Chapter 5

14 1 0
                                    

Tres

Agad na binasag ko ang shell at hinigop ang mainit-init na sabaw sa loob matapos lagyan ng kaunting asin.

Bihira akong kumain ng ganito pero pag may pagkakataon na may nakita akong nagbebenta ay agad na tinatawag ko para makabili. Tulad na lang kanina nang may mapadaan dito sa lugar namin.

Tinanggalan ko pa iyon ng shell para makain ang nasa loob pero natigilan ako sa nakita.

"Gusto ko lang naman kumain pero bakit naman ganito?", dismayado kong wika nang mabalatan hanggang gitna ang binili.

Tiningnan ni Dos ang inirereklamo ko saka tumawa nang makita iyon. "Ano 'yan...instant pet?", tumatawa pa ring wika nito.

"T*ngina naman! Sabi ko balut. Binigyan pa 'ko ng alagain ni manong...", palatak ko habang naiiling pero natatawa rin naman.

Sabay na bumunghalit ng tawa si Uno at Dos.

Napatayo ako at hagilap ng tingin ang nilakaran ng pinagbilhan namin. "Hoy! Manong...ayoko ng ganitong balut! Palitan mo 'to...!", habol kong sigaw sa nagbebenta pero tuluyan nang nakalakad palayo iyon.

Haysss...

Wala akong nagawa kundi titigan na lang ang hawak na balut na nakalabas na ang may kalakihang sisiw na may tuka na. Ang balahibo pa.

Naman, eh!

Muli akong bumalik sa pagkaka upo sa tapat ng malaki naming gate habang katabi ang dalawa kong kapatid na sarap na sarap sa kanilang nakuha.

Napatingin ako sa hawak ko. Ni hindi ko masimulang kainin.

"Gusto nyo pa?", baling ko sa dalawa.

"No, thanks. Solve na ko rito", ani Uno at inisang subuan ang kinakain saka ito tumayo para itapon ang shell sa basurahan. Ganon din si Dos.

I sighed.

Sa huli ay iyong kulay yellow at puti na lang ang pinagtiyagaan kong kainin. Hindi naman sa maarte pero hindi ko lang talaga kayang kumain kapag medyo may kalakihan na iyong sisiw.

"Nga pala...", kuha ko sa atensyon ng dalawa. "Samahan nyo ulit ako sa pagbalik ng Baler.

"Na naman!", palatak ng mga ito na napapakamot pa.

"Weekend naman 'yon. Dadalaw ulit ako kila Althea."

"Sige pero baka mayari ka kay Mommy kapag nalaman 'yang ginagawa mong panliligaw sa apo ng katiwala roon", alalang wika ni Uno.

Saglit akong natigilan sa sinabi nito. Though, alam ko naman ang gustong ipunto nito.

"Pasalamat ka at di pa nakakabalik si Tita Olga. Kapag nalaman din ni Tita na pinopormahan mo ang dalagang apo ni Manang Cora ay baka hindi ka na pabalikin do'n", si Dos.

"Malinis naman ang intensyon ko", panlaban ko.

"Malinis nga pero alam mo ang gusto ni Mommy", makahulugang paalala sa akin ni Uno.

I sighed.

"I still want to pursue Althea. Saka na ako magpapaliwanag kay Mommy."

***

"Gusto mo?", alok ko kay Kuya Corby habang hinihintay namin si Kuya Symon na matapos sa meeting.

Nandirito kami sa opisina nya for some business matter. Si Kuya Corby naman ay may personal na sadya kay Kuya Symon.

"Ano 'yan?", kunot noong baling nito sa akin habang naka upo kami rito sa sofa.

Pinakita ko naman dito ang paketeng hawak ko.

Can't Fight This Feeling (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon