Chapter 8

143 1 0
                                    

NAPAMAANG si Loren at hindi makapaniwala sa nakikita.

Sa gilid ng kanyang mga mata ay napatingin din si Mark sa kabilang mesa.

"Mark, Loren!" gilalas na tawag naman sa kanila ni Lee. "Wow! Hindi ko akalain na nandito rin pala kayo. This is a surprise."

I bet. Lumipat ang tingin niya kay Dan. Makikita ang kainosentihan sa mukha nito pero malakas ang pakiramdam niyang ito ang may pakana ng tagpong iyon. Lihim siyang nanggalaiti.

"Mark, I don't believe na na-­‐‑meet mo na si Dan Maravilla, have you?" patuloy naman ni Lee na inignora ang obvious na pagngingitngit niya.

"No. I don't think so." Tila naman nakabawi kaagad ang kanyang nobyo mula sa pagkabigla at mabilis na nakabalik sa pagiging at ease at charming habang isinasagawa ang introductions.

Alam na ni Loren na sira na ang gabi niyang iyon. Ang lahat ng plano niya ay parang bulang naglaho. Paano niya maiaakto ang "role" niya ngayong nasa kabilang mesa lamang si Dan?

And worse, may guts pang mag-­‐‑suggest si Lee na sumalo ang mga ito sa mesa nila. Siyempre, walang magawa si Mark kundi ang sumang-­‐‑ayon. At ngayong nasa kanan niya si Dan, nasa kaliwa si Mark, sa harap si Lee, ay wala na siyang duda na nagpakana ang dalawang ito para sadyang sirain ang gabing iyon.

"Para sa isa na naging busy buong araw sa trabaho, you look wonderfully fresh," mahinang sabi ni Dan habang absorbed sa pag-­‐‑uusap sina Lee at Mark.

"At ano ang inaasahan mo?" She glared at him.

"Magdamit-­‐‑basahan ako?"

"Siyempre, hindi." Humagod ang mga mata nito sa ayos niya. "May specific ka bang mga plano this evening?"

"May plano man ako o wala, hindi ko makita kung ano ang pakialam mo roon."

"Siyempre, may pakialam ako," anito sa mababa at naghahamong tinig. "Hindi ko pa rin nalilimutan 'yong bilin ko sa iyo na huwag ka nang mag-­‐‑isip ng kung anu-­‐‑anong idea as far as your friend is concerned."

Minsan pa nitong minasdan ang damit niya, saka umiling. "Nag-­‐‑e-­‐‑enjoy ka talaga sa reckless living, ano?"

Nais sana niyang gumanti, ngunit minabuti niyang tumahimik na lamang bago pa humaba ang diskusyong iyon. Hindi sa isang public place ang venue para makipagtuos siya kay Dan.

Kailangan niyang maghintay na makauwi sila. Sa ganoon ay walang ibang makakarinig sa mga sasabihin niya rito. Malamang ay patatahimikin nito ang pagtatalak niya sa pamamagitan ng paglalagay ng busal sa bibig niya.

Si Lee naman ay napakagaling man-­‐‑"dead-­‐‑ma" sa masasamang tingin na ipinupukol niya rito na walang kahirap-­‐‑hirap na dinadala sa general discussion ang mga pag-­‐‑uusap nila. Kulang na lamang ay abutin niya ito mula sa kabilang ibayo ng mesa at sakalin ito.

At si Dan naman ay itinuon ang sarili sa pagtatanong ng kung anu-­‐‑ano nang tila nakontento na ito sa pang-­‐‑aasar sa kanya. Talagang imbiyerna na siya nang mga oras na iyon. Ginawa niyang aloof ang sarili sa usapan. But for all the good it was doing her, she could have excused herself and just gone home. Noon din lang niya naramdaman ang ganoong kagalakan na natapos ang isang meal. Nakuha pa nga niyang ngumiti nang magpasalamat si Dan kay Mark dahil hinayaan ng kanyang nobyo na sumalo ang mga ito sa kanilang dinner. And then Mark delivered the coup de grâce.

"Why don't you, guys, come with us to a party some of my friends are throwing?"

Pinakatitigan niya si Lee. Alam na niya kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Dahan-­‐‑dahang kumilos ang paa niya sa ilalim ng mesa at umakmang idiin ang makitid na takong ng sapatos niya sa sapatos nito, saka buong tamis na ngumiti.

Loving Thy Neighbor - Olga MedinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon