Third Person POV
KAtok sa pinto ang nakapagpagising kay Tres mula sa mahimbing na pagkakatulog. He tried to ignore it and go back to sleep but the one outside is so persistent!
Nagpatuloy iyon sa pagkatok.
D*mn!
Anong oras na ba at kay aga naman ng pagkatok na iyon?
Inis na bumangon sya sa kama para pagbuksan na iyon. He didn't bother to cover his upper body. Naka boxer shorts lang sya nang buksan nya ang pinto. "What?", salubong ang kilay na bungad nya pero agad iyon napalitan ng pagngiti nang makita kung sino ang kumakatok na iyon.
"P-Pasensya na po, Senyorito pero pinapagising na po kayo ni Lola Cora para sa almusal. Mag aalas nuwebe na po kasi ng umaga at hindi pa raw po kayo nakakakain", nahihiyang wika nito sabay yuko ng ulo at iwas ng tingin sa kanya.
Pinasadahan nya ito ng tingin. Hindi ito naka suot ng uniporme na pang katulong. Simpleng t-shirt at shorts lang ang suot nito kaya kita nya ang magandang hubog ng mga hita nito.
Tumikhim sya nang biglang mag angat ito ng tingin sa kanya. "Paki sabi na bababa na 'ko. Maliligo lang ako saglit...", sagot nya nang makitang naghihintay ito ng sasabihin nya.
"Okay, po", saka ito tumalikod na. Nasundan nya ito ng tingin habang papalayo. Sa isip nya ay may kung anong naglalaro na ikinangiti nya ng lihim.
***
"Althea, salinan mo ng juice ang baso ng Senyorito", utos ni Cora sa apo na agad namang tumalima.
Si Tres ay nagpatuloy sa pagkain habang pasimpleng sinusulyapan ang dalaga na nakatayo sa kanyang gilid. Naghihintay ng ipag uutos nya.
"Kumain ka na ba?", di nya napigilang tanong sa dalaga nang lingunin nya iyon nang bumalik ang lola nito sa loob ng kusina.
"Opo. Kanina pa po", sagot ni Althea.
"Mangangalay ka riyan. Ma-upo ka rito", utos ni Tres sabay hila ng upuan sa kanyang tabi.
"Hindi na po, Senyorito", tanggi nito. "Okay lang po ako rito", dagdag nito at muling nag iwas ng tingin sa kanya.
"May cellphone ka na?", biglang tanong nya na ikina angat ng tingin nito.
"P-Po?"
"Cellphone? Naka bili ka na?", nang huli nya kasing punta rito sa Baler ay balak sana nyang hingin ang number nito pero ang sabi nito ay wala raw itong cellphone na ikina-dismaya nya.
So, baka ngayon ay meron na kaya nya itinatanong.
Pero sa pagkagulat nya ay umiling ito ng marahan. "Wala ka pa ring cellphone? Magkano ba ang pasahod sa'yo rito at hindi mo makuhang makabili man lang?", kinuha nya ang baso ng juice at ininom habang naghihintay ng sagot sa dalaga.
"Sapat lang po na pangdagdag sa allowance ko ang kinikita ko po rito sa ancestral. Pinangbayad ko na rin po iyon para sa tuition ko ngayong sem kaya wala po akong extra para ipangbili ng cellphone", paliwanag nito.
Binaba nya ang tangan na baso at tiningnan ito. Hindi sya maka paniwala na kahit mumurahing klase ng cellphone ay hindi ito makabili. Halos lahat ng tao ay may cellphone na. Kahit nga bata ay meron pero ito...?
C'mon!
Sa panahon ngayon ay parte na ng buhay ang pagkakaroon ng cellphone. Halos doon na nga umiikot ang mundo ng iba.
"Sinong nagpapa-aral sa'yo?", pagkuway tanong nya.
"Ang Lola Cora ko po pero hindi po sapat kaya pinakisuyo po na ipasok ako rito para may mai-pangdagdag kami para sa gastusin."

BINABASA MO ANG
Can't Fight This Feeling (On Going)
Romance"We b-both a-agreed to end our relationship. We decided to separate in a n-nice way and we're g-good", ani Althea sa mga taong naka paligid sa kanila. "Pero...", hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin nang biglang hinampas ng malakas ni Tres ang i...