05

1K 54 7
                                    

The atmosphere was filled with joy and excitement but Ana felt like going home instead of partying.

Honestly, tinatamad talaga siya dahil gusto niya na lang magpahinga. Ngunit, dahil nagpasama si Lorna at kaarawan rin ng kaibigan nila ay wala siyang nagawa.

Pinauna niya ang mayora sa pagpasok sa hall, nadismaya pa siya dahil hindi na ito muling lumingon sa kaniya at dumiretso agad sa table nila.

Pumunta na rin sya sa table nila na may dalawang table ang pagitan sa kaniya at sa mayora.

Nakita niya ang mga ngiting nakalagay sa mukha nito at mga tawang ibinibigay nito na dahilan ng kaniyang pagngiti.

Ngunit nawala rin ito at napalitan ng pag-kunot ng kaniyang noo. Nakita niya ang ginawang pagbulong ng mayora sa katabi at ang pagtawa nilang pareho.

Ganun ba sila ka-close?

May dumaang waiter sa tabi niya at tinawag niya ito upang humingi ng champagne, palipat-lipat ang tingin niya sa telepono at sa mayora.

Nang tumingin siya ay saktong pagtayo ng mayora at kasama nito. Agad na nagtagpo ang kanilang mga mata, gusto niya pa itong labanan ngunit nawalan siya ng lakas ng loob nang makita ang kamay ng kasama niyang humawak sa bewang ng mayora.

Ako dapat yun, hmp!

Agad niyang pinutol ang eye contact nilang dalawa at ininom ang hawak na champagne.

Kung bote lang 'to kanina ko pa 'to tinungga!

Napatingin siya sa gawi ng dalawa na papunta kay Mr. Buenavista, pinanood niya ang bawat galaw ng mayora at mas lalong nangunot ang noo niya nang yumakap si Aleesa kay Buenavista.

Double kill, Ana!

"Ana!"

Muntikan na siyang napatalon sa gulat nang may gumulat sa kaniya, tumingin siya sa likuran niya at nakita ang kaibigan.

"Ano ka ba, Lorna! Papatayin mo'ko sa gulat!"

Asik niya at mahinang hinampas ang kaibigan, tumawa lamang ito at humingi rin ng champagne sa waiter.

"Ang OA ah! Ikaw ah, ang tahimik mo! Try to socialize naman."

"Tinatamad nga ako, Lorna. The party didn't even start pa naman, kaya mamaya na lang."

Sambit niya at muling tumingin sa gawi ng mayora, kita niya ang mga ngiti nito na para bang walang problemang hinaharap at dala-dala.

Napansin ito ni Lorna at agad siyang napangiti, may naisip siyang kalokohan kaya agad siyang tumayo at hinila ang kaibigan papunta sa gawi ng mayora.

"Lorna, ano ba!"

"Huwag OA, Ana! Babatiin lang natin si Vic!"

Wala nang nagawa si Ana kundi ang magpahila sa kaibigan, tumingin siya kay Aleesa na nakatalikod sa gawi nila kaya hindi sila nito napansin.

"Hii, Vic! Happy birthday!"

Malakas na bati ng kaibigan at siya na ang nahiya para dito. Gulat na napatingin sa kanila si Aleesa at ang kaibigan nito habang si Mr. Buenavista ay galak na galak.

"Happy birthday, Vic!"

"I'm glad that you made it, Ana and Lorna!"

Masayang saad nito at yumakap sa kanilang dalawa, nakita niya ang alkalde na umiwas ng tingin at sinundan niya ito ng tingin.

" Naku, we're happy to see you again. Buti na lang naisipan mo na dito mag-celebrate ng birthday mo."

" Ah, yes! Of course, miss ko na ang Philippines, kahit ilang buwan pa lang ako sa states ay namimiss ko na agad ang Pilipinas."

We Can't Be Friends (Edited)Where stories live. Discover now