6

8 0 0
                                    

Sa paglipas ng mga taon, lumalim ang pag-ibig nina Sam at Mon. Ang bawat sandali ng kanilang pagsasama ay nagbibigay-liwanag sa kanilang landas, patungo sa isang kinabukasang puno ng pagmamahalan at pag-asa.

Sa isang maganda at tahimik na gabi, habang sila'y naglalakad sa baybayin ng Koh Samui, biglang nagtaka si Mon kung bakit siya kinakabahan. Habang siya'y nanginginig, si Sam ay biglang lumuhod sa harap niya, hawak ang isang maliit na kahon na may kasamang singsing.

"Mon," bulong ni Sam, "mula pa noong unang araw na nagkakilala tayo, alam ko nang ikaw ang aking hinahanap-hanap. Ikaw ang nagbigay-liwanag sa madilim kong mundo, at ikaw ang nagpatibok muli sa aking puso. Kaya't ngayong hinihiling ko sa iyo, sa ilalim ng mga bituin at sa harap ng karagatan na sumaksi sa ating pagmamahalan, Mon, p'wede ba kitang pakasalan?"

Naiiyak at hindi makapaniwala, si Mon ay pumayag na may napakalaking ligaya sa kanyang puso. "Oo, Sam," sagot niya habang umiiyak sa kaligayahang hindi maipaliwanag, "p'wede mo akong pakasalan. Ikaw ang aking pangarap, ang aking buhay, at ang aking pag-ibig."

Sa kasalukuyan, sa ilalim ng kislap ng mga bituin at sa harap ng karagatan na sila'y nagtagpo, nagkapalitan sila ng mga pangakong walang hanggan. Ang pangarap ni Mon na magpakasal kay Sam ay nagkatotoo, at ang kanilang pag-ibig ay nagdala ng liwanag at saya sa kanilang mga puso. Ang kanilang kasal ay hindi lamang isang simbolo ng kanilang pagmamahalan, kundi pati na rin ng kanilang pangarap na magsama habang-buhay.

Gap the SeriesWhere stories live. Discover now