06

1K 57 7
                                    

Aleesa was seating at her chair in her office, nasa harap niya ang mga tambak na papeles na kailangan niyang aralin at pirmahan.

Pagkatapos ng paunang batch ng papeles na inaaral niya ay may biglang nag-vibrate ang phone niya at isang text message ang lumabas sa notification niya.

+0946*******

Good morning, Aleesa. This is Senator Ana Romero.

I'm expressing ny gratitude towards you about last night for taking me to my room. Thank you, Mayor.

Shit totoo ba'to?

Inilapag niya ang phone niya na may ngiting halos mapilas na ang bibig niya, pinipigilan niyang mapatili o gumawa man ng anumang ingay dahil sa kilig na nadarama niya patungkol sa mensaheng galing sa senadora.

Ni-save niya ang numero ng senadora at nguguluhan pa siya kung ano ang ilalagay niya sa contact name nito.

My Ana😘

Hindi, masyadong common.

What about, Ana ko🎀💞

Naging jejemon naman.

Baby ko?

Ang OA mo self, wala pa ngang label, hindi pa nga kayo close.

Miss Ana👀

Set.

Pagkausap niya sa sarili niya at natatawa pa siya dahil sa dami ng naisip na pangalan. Ganito pala siya kapag may natitipuhan, first time lamang kasi itong nangyari sa kaniya.

Nagtipa siya ng reply para sa senadora at simpleng 'You're welcome' ang nireply niya sa senadora.

Inilagay niya ang telepono sa ibabaw ng kaniyang mesa at muling inalala ang nangyari nakaraang gabi.

Noong gabing yaon ay sinusubukan niyang mag-enjoy hangga't sa maari kaya nakipagdaldalan na lang siya sa mga kasama.

Nakailang baso na kaya siya.

Halos dalawang oras na niyang nakikitang umiinom ang senadora, kahit noong kumakain na ay bilang lang sa limang daliri ito sumubo ng pagkain.

Nang magpalaro muli ang host ay naglakas loob siyang puntahan ito sa table niya.

Bahala na, kung ano na lang madahilan. Ang mahalaga mapuntahan ko siya.

Halos magdiwang ang puso niya nang tumingin ito sa kaniya at tila inayos ang postura at malugod siyang binati.

"Mayor, have a seat.

Offer ni Ana na malugod niyang tinanggap.

"Thank you, senator."

"How can I help, Mayora?"

Tanong nito nang nakaupo sila pareho, humarap ang senadora kay Aleesa at naghintay ng sagot mula sa alkalde.

"Ah, wala po. Yung mga kasama ko po kasi nasa harap na, nakikipaglaro. Nagbabakasali lang ako na may makipagdaldalan sakin."

Pagdadahilan ni Aleesa at hindi na nakasagot ang senadora kaya nag-alala siya.

" Okay lang po kayo, senator? Naku, naparami na ata ang inom."

May halong pag-aalala na sambit ng mayora at natawa naman ang senadora.

Lasing na nga ata 'to.

"Bakit po? Okay lang po kayo?"

"Ah, hindi. May naalala lang."

We Can't Be Friends (Edited)Where stories live. Discover now