Chapter. 20

46 2 0
                                    

Chapter. 20

Maaga akong naka uwi sa bahay ngayon mga nasa 5:00 kase kadalasan 6:30 ang uwi namin, at pag pasok ko sa may bahay ay dumiretso akong kwarto para magbihis at matapos kong magbihis ay naglinis ako nang kaunti ng bahay at nagpahinga at pagka tingin ko sa may phone ko ay 7:00pm na ng gabi pero wala pa si Zyren.

Baka nag over time s'ya? Kaya nanood muna ako ng TV habang kumakain ng hapunan dahil bawal ako magpalipas ng gutom,at sa mahigit na ilang oras kong panonood habang kumakain ay  napa tingin ako sa phone ko para tignan 'yung oras at nasa 11:00pm na nang hating gabi pero wala parin si Zyren.

Nasaan na s'ya? Ang alam ko naman 8:30pm lang s'ya pinapa OT ni Daddy? Hindi ko maiwasang mag-alala dahil ngayon lang nangyari ito, at sa paghihintay ko sa kanya ay pumunta na ako nang kwarto dahil naka ramdam na ako ng antok dahil sa tagal ng paghihintay ko kay Zyren. Bigla kong na alala yung bilin sa'kin ni Doc na wag daw ako magpupuyat dahil makakasama sa amin ni baby.

*Ding-dong! Ding-dong! Ding-dong!*

Nagising nalang ako sa sunod-sunod na doorbell mula sa labas kaya napa bangon ako at bumaba ng kwarto para pagbuksan 'yung nasa labas at pagka labas ko ng gate ay nagulat ako nang makita si Zyren na lasing na kasing habang inaalalayan ng lalaki.

"Teka. Sino ka?" takang tanong ko sa babaeng naka alalay kay Zyren.

"Ahh. Office mate n'ya ako, may na ganap kaseng party kanina sa may office kaya siya na late." paliwanag nito.

"Ganun ba?" sambit ko.

Kaya agad ko pinapasok 'yung lalaki para alalayan si Zyren na ipasok sa loob dahil hindi ko ito kayang buhatin.

Naki usap ako sa lalaki na dalhin na siya sa kwarto namin at nang maibigay niya na si Zyren sa kama ay agad ko na siya sinamahan palabas at nag paalam na ito, agad ko naman ini-lock 'yung gate at pintuan.

Agad akong napa buntong hininga nang maka pasok ulit sa kwarto. Agad akong tumingin sa alarm clock na naka patong sa table malapit sa kama namin  dalawa at nakita kong na sa 2:00am na ng madaling araw.

Grabe hindi lang man s'ya nagtext or nagcall sa'kin na madaling araw pala s'ya uuwi. Pinag-alala n'ya pa ako nang sobra.

Dahil sa inis nararamdaman ko ay pumwesto na ako sa kaliwang side ng kama kung saan 'yung pwesto ko kanina dahil inihiga siya ng lalaki kanina sa kanang side ng kama.

Maya-maya ay nagulat nalang ako nang bigla akong yakapin ni Zyren habang naka talikod ako. Piling ko mahihilo at masusuka ako sa amoy n'ya dahil sa lakas ng amoy ng alak.

"Yu-ri. Are you mad?" laseng na tanong nito sa'kin habang naka yakap sa bewang ko.

"Matulog kana." cold kung sambit sa kanya.

Nagulat nalang ako nang mas hinigpitan niya 'yung yakap niya sa'kin at hinaplos 'yung t'yan ko.

"I'm so sorry Yuri kung hindi ako naka pagpaalam sayo na magpaparty kame sa may office... Please wag kana magalit!?" panghihingi ng tawad nito.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong halikan sa may leeg dahilan para makuryente ang buong katawan ko at makiliti ako, at laking gulat ko nang bigla ko itong marinig na umiiyak habang naka yakap sa likuran ko.

"Please! Wag ka-na ma-galit sa'kin. Ayo-kong nag-aaway tayo!" lumuluhang pagmamakaawa nito sa'kin.

Hindi ko alam kung bakit s'ya nagkaka ganyan pero hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng awa at pag-aalala dahil sa ikinikilos niya ngayon. Dahil ba laseng lang s'ya kaya siya nagkaka ganyan?

"Ano ba 'yang sinasabi mo, ha?" takang tanong ko rito.

Siguro dahil lang talaga ito sa sobrang kalasingan niya kaya siya nakaka pagsalita ng ganyan.

"Please! Don't leave me! Wag mo akong iwan tulad ng ginawa sa'kin ni Ariana. Please wag n'yo akong iwan ni baby dahil mahal na mahal ko kayong dalawa!" lumuluhang sambit nito sa'kin.

Hindi ko alam ang iisipin ko sa mga lumabas sa bibig niya at 'yung pagluha niya, at bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko na hindi ko mapaliwanag kung bakit.

Agad naman itong napa hinga sa may unan dahil sa sobrang kalasingan at nakatulog na, at agad na rin akong humiga sa tabi n'ya dahil naka ramdam na rin ako ng antok. Habang natutulog si Zyren ay pinagmamasdan ko ang maamo nitong mukha.

"Y-Yuri... M-Mahal k-kita."rinig kong sambit nito habang natutulog.

Nagulat nalang ako nang lumabas 'yun sa bibig niya na nagpa init sa pisnge ko, at habang pinagmamasdan ko si Zyren ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

*
*
*
*

Nang mangyari yung gabing 'yun ay hindi ko na s'ya pinapansin para naman magtanda s'ya sa ginawa niya dahil pinag-aalala n'ya ako.

Pansin ko na lagi na s'yang nagigising ng umaga ay pinaghahanda n'ya ako nang breakfast bago pumasok. Ang sweet n'ya pero galit parin ako.

Pagka baba ko sa may kwarto ay dumiretso ako ng kitchen at bumungad sa akin 'yung masarap na pagkain na naka hain sa may table. Teka andami naman nito, parang may bisitang darating ha!

"Buti naman gising kana. Kumain kana ng breakfast mo, diba ang sabi mo maaga pasok n'yo ngayon!" naka ngiting bungad nito habang hinahanda niya 'yung babaunin ko sa school.

Agad na akong umupo para kumain at hahainan ko na sana 'yung sarile ko nang bigla akong pigilan ni Zyren at siya na ang maghain para sa'kin, agad na akong nag umpisa na kumain matapos niya ako hainan at habang kumakain ako ay bigla nalang akong tignan ni Zyren habang kumakain.

Grabe hindi ako maka-kain ng maayos dahil sa nakaka ilang n'yang titig.

"Teka. Gusto mo ba magpa hatid sa'kin sa school mo?" biglang tanong nito sa'kin habang kumakain ako.

"Wag na! Baka malate kapa sa trabaho mo magpapahatid nalang ako kay Sharlyn." sagot ko rito habang hindi naka tingin sa kanya.

"Okay lang naman sa'kin na ihatid ka sa school ehh!" naka ngiting sambit nito sa'kin.

Agad akong napa hinto sa pagkain at napa tayo at tinaasan ito ng kilay.

"Ang kulit mo sinabing ayoko nga!" inis kong sambit dito.

Agad akong umalis dahil sa inis at umakyat sa kwarto at naligo na doon, at habang naliligo ako ay hinahaplos ko 'yung t'yan ko kase biglang sumipa si baby.

"Baby! I'm so sorry kung kailangan mo pang madamay dito sa inis ko sa Daddy mo." sabi ko habang hinahaplos 'yung t'yan ko.

My Child's Father Is A Rich Man (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon