Third Person POV
Nasa dining area sila Uno, Dos at Tres kasama ang Mommy Carmen nila na kadarating lang sa bansa kaninang umaga.
They were surprised to see her arrived because their mother didn't tell them na pauwi pala ito. Umuwi lang pala saglit para makumusta silang tatlo at ang lagay ng kanilang kumpanya pero paalis din ulit ito sa makalawa para samahan ang Daddy nila na nasa Mexico pa.
Sabay-sabay silang dumulog sa hapag kainan kinagabihan ayon na rin sa kagustuhan ng Mommy nila. Simula bata pa sila ay ganito na ang set-up nila. Gusto kasi nitong magkakasabay silang kumain hanggat maaari.
Kahit na nga ba mga binata na sila at nasa tamang edad na para mag asawa ay sinisigurado nito na magkakasama pa rin sila sa tuwing nandirito sila sa mansion nila sa San Delfin.
Meron na rin kasi silang magkakapatid na sariling mga condo sa Manila. Kapag nandoon sila ay magkakahiwalay sila ng tinutuluyan. Kaya dito lang sa mansion nila sa San Delfin sila nagkakasama sa iisang bubong.
Habang kumakain ay panay ang tanong ng Mommy nila sa kanila kung anu-ano ang mga pinagkaka abalahan nila bukod sa kanilang construction firm.
Sinasagot naman nila iyon ayon sa gustong marinig ng kanilang Mommy. Kapag kasi sinabi nilang mga babae ang pinagkaka abalahan nila pagkatapos ng trabaho ay paniguradong masesermunan sila nito.
Gusto kasi ng Mommy Carmen nila na pumili sila ng babae na pakakasalan na nila at hindi iyong pang pastime o fling lang. Ayaw nitong may pinaglalaruan silang mga babae.
Kaya nga siguro hindi pinagkalooban ang kanilang mga magulang ng babaeng anak at puro mga barakong anak ang ibinigay dito dahil may pagka strikta ang kanilang Mommy.
Baka maging madre ang kanilang kapatid na babae kung sakali lalo kung bunso pa iyon.
Pagkuway napabaling ang atensyon ng Mommy nila kay Tres. Tinanong ito kung puro pagpapasaway lang ba ang ginagawa na hinindian naman nito.
"Siguraduhin mo lang, Tommy!", his Mommy gave him a warning look.
"Behave naman ako, Mommy", paniguro ni Tres na ikina ubo bigla ng dalawa nyang kapatid. Pasimpleng sinamaan nya ng tingin sina Uno at Dos nang hindi napapansin ng kanilang Mommy.
"Baka iba 'yang behave na sinasabi mo, ha. Tatamaan ka talaga sa'kin kapag may nakarating sa'kin na puro ka na naman kalokohan. Naku, kang bata ka!", his Mom added bago kinuha ang baso saka uminom doon.
"Mommy, hindi na 'ko bata. Kaya ko na ngang mang buntis at gumawa ng bata, eh", walang anumang wika ni Tres na para bang balewala lang ang sinabi sa ina.
Ang dalawa naman nyang kapatid ay nagpipigil ng tawa dahil ayaw ng mga ito na sa kanila naman mabunton ang atensyon ng kanilang Mommy.
"Tommy Reseamus!", his mom warningly calls him with his whole name matapos ibaba ang baso. Kapag ganitong tinawag na sya sa kanyang buong pangalan ay seryoso na talaga ang kanilang Mommy.
Pero hindi nya inda iyon...
"What? Kaya na nga kitang bigyan ng apo, eh and you're still treating me like a baby. What the f-"
"Nasa hapag kainan tayo. Watch your mouth!", putol ni Carmen sa sasabihin ng anak at pinanglakihan pa ito ng mga mata upang mag tigil na.
Ang bunso nya talaga. Kahit kailan napaka pasaway!
Tres sighed at nagpatuloy na lang sa pagkain.
***
A day after their Mommy left for Mexico ay tahimik na ulit sa kanilang mansion dahil wala ang kanilang Mommy Carmen na panay ang sermon sa kanila.
BINABASA MO ANG
Can't Fight This Feeling (On Going)
Romance"We b-both a-agreed to end our relationship. We decided to separate in a n-nice way and we're g-good", ani Althea sa mga taong naka paligid sa kanila. "Pero...", hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin nang biglang hinampas ng malakas ni Tres ang i...