Chapter 9

183 3 1
                                    

NAHIGIT ni Loren ang hininga nang marinig ang mahinang katok sa kanyang pinto. Hindi na siya nag-­‐‑abalang buksan pa iyon dahil kusa nang nangyari iyon, at iniluwa ang malaking bulto ni Dan. Kasunod nito si Pooh na kakawag-­‐‑kawag pa ang buntot.

"Good evening," mahinang bati nito sa kanya, saka inilahad ang kamay na kanina ay nakatago sa likod nito. May dala itong isang bungkos ng mga rosas at kahon ng chocolate. "Para sa iyo. ."

"Thank you," aniyang hindi malaman kung matatawa o masusuya sa sitwasyon. Nakakailang pala, sa loob-­‐‑loob niya. "Halika, maupo ka," yaya niya rito.

"Salamat." Inokupa nito ang pang-­‐‑isahang sofa at agad namang sumalampak sa paanan nito si Pooh na tila tamad na tamad na kumilos. "You look wonderful tonight," puri pa nito sa kanya.

"Para ka namang si Eric Clapton." Nakuha pa niyang magbiro. "Ikaw rin, ang guwapo mo ngayon."

Tumawa ito nang mahina, pagkatapos ay kumibut-­‐‑kibot ang ilong na animo sinisinghot ang paligid. "Parang.. may naaamoy ako. Nag-­‐‑spray ka ba ng insecticide? Malamok ba rito?"

Nais nang pumakla ng ngiti niya ngunit pilit niyang pinanatiling matamis iyon. "Ahm. . actually, air freshener. Pine scent. ."

Kumunot ang noo nito. "Yeah... amoy-­‐‑Christmas tree nga. Pero may iba pa akong naaamoy. Parang amoy-­‐‑Binondo. Amoy-­‐‑Chinatown."

Ang sticks ng insenso na sinindihan niya kanina ang naaamoy nito. Hindi ba dapat ay maging mabango iyon at magdulot ng romantikong atmosphere sa kanila? "Ow?"

Suminghut-­‐‑singhot siya kunwari. "Wala naman akong naaamoy, ah?"

Mukhang hindi naman ito kumbinsido at patuloy pa rin ang paggalaw-­‐‑galaw ng ilong. "Baka nga guniguni ko lang. Anyway, ano ba ang iniluto mo riyan? Puwede na ba tayong mag-­‐‑dinner?" Ngumisi ito at hinimas-­‐‑himas pa ang tiyan. "Medyo nagugutom na ako, eh."

Ngumiti siya. Siguro naman ay hindi nito pipintasan ang table setting niya. "Halika, doon tayo sa mesa." Sinindihan niya ang scented candle at nagsimula nang maghain. "Sana'y magustuhan mo itong inihanda ko."

"Hmm. . amoy pa lang, ulam na," biro nito na inokupa ang isang silya. Pagkatapos ay napatingin ito sa mga kandila sa mesa.

"Candlelit dinner, huh? Romantic ka palang tao."

Bakit parang nakikini-­‐‑kinita niyang hindi magandang ideya ang dinner at pag-­‐‑akyat nito ng ligaw? "May music pa akong inihanda para diyan." Inabot niya ang remote control na nakapatong sa isang shelf malapit sa kanya at isang pindot sa buton ay pumailanlang ang isang instrumental na musika.

"Ayos," anito. "Halika, kumain na tayo."

Sinabayan na nga niya ito sa pagkain. At least, enjoy naman siya sa dinner na iyon dahil naging normal ang pag-­‐‑uusap nila, talking about her favorite subject—pets. Bagaman napupuna niyang maya't maya ang pagpupunas nito ng ilong.

"Nagtataka lang ako kung bakit hanggang ngayon ay wala akong nakikitang pet dito," anito nang tapos na silang kumain. "Kahit goldfish, wala."

"Sapat na muna sa akin si Pooh. Sa maniwala ka't sa hindi, hindi lang kasi ako makapag-­‐‑decide kung ano ang iuuwi ko. Paborito ko kasi silang lahat."

"Bagay siguro sa iyo, pet rock. 'Yong walang maintenance. Teka, tutulong ako sa iyo sa pagliligpit ng pinagkainan natin para hindi na ito matambak."

Napangiti siya roon. "Okay, kung iyon ang gusto mo." Sinimulan na niya ang pagliligpit ng mga plato at ito naman ang naghugas ng mga iyon.

Nang matapos ito ay bumalik na sila sa sala, dala ang malamig na alak na inilagay niya kanina sa freezer. Ito ang nagbukas niyon at nagsalin sa dalawang kopita. Then he proposed a toast. "Para sa atin. Para sa pasimula ng isang magandang relasyon."

Loving Thy Neighbor - Olga MedinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon