Chapter 6

150 1 0
                                    

"ALAM mo, hanggang ngayon ay hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung ano ang trabaho mo," ani Loren kay Dan. Nasa isang burol sila noon di-kalayuan sa mga bahay nila habang nakatanaw sa payapang lawa. "Naka-leave ka ba sa trabaho mo?"

"I dabble on the stock market." Itinigil nito ang paglalaro ng mga daliri sa damong kinauupuan nila. "At the moment, I suppose na puwede mong sabihing unemployed ako." Sumulyap ito sa kanya. "Does it bother you na hindi ako 'gainfully' employed?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi naman. Kaya lang, personally, hindi ko yata kayang mabuhay nang ganyan."

"Pero isipin mo naman, wala namang problema na gaya ng inaasikaso mo kanina. Sabi ko nga, isang buwan, dalawa, o kalahating taon na walang ganoon—malaya mula sa mga responsibilidad na taglay mo ngayon."

"A pipe dream. Malabo pa sa sabaw ng pusit ang sinasabi mong iyan. Hindi naman ako tumataya sa lotto. Wala rin akong mayamang kamag-anak na magpapamana sa akin sakaling mamatay sila. Oo, masarap sanang magpantasya. Sino nga ba ang hindi nangangarap na makapagpahinga kahit sandali mula sa pagtatrabaho?"

Na imposible sa kaso niya. Lagpas-ulo na yata ang mga utang niya na ilang taon pa niyang bubunuin. "Pero naranasan ko rin namang magbakasyon sa Hong Kong noong pagka-graduate ko. Doon ko napag-isipan nang husto ang gusto kong gawin sa buhay ko, kaya heto. At hindi naman ako nagsisisi kahit nahihirapan ako. I'm not that anxious na bitawan na lang basta ang lahat ng ito."

"Smart girl. Alam mo, bilib ako sa mga gaya mong alam kung ano ang gusto nila. Mukhang napakatalino ng nagpalaki sa iyo."

"Ang lolo ko ang nagpalaki sa akin. At tama ka, isa siyang matalinong tao na labis kong hinahangaan. Kaya lang ay matagal na siyang wala."

"Hmm. . sayang at hindi na pala kami magka-kausap. I really would have loved knowing him."

Sumunod doon ang sandaling katahimikan.

"Natutuwa rin naman ako na hindi ka nag-hesitate na sumama sa akin sa paglalakad dito. I really appreciate that," anito pagkuwan.

"Now what? Tinatakot mo ba ako?"

"Bakit, natatakot ka ba?"

"Hindi. Sanay naman ako sa horror dahil iyan ang hilig ko noong bata pa ako."

"Pero hula ko'y pinag-isipan mo na ako nang hindi maganda, ano?" he probed. "Sige na, hindi naman ako mao-offend."

Ayaw man niyang umamin ay hindi niya magawang magsinungaling dito. "Well. . sabihin na nating sumasagi iyon sa isip ko paminsan-minsan."

"Naiisip mo lang paminsan-minsan?" tudyo nito habang nakatitig sa kanya. Lalo pa itong umisod sa tabi niya.

Pakiwari niya ay na-ground siya sa simpleng pagdadaiti nilang iyon. "Well. . hindi ako makapag-decide kung bank robber ka ba, isang escaped convict na nagtatago sa awtoridad, o isang eccentric na gumagawa ng plano para pabagsakin ang gobyerno. Satisfied?"

Mahinang tumawa ito. "Siyempre. Lagi kong ina-appreciate ang honesty mula sa isang babae na. . interesado ako."

Napalunok siya, saka napatingin dito. Naramdaman niya ang mumunting butil ng pawis sa kanyang noo kahit malamig ang simoy ng hangin. "B-bakit ka naman magiging interesado sa akin?" Huli na para magsisi pa siya sa pag-alpas ng mga salitang iyon mula sa kanyang bibig. Baka isipin nitong naghahangad lang siya na makarinig ng compliments mula rito.

"Well, maganda ka, intelihente—well, most of the time—at sa palagay ko ay puwede tayong magkasundo sa maraming bagay. Puwede mong lagyan ng spice at excitement itong aking, well, let's call it 'sabbatical.'"

Napahumindig siya. Kulang na lang ay bitbitin niya ito sa kuwelyo at mula roon ay ihagis ito sa lawa. Pero imposible iyon kaya naghagilap siya ng ibang paraan para makaganti rito.

Loving Thy Neighbor - Olga MedinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon