyan.

Walang anu-ano ay bumukas ang pinto sa side niya at naramdaman niya ang malamig

Certainly! Here's the passage formatted for readability:

---

Walang anu-­‐‑ano ay bumukas ang pinto sa side niya at naramdaman niya ang malamig na ulan na tumatama sa mga tuhod niya.

Yikes! tahimik na hinagpis niya nang maramdaman ang mabilis na pag-­‐‑agos ng tubig pababa sa kanyang mga binti. Ngunit bago pa niya maigalaw ang kanyang mga paa ay naramdaman niya ang mariin na paghawak sa kanyang mga hita, balakang, pataas sa kanyang mga tadyang ng kung sino.

Loving Thy Neighbor - Olga MedinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon