Third Person POV
TRES furiously bump his car to the one in front. When the owner tries to save his car for additional damage, he immediately maneuvers his car and bump the guy na bahagyang ikinatalsik noon. Hindi naman kalakasan ang patama nya dahil wala naman syang balak na puruhan ito. Gusto lang nyang bigyan ito ng leksyon na hindi sa lahat ng oras ay magmamatapang ito.
Nagkamali ito ng kinabangga.
Totoo ang sinasabi ng ilan na makakahanap ka rin ng katapat.
Sa katulad nito na puro yabang lang ay nakahanap ito ng katapat sa katauhan nya. Hindi nya palalagpasin ang ginawa nito.
Kaya nang makitang patayo ito mula sa pagkakasadlak sa sementadong daan ay muli nyang pinaabante ang sasakyan sa direksyon nito na ikinatalon ng lalake para makaiwas lang. Muli nyang pinagbalingan ang sasakyan nito. Binangga nya ulit ang kotse nito dahilan upang kumalas na ang pintuan sa may driver seat. Hindi pa sya nakuntento at kinaladkad pa nya iyon. Hindi na bale kung mayupi at mabangasan ang nguso ng kanyang mamahaling kotse. Ang mahalaga ay makaganti sya rito.
"T*ngina mo! Mag commute ka ngayon...", pabulong at mariin na usal nya habang nasa unahan ng kanyang kotse ang sasakyan nito na walang awa nyang kinakaladkad. Isinagad nya iyon sa nakitang pader na halos ikadurog noon. Iniatras nya ang sasakyan at inisang lingon ang lalake na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kotse nitong sira na.
Nang magtama ang mga mata nila ay nginisihan nya ito then he raised his middle finger to him saka nya diretsong pinaandar ang sariling sasakyan palayo sa lugar na iyon na para bang walang nangyari.
Kanina ay maayos naman ang pagmamaneho nya hanggang sa nakagitgitan nga nya iyon sa daan. That guy kept on cutting his lane and over taking. Nakainom pa yata ang g*gong 'yon!
Mandadamay pa ito ng ibang motorista kaya ang ginawa nya nang muling umungos ito sa kanya para mag over take na naman ay binangga na nya ang likuran ng sasakyan nito sa pagka bwisit nya rito.
Di naman mamahalin ang kotse nito kaya kayang-kaya nyang bayaran iyon. Kung tutuusin ay mas mahal pa nga ang minamaneho nya kesa rito. Mas lugi pa sya sa danyos. Siguradong nagasgasan ang unahan ng kanya dahil sa pagbangga nya roon. Tsk.
Ang ilang tao sa paligid na nakasaksi ng pangyayari ay napatingin sa kanilang gawi. Ang ibang sasakyan naman na nadaraanan sila ay napapalingon din sa kanila pero nagpatuloy lang sa pagmamaneho at nilagpasan lang sila.
Tumigil ang sasakyan at agad na bumaba ang driver noon na galit na galit. Expected na nya iyon.
Sya naman ay napahinto rin sa gilid ng daan para hindi makasagabal sa ibang sasakyan pero hindi sya bumaba. Hinintay nyang lapitan sya ng lalake na sinipat muna ang natamaang parte mg sasakyan. Napangisi siya nang makitang problemado ang itsura nito at napapakamot pa sa ulo.
Iyan ang napapala ng mga gahaman sa daan at walang konsiderasyon sa ibang drivers. Akala mo ay hari ng kalsada kung makapag drive. Tingnan nya lang ang angas nito ngayon.
Nang makalapit iyon ay malakas na kinatok nito ang salamin sa kanyang gilid. Ibinaba naman nya iyon pero ang kanyang mga mata ay nasa unahan. Ayaw nya itong lingunin. Pinagmumura agad sya nito na may kasamang pagduro. P*ta!
Agad na nilingon nya ito na may talim sa kanyang mga mata. Kita nyang bahagyang natigilan iyon pero nagpatuloy ulit na murahin sya.
Sinabi nya ang kanyang dahilan kung bakit nya ginawa iyon sa kabila ng pagpupuyos nito sa galit at pagmumura pero ayaw naman nitong tanggapin ang sariling kamalian.
Napa iling siya.
Sya na tuloy ngayon ang mali at may kasalanan. T*nginang 'yan!
Nang higitin nito ang kwelyo ng suot nyang polo ay doon na nagpanting ang kanyang tenga. Malakas na inalis nya ang kamay nito sa pagkakahigit sa kanya at ang sumunod na ngang pangyayari ay iyong kani-kanina lang.

BINABASA MO ANG
Can't Fight This Feeling (On Going)
Romance"We b-both a-agreed to end our relationship. We decided to separate in a n-nice way and we're g-good", ani Althea sa mga taong naka paligid sa kanila. "Pero...", hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin nang biglang hinampas ng malakas ni Tres ang i...