Chapter 10

173 1 0
                                    

"SA SUMUNOD na mga araw ay palaging magkasama sina Loren at Dan. Madalas silang mag-dinner o kaya ay manood ng sine. Maya't maya rin ay nasa shop niya ang binata, dinadalaw siya sa mga oras na hindi niya inaasahan.

Gaya ng sinabi nito ay gumawa nga ito sa bahay niya—sa deck, sa mga kailangang gawin sa bubong, at mga tubo ng tubig sa binabalak niyang hardin.

Nakaugalian na rin nila na kapag pareho silang naroon ay pumupunta sila sa burol at pinanonood ang paglubog ng araw hanggang sa tuluyang lumatag ang dilim ng gabi.

She was happy. Deep inside her ay walang katiting na pagdududa na hindi na biro ang damdamin niya para kay Dan. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagsasalita ng tungkol sa tunay na pagkatao nito. At ang nais niya ay magkusa ito.

Iyon ang isang bagay na talagang ikinababahala niya.

Saan ba magtatapos ang lahat ng iyon? Ano ba talaga ang intensiyon ni Dan sa kanya? Hindi kaya pampalipas-oras lamang siya nito at konsiderasyon lamang? At kaya hindi nito sinasamantala ang mga sandali ng kahinaan niya ay para huwag siyang masyadong masaktan kapag umalis na ito?

At kung sakaling aalis nga ito, ano na ang gagawin niya? Ano ang gagawin niya ngayon pa lang para maihanda ang sarili sa araw na iyon?

"YES, MR. MARQUEZ, kukuha na ako ng pit bull. Okay, okay fighting line at show line. At kung may Pekingese. ."

Mahilu-hilo si Loren nang ibaba ang telepono. Ilang gabi na siyang hindi mapagkatulog sa iba't ibang isipin. Sa nakalipas na dalawang gabi ay hindi sila nagpangita ni Dan. Parang walang tao sa bahay nito. Kahit si Pooh ay sa verandah niya nagpalipas ng gabi sa dalawang pagkakataong iyon.

Hindi niya maiwasang mag-alala nang matindi para kay Dan. Kinakabahan siyang hindi niya maintindihan. Ayaw naman niyang isipin na may masamang nangyari dito. Mukhang hindi niya iyon matatanggap.

"Sino raw ba ang puwede nating i-refer para ma-train sa pagsasalitàyong mynah?"

Medyo natagalan bago nag-sink in sa utak niya ang tanong na iyon ni Marionne. Kung dati ay automatic ang sagot niya, ngayon ay kailangan pa niyang mag-isip nang matagal para ma-retrieve ang impormasyon mula sa isip niya. At minsan ay hindi iyon dumarating.

"Pakitingnan mo na lang doon sa calling card book, Marionne."

"Eh, 'yong vaccination daw n'ong dalawang Bengal cat, kailan ba dapat gawin? Nakalimutan daw niyàyong schedules, sabi n'ong customer mong si Mrs. dela Vega."

"Pakitingnan mo na lang 'yong records, Marionne. Masakit ang ulo ko, eh." Hinimas niya ang sariling sentido. "No, wait. Okay. Ako na lang ang tatawag sa kanya mamaya. Pakipaalala mo lang sa akin bago magtanghali."

"Ate Loren! Ate Loren!" tawag ni Bong na kapapasok lang sa shop.

"O, bakit?" tanong niya rito sa himig na dumaraing. Ayaw na muna sana niyang ng karagdagang problema, pero hindi rin naman niya puwedeng bale-walain iyon. "May kailangan ka ba, Bong?"

"Nabasa mo na bàtong diyaryo, Ate Loren? Hindi ba si Mang Dan 'to?" Nakaturo ito sa isang pahina ng nakabukas na pahayagan.

Parang biglang may bumayo sa kanyang dibdib. "S-isi Dan? Nasa diyaryo? Nasaan?"

"Heto, Ate.. "

Para siyang gininaw sa nakita. Malabo ang kuhang iyon pero hindi maitatangging si Dan nga ang isa sa mga nasakote ng mga awtoridad.

Binasa niya ang headline na nasa ilalim ng larawan na kasama si Dan: BIG-TIME SMUGGLING SYNDICATE FALLS.

She was shocked. Hindi siya makapaniwala. Pero nagdudumilat sa harap niya ang masakit na katotohanan.

Loving Thy Neighbor - Olga MedinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon