chapter 41

257 10 0
                                    

(Third Person's POV)

"Shawn?!" Gulat, at hindi makapaniwalang sigaw ni Crystal na parang nakakita ito ng multo.

Agad namang napabaling ang atensyon ng dalawang prinsipe sa kanilang kapatid at tsaka sabay na nag silapitan ang mga ito. Kagaya ni Crystal, ay bumakas din ang gulat at pag-aalala sa mga mukha nila.

"Humanap agad kayo ng mga halamang gamot na pwedeng igamot sa kinakapatid ko! Ngayon na!" Sa ginawang pag utos na iyon ng nakakatandang prinsipe, ay agad namang nag si alisan ang iba upang gawin ang inuutos nito.

Patakbo namang nilapitan ng tatlo ang nakahimlay na si Shawn, at tsaka maingat na inupo at sinandal ito sa malaking puno, tsaka kaagad na pinahiran ng prinsesa ang duguang mukha nito ng basa ngunit malinis na tuwalya.

"Help me here, please! Take immediate actions, and gamutin ninyo agad ang mga sugat at galos nya!" Mahinahong sigaw ng nakakatandang prinsipe sa kanyang mga kawal.

"No, ako na ang gagamot kay Shawn. I'm a doctor, remember?" Agad namang napakunot ang noo ng prinsipe sa naging sagot ng prinsesa.

"Are you sure, Crystal? Baka naman ma-"
"Don't worry, I know what to do. I'm a professional doctor, trust me."
"You're a doctor? Since when? Bakit ngayon ko pa lang ito nalaman?"
"Tsaka na ako mag papaliwanag, ang importante ay ang magamot ko na si-"

Bahagya namang natigil ang pag uusap ng mag kapatid ng biglang umungol ng malakas ang kawawang si Shawn, sabay dumaing sa sakit. Bumulwak ang napakaraming itim na dugo mula sa bibig nito, at sa hindi mawaring dahilan, ay bigla itong bumangon at nag sususuka sa gilid, ng ngayon ay medyo mapula na na dugo.

Agad namang nanlaki ang mata ng tatlong mag kakapatid sa kanilang nasaksihan, ngunit kahit na natataranta man, ay pilit naman na pinapakalma ng tatlo ang kanilang kalooban na hindi mawala sa sarili dahil sa napaka bango at mahalimuyak na amoy ng dugo ni Shawn.

"Lahat kayo, takpan muna ninyo ang inyong mga ilong at dumistansya muna ng kaunti!" Agarang utos ng prinsesa at binuhosan ng malamig na tubig ang pinag sukahan nito tsaka nya pinahiran ulit ng basang tuwalya ang bibig nito.

"T-the scent of h-her b-blood..." bahagyang napalunok at pinagpawisan naman ang ikatlong prinsipe habang nakatingin sa dugong dumadaloy sa bibig ni Shawn, sabay nanginginig na humakbang paatras.

"No, stop yourself, Archie. Hanggat maaari, lumayo ka na muna sa amin, dahil alam kong ikaw ang pinaka mahina sa ating tatlo, pag ganito kabango na dugo ang umaalingasaw sa paligid."

Tumango naman ito at mabilis na umalis sa pwesto nya. Nang makaalis na ito, ay napansin kaagad ng nakakatandang prinsipe ang unti-unting pag mulat ng mga ni Shawn.

"She's awake." Tipid, ngunit may bahid ng pag-aalala sa boses nito.

"Nasaan na ang mga inutusan ng kamahalan?! Ano ba kayo?! Mga pagong?! Kanina pa kami nag hihintay dito, kulang na lang maubusan na ng dugo si Shawn sa sobrang tagal nyo kumilos!" Inis na sigaw naman ng isa sa mga heneral ng prinsipe.

Agad naman na may lumapit na tatlong lalaki at inabot kay Crystal ang mga halamang gamot at isang maliit na planggana na may malinis na tubig at panyo.

"Pakuluan nyo kaagad ang mga dahong ito, at isalin ito sa isang baso. Pagkatapos ay ibigay nyo sa akin ang mga dahon, gagamitin ko ito bilang panakip sa sugat nya."

Ginawa ng mga taga-sunod nya ang ano mang inutos nya sa mga ito. At wala pang isang minuto ay tapos na nila itong pakuluan. Kaya inabot na nila ang isang baso at ang mga dahon sa kanilang prinsesa.

"Pwede na kayong dumistansya. Kami na muna ang bahala dito." Pagkatapos ay maingat na pinahiran ni Crystal ang mga galos ni Shawn gamit ang basang panyo at tsaka nya ito pinainom ng pinakuluang halamang gamot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Be My Queen Where stories live. Discover now