"Aleesa."
"兄弟 (Kuya)."
"任何更新? (Any updates?)"
"没什么,兄弟。我还在跑腿,工作对我来说仍然很困难。(Nothing, kuya. I am still running errands and work is still difficult for me.)"
" 这个电话是废话,如果你已经发了就给我打电话. ( This call is bullshit. If you have already sent it, call me."
" 是的兄弟 (Yes, kuya.)"
Inilapag niya sa kama ang hawak niyang cellphone dahil pinatayan siya ng kausap ng tawag.
" Madame? "
Napatingin siya sa kasambahay niya na dala ang house telephone ng bahay niya.
" Si Mr. Buenavista po. "
" Akin na po, ate. Salamat po. "
Kinuha niya ang telepono sa kasambahay at sinagot ang tawag.
" Kuya Vic, napatawag po kayo. Anong maipaglilingkod ko po sa inyo? "
Bati niya at rinig niya ang pagtawa ng kausap sa kabilang linya.
" Nako, Aleesa. Kahit private call, ganyan pa rin talaga ang bungad mo. "
" Syempre naman po, Kuya. Ito ang pinili kong serbisyo kaya paninindigan ko po talaga ito."
" Sabagay. Nga pala, Aleesa. Saan ka na ba? Hinihintay na kita dito. "
Agad naman siyang nagtaka dahil sa tinuran ng kausap.
" Huh? Bakit po? Ano pong gagawin? "
" Ikaw, Aleesa ah. Nagtatampo ako, kinalimutan mong kaarawan ko ngayon. "
Doon niya napagtanto na ngayong hapon gaganapin ang kaarawan ng kaibigan niyang businessman.
" Ah, opo kuya. Pasensya na po, makakalimutin na. "
" Naku, ayos lang. Naiintindihan ko naman lalo na't hindi ngayon maganda ang takbo ng trabaho mo. Sige na, aasahan kita mamaya. "
" Opo, kuya. Salamat po, Happy Birthday po! "
Pagtapos ng tawag ay ibinalik niya sa kasambahay ang telepono at kinuha ang sariling cellphone , nakita niya ang mga text message ng kaibigan.
Ding:
Mars, ready ka na ba?
Sunduin na ba kita?
Hay naku, si mare snobber!
Nagtipa siya ng reply para sa kaibigan at agad na ni-send ito.
Aleesa:
Naku, Ding. Sorry, ngayon pa lang ako mag-aayos huhuhuhu.
Ding:
Naku, dalian mo ah!
Aleesa:
Huwag mo na'ko sunduin, magdadala naman ako ng sasakyan.
Ding:
Sure ka?
Aleesa:
Oo nga, sige na. Maliligo pa'ko!
Inihagis niya ang cellphone sa kama at agad na pumasok sa banyo para maligo at mag -ayos.
Halos isang oras ang inilagi niya sa pag-aayos ng sarili niya. Simple make-up na syempre ay tinernohan ng square-shaped glasses niya.
Isinuot niya ang pink dress na paborito niya, nagsuot din siya ng mga simpleng alahas katulad ng hikaw, kwintas at relo.
YOU ARE READING
We Can't Be Friends (Edited)
FanfictionEnemies turned into Lovers? RH x AG (This story is purely fictional and satire!)