02

1.3K 51 13
                                    

Ana is seating in a one-seat sofa holding her phone and a folder in her left hand.

"So, anong latest, mare?" Bungad sa kaniya ni Lorna sa tawag.

Ana take a deep breath and kinuwento kay Lorna ang lahat ng nangyari.

"Oh, good Lord! Totoong sinabi niya iyon? Dadalhin ka niya sa date?" Lorna asked in her overreacted tone.

" Anong date? It's just my thought, Lorna. Of course, baka it's her hidden agenda." Saad niya at tumawa bigla ang kausap.

" Hidden agenda? Na dalhin ka sa date?" Tunatawang saad nito.

" That's not what I meant, Lorna. Maybe gusto niyang bumawi at magkapalagayan kami ng loob para sa ganoon, hindi ko siya paghinalaan in her illegal and wrong doings. " Ana explained and Lorna just laughed.

" Thought ka dyan, sabihin mo nababading ka kay Mayor Aleesa!" Tawang tukso nito at biglang sumeryoso ilang segundo pagtapos nito tumawa.

"Well, you're in fact has a point, Ana. You know naman most of the people, they wear sheep's clothing but underneath is a dangerous wolf. May plano ka na ba?" Tanong nito at napaisip siya.

" Wala pa, but if I construct a plan. I'll immediately informed you."

" Sige, mare. Just keep me updated, I'll go to sleep na. You should too, we will visiting a friend tomorrow. Goodnight, Sen. Ana."

They bid goodbye to each other before ending the call.

Well, what's her plan?

Binuksan niya ang isang maliit na brown envelope na naglalaman ng mga litrato ni Mayor Aleesa Go.

Kita niya ang ngiti nitong halos mawala na ang mga mata nito, hindi niya namamalayang nahahawa na rin siya sa mga ngiti nito.

What the freak, Ana! Anong ngini-ngiti-ngiti mo dyan?

Naalala niya ang nangyari sa loob ng kotse ng mayora, ramdam niya ang biglang pagkabog at pagbilis ng tibok ng puso niya.

Para siyang kinakabahan at pinagpapawisan sa nararamdaman niya.

Aaminin niya, kita niya ang gandang taglay ng alkalde. Humanga din siya sa serbisyong ibinigay nito sa mga nasasakupan, talagang mahirap itong pag-isipan ng masama dahil sa pagiging maamo at inosente ng hitsura nito.

Bigla niyang naalala ang tinuran ni Lorna.

"They wear sheep's clothing but underneath is a dangerous wolf."

May point ang kapwa senadora, baka nga ay may hidden agenda ang mayora at may binabalak itong masama para sa bansa.

Ipinapanalangin niya na lamang na walang mangyaring ganoong masama sa bansa lalo na't crush niya ang mayora.

Tumayo siya at nilagay ang folder sa loob ng suitcase niya at nagtungo na sa kwarto niya upang magpahinga.

"Aleesa!"

"父亲. (Father.)"

" 你是这个家庭的耻辱,你最好洗清我的名誉,否则你永远不会喜欢我会对你做什么. (You are a disgrace to this family and you better clear my name or you will never like what I will do to you.)"

" 我和你妈妈会飞回我们的国家,不会再有乱七八糟的事情了,明白吗. (Your mother and I will fly back to our country and there won't be any more mess, okay?)"

" 是的,父亲.(Yes, father.)"

Pagtapos patayin ng tawag ay binato nito ang hawak na telepono sa kama, hindi niya maintindihan ang nararamdaman.

Muling sumikip ang kaniyang dibdib at nahihirapan na naman siyang huminga.

Halos mawalan na siya ng hininga nang maabot niya ang syringe na may nakapaloob na gamot at agad niya itong tinurok sa hita niya.

Patuloy ang pag-agos ng kaniyang luha sa kaniyang mga pisngi, naalala pa niya ang ginawa ng senadora sa kaniya sa loob ng sasakyan bago ito mawalan ng malay.

"Senator Ana!"

Napatingin ang senadora sa mga taong sumalubong sa kaniya, ito ay mga mamamayang nasasakupan ng mayora.

Narito siya sa Bamban, Tarlac upang dumalo sa pagtitipon-tipon ng kanilag kaibigan.

Sinalubong siya ng mga tao, maraming ibinabatong tanong sa kaniya tungkol sa kanilang alkalde at marami ring nagpapa-picture sa kaniya.

Nang maharang ito ng mga tanod at mga bodyguards nito ay agad siyang nagtungo sa hotel na pinagplanuhan nila ni Loren na tulugan para sa gabi.

Nagtungo muna siya sa comfort room at nagsabi siya sa mga bodyguards niya na maghintay na lang sa labas at dalhin ang mga gamit niya sa kwarto nito.

Paglabas niya ng cubicle ay nakita niya ang isang pamilyar na pigura sa kaniyang harap.

Si Mayor Aleesa Go.

Napadako ang tingin ng mayora sa kaniya at nagulat ito nang makita siya.

"Senator, good morning po." Magalang na bati ng mayora at ngumiti ito.

Nadala siya sa mga ngiti nito at bumati rin pabalik.

"Anong ginagawa mo po rito, Senator?" Magalang na tanong ni Aleesa sa kaniya.

"Ahm, may event lang na pupuntahan." Saad niya at nakangiti naman itong tumango.

Cute.

"Ganon po ba, senator. I'm happy na dumalaw kayo rito sa municipality namin. We are warmly welcoming you in our municipality, senator." Ngiting saad ng mayora at natawa pa siya na ikinataka ng mayora.

"Bakit po?" Inosenteng tanong nito.

"Wala lang, masyado ka kasing pormal. Just call me Ana but if you're not comfortable, just Ms. Ana." Saad niya at inilahad ang kamay sa mayora.

"Ah, sige po, Ms. Ana." Tila nahihiya pang saad ni Aleesa at kinuha ang kamay niya.

"Aleesa na lang din." Saad ni Aleesa at nakipagkamay sila sa isa't-isa.

Tila parang nagtagal ang hawak nila sa isa't-isa. Tunog na lamang ng telepono ng senadora ang nagpahiwalay sa kanila.

"Sige po, Ms. Ana. Mauna na po ako. Nice meeting you po." Nakangiting saad nito.

"Nice meeting you too." Sambit niya at pinanood ang mayora na lumabas ng comfort room.

Shit. Akala ko naman tatanungin niya ulit ako sa date.

Huh? Anong date? Delulu ka, Ana!

We Can't Be Friends (Edited)Where stories live. Discover now