Epilogue

242 7 1
                                    

NAALIMPUNGATAN si Loren nang maramdamang may dumidila sa kanyang paa. Dahan-­‐‑dahan siyang dumilat at nakita si Pooh, tila tuwang-­‐‑tuwa na kinikiliti siya.

"Sshh. ." mahinang saway niya rito. "'Yong amo mo ang gisingin mo.. Masakit pa ang ulo ko, Pooh.. " Napatingin siya sa katabi niya. Tulog na tulog pa si Dan.

Gaya ng sinabi nito ay ipinakita nito ang tunay na pagkatao nito sa mga sumunod na buwan.

Maliban sa yaman nito ay wala naman itong ipinagkaiba sa Dan na una niyang nakilala. Ito pa rin ang lalaking natutuhan niyang mahalin.

Kaya naman hindi na siya tumanggi nang yayain na siya nitong magpakasal. She was deliriously happy, kahit pa ang kondisyon niya ay sa Norzagaray pa rin sila titira at hindi siya titigil sa pagma-­‐‑manage ng shop. Kasabay niyon ay itutuloy niya ang pag-­‐‑aaral ng Veterinary Medicine.

He agreed. "That's the good thing about stocks. Puwede kang kumita kahit nasaan ka," sabi pa nito. "At iyong business, I'll let the managers do their jobs. At ako naman ang magma-­‐‑manage sa kanila mula rito."

Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Ngayon ay may aquarium na sila, may hawla ng ibon, may kulungan ng ibang hayop sa labas. Ngayon ay mukhang bahay na ng isang pet shop owner ang bahay niya.

Hindi lang si Pooh ang aso nila. Mayroon na ring Tigger, Bodo, Oniok, at mga pusang sina Teeny at Weeny. Sabi kasi ni Dan ay bigla raw itong nahilig sa mga hayop.

Wala na siyang mairereklamo pa sa buhay niya. At ang pinakagusto pa niya sa lahat: bibigyan siya ni Dan ng isang bagong sasakyan—RAV4.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, ah?"

"O, gising ka na pala.. " Napangiti siya sa kanyang asawa.

"Kanina pa nga kita pinagmamasdan. Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa iyo. You really are beautiful. Dahil makikita raw ang tunay na ganda ng isang babae paggising niya sa umaga."

Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya na marinig ang gayon mula rito. "Ows?"

"Oo naman. You always look fresh and beautiful. Hindi gaya ng iba na paggising ay mukhang Super Sayan."

"Super Sayan?"

"'Yong characters sa cartoon program na Dragon Ball-­‐‑Z na nakatayo ang mga buhok. Marami kasing babae na ganoon, parang monster sa umaga hangga't hindi nakakapag-­‐‑ayos."

She giggled. "Sobra ka naman. Kaya siguro hindi ka agad nakapag-­‐‑asawa noon ay dahil ganoon ang mga naging girlfriends mo tuwing magigising kang katabi sila sa umaga."

"Mabuti nga't hindi ako nagkaroon ng sakit sa puso," pagbibiro pa nito. "Ibang-­‐‑iba ngayon na matutulog akong nasa mga bisig ko ang pinaka-­‐‑magandang babae sa lupa. At magigising sa umaga na gano'n pa rin. Masasabi kong ako na ang pinakama-­‐‑palad na lalaki sa buong mundo."

"Kahit grabe na ang kunsumisyon mo sa akin?"

"Right. At masyado ko ring sinunod 'yong nasa Sampung Utos."

"Na?"

"Love thy neighbor. And my neighbor is my wife." Hinagod nito ng daliri ang kanyang buhok. "I love you, Loren. I really do."

"At hindi ako magsasawang sabihin na mahal din kita, my dear neighbor."


Wakas

Loving Thy Neighbor - Olga MedinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon