Chapter 4

157 1 0
                                    

PAKIRAMDAM ni Loren ay handa na siyang mamatay nang mga sandaling iyon na nahuli sa isang alanganing sitwasyon—to be caught necking with a relative stranger.

"Ano ba'ng kailangan mo, Ka Gerry?" tanong ni Dan dito sa malamig na tinig. Nasa likod pa rin ng ulo niya ang isang kamay nito, masasabi niyang idiniriin ang kanyang mukha sa matigas na dibdib nito, habang ang isa pa ay nakapulupot pa rin nang mahigpit sa kanyang baywang.

"May tawag ka." Iniangat nito ang isang cellphone. "O sasabihin kong mamaya na lang uli tumawag dahil matatagalan ka pa riyan?"

Parang gustong umusok ng bumbunan niya habang nararamdaman ang pag-­‐‑iinit ng kanyang mga pisngi na alam niyang pulang-­‐‑pula na nang mga sandaling iyon.

"Kunin mo yung message, Ka Gerry, at susunod na ako mayamaya," ani Dan dito.

Tumalima naman kaagad si Ka Gerry. Lumipas pa ang ilang sandali bago lumuwang ang pagkakahapit ni Dan sa kanya at tuluyan siyang pinakawalan.

Mabilis naman siyang umatras palayo rito.

"I'm sorry na napahiya ka dahil nahuli tayo ni Ka Gerry sa isang... alanganing sitwasyon," anito. "But I'm not sorry na hinalikan kita." Umangat ang isang kamay nito, saka dinama ng daliri ang kanyang pisngi. "You're a very desirable woman, Loren Solis. Sino ang nagturo sa iyong humalik, si Lee Mariano?"

Oh, boy! Parang nahihilo pa rin siya sa karanasang iyon, na animo kagigising lang niya mula sa isang panaginip. Very stimulating ang lahat ng naging encounter niya kay Dan. His kisses, though, had been devastating. But it seemed that it was as much a shocker to him as it was to her.

"Childhood friend ko si Lee, hindi boyfriend," pagbibigay-­‐‑alam niya rito na may bahagyang panginginig sa tinig. Nais sana niyang magtunog-­‐‑kaswal ang sagot niyang iyon, ngunit parang nabigo siya. Perhaps she was still reeling from the impact of the kiss.

Parang nararamdaman pa rin niya ang mga labi nito sa kanya. Tila kumapit na sa kanya ang amoy nito na pinaghalong cologne at pawis.

Hindi niya alam kung ano ang nakita nito sa kanya—perhaps fear, panic or hesitation—ngunit laking gulat niya nang bigla siyang hinawakan nito sa magkabilang balikat at ipinihit paharap sa kanyang bahay.

"Sige na, bumalik ka na sa loob at tapusin mo na ang mga dapat mong gawin. Babalik na lang ako mamaya para tapusin 'tong wonder car mo."

IT WAS a cowardly escape, pag-­‐‑amin ni Loren.

Hanggang nang mga sandaling iyon ay wala siyang magawa kundi ang pumikit na lamang upang gunitain ang kakaibang lakas ni Dan na nanulay sa kumikibut-­‐‑kibot na mga labi niya.

Pero ano ang alam niya tungkol kay Dan Maravilla? Wala kahit ano. Nangunot ang noo niya habang inaayos ang mga sapatos niya sa isang rack, pilit binabalikan ang mga naging "pag-­‐‑uusap" nila, ngunit wala talaga. Ni hindi nga masasabing normal ang relasyon nila bilang magkapitbahay.

Pumikit siya at bumalik sa kanya kung gaano kadali siyang "natunaw" sa mga bisig nito. At ngayon pa lang ay nangingilag na siya sa muling paghaharap nila.

Pero hindi na siya isang teenager. Beinte-­‐‑singko na siya at may sapat na rin namang karanasan, kaya hindi na dapat siya umaakto nang ganoon.

Pero bakit hindi niya maipagwalang-­‐‑bahala ang engkuwentrong iyon at magkunwaring parang walang nangyari?

Sa labas ay narinig niya ang paghinto ng isang sasakyan sa harap ng bahay niya. Kinabahan kaagad siya bagaman malabong si Dan iyon. Marahil ay si Lee. Pero nasorpresa siya nang pagdungaw niya sa bintana ay agad na nakilala ang lalaking umibis mula sa isang bagong Toyota Altis.

Loving Thy Neighbor - Olga MedinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon