Chapter 3

361 14 0
                                    

Aya's POV



Agad naman akong pinapasok sa loob nila Mr. Sandford at doon na niya ako binati.


"Good Afternoon, Ms. Rodriguez. Sigurado ka bang magsisimula ka na ngayon sa trabaho mo? Binalaan na kita sa anak ko ah?" tanong naman sa 'kin ni Mr. Sandford na para bang nag-aalala sa magiging kalagayan ko. 


"Opo, ready na po ako. Pero asan po ba yung anak niyo?" tinanong ko sabay inilibot ang mata sa buong mansion nila dahil maliban sa mga katulong na nagtatrabaho rin dito ay wala na 'kong ibang nakikita na maaaring anak niya.


"Hindi ko rin alam kung saan nagpunta yung batang 'yon kasi hindi naman nagpaalam, pero baka mamaya ay uuwi na rin 'yon. 'Di bale, magpahinga ka muna sa kwarto mo habang wala pa siya dahil pinaayos ko na rin kela Manang kanina ang magiging kwarto mo." saad nito at agad naman akong nagpasalamat. 


Pagpasok sa loob ay nilibot ko muna ang paningin ko sa bawat sulok ng kwarto. Ang laki nito para sa isang katulong pero ako lang ang matutulog at mananatili rito at wala akong ibang kasama. Ang yaman talaga ng pamilya ni Mr. Sandford. Kitang-kita rin naman na kahit mayaman si Mr. Sandford ay napaka-bait niyang makisama kahit sa mga kasambahay, ewan ko na lang talaga sa anak niyang kalahating tao at kalahating halimaw.


Nang matapos ako sa paglilibot ng paningin ay agad naman akong humiga saglit at habang nagpapahinga ako sa loob ng kwarto ay napansin ko namang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha. May nag text sa 'kin at tila ba nilait-lait ako bigla. Sabihan ba naman akong "Hey! Polka-dot!" kaya agad ko itong sinagot na ang kapal naman ng apogs niya para laitin ako ngunit nagulat ako sa sunod niyang sinabi sa 'kin. Tinawag niya 'kong panget na, lampa pa, at pinapalayas niya 'ko sa bahay nila. TEKA?! SIYA YUNG HALIMAW SA CAMPUS?!



Miles' POV



When we're on Xylo, Jade calls me to sit beside her, and she tells me that the ugly, clumsy girl is in our house right now. I don't know why she went there, but Jade gave me her number. That's why I immediately texted that polka girl.


I told her that she needs to leave our house right away, and I don't want to see her once I get home. After texting her, I was already in a bad mood. That's why I told my friends that I needed to go home since I wanted to make sure that polka-dot had already left our house. 


I drive my car as fast as I can, although I was really drunk. It was almost 30 minutes before I got home, and after parking my car in our garage, I got out quickly and ran towards the inside of our mansion. There, I saw polka-dot helping our maids to clean, so I tried going near her, and I grabbed her arm.



Aya's POV



Habang naglilinis ako ay may narinig akong nag-pa-park ng kotse sa labas ng bahay nila kaya naisip ko na baka ayun na yung halimaw na anak ni Mr. Sandford na kaklase ko rin sa campus.


Pagpasok naman niya ng bahay ay nagmamadali niya 'kong hinanap at nung nakita na niya ako ay agad itong lumapit sa 'kin at hinablot ang braso ko. Ang sakit ah.


"I TOLD YOU THAT I DON'T WANT TO SEE YOU WHEN I GET HOME, RIGHT?!" pasigaw na bungad naman nito sa 'kin at hindi naman agad ako nakapagsalita dahil sa sakit ng pagkakahawak niya sa 'kin kaya agad siyang hinarang ni Mr. Sandford.


Sinigawan niya pabalik ang kaniyang anak dahil sinigawan ako nito. "MILES! I DON'T LIKE YOUR TONE AND WORDS TOWARDS MS. RODRIGUEZ. SHE WILL BE YOUR PERSONAL MAID, MILES! AT BAKIT AMOY ALAK KA NA NAMANG BATA KA?!" agad naman siyang sinamaan ng tingin ng kaniyang anak, ang bastos sa magulang ah. 


Padabog na umakyat sa taas ang anak na halimaw ni Mr. Sandford. 


"I'm sorry about that, Ms. Rodriguez. Now tell me, are you still willing to work for us?" nahihiya at seryosong tanong naman niya sa 'kin. Agad naman akong ngumiti at tumango sa kaniya. "Yes po. Wala pong makakapigil sa 'kin sa pagtatrabaho para sa inyo kahit na maging hadlang pa yung halimaw niyong anak. Hehe, joke lang po." sabay peace sign. Agad naman akong tumulong ulit sa paglilinis pagkatapos kong sagutin si Mr. Sandford sa tanong niya.


Maya-maya lang nang matapos akong tumulong ay nakatanggap na naman ako ng text galing sa halimaw na 'yon. "I will do everything to make you leave." naka-saad sa text na pinadala niya sa 'kin. Naisipan ko namang asarin siya lalo. "Hindi ikaw ang nagpapasweldo sa 'kin kung hindi ang tatay mo, kaya wala kang magagawa." pang-aasar ko rito. HAHAHAHA! Bahala ka riyan. 


Umakyat naman ako sa kwarto ng halimaw para bigyan siya ng tubig lalo na't nakainom daw ito. Oh, teka. Hindi ako concern doon ah? Utos lang talaga sa 'kin. Masunurin ako eh. 


Pag-akyat ko ay kinatok ko na agd siya at naghintay pa 'ko ng ilang minuto hanggang sa mapansin kong nakabukas naman pala ang pintuan niya kaya pumasok na lang ako agad sa loob.


Nang makita ko siyang tulog na sa sahig at nakalumpasay doon ay pinilit ko siyang gisingin para itayo siya at dalhin sa kama niya. Ang hirap niyang alalayan lalo na't parang nagpapabigat pa 'to pero nadala ko na rin naman siya sa kama matapos ang ilang minutong paghihirap sa pagbitbit sa kaniya. Nang akma kong aayusin ang pwesto ng pagkakahiga niya sa kama ay bigla naman itong napabangon sabay nasuka sa damit ko.


Natulala ako ng ilang segundo dahil hindi pa nagpoproseso sa utak ko kung ano yung nangyari pero nung na-realize kong amoy suka na 'ko dahil sa halimaw na 'to ay agad akong sumigaw "I HATE YOU!!!" 


Narinig ng iba pang mga katulong ang pagsigaw ko kaya agad silang nagmadali para umakyat dahil akala nila ay ano na ang nangyari rito sa itaas pero nung nakita nila ang kalagayan ko ay pinigilan nilang matawa at agad akong pinabalik na sa kwarto ko para makapagpalit agad ako ng damit at sila na raw ang bahala doon sa halimaw na 'yon. Bwiset siya! Iinom-inom tapos isusuka lang din pala!


--------------------------------------------------------------------------------

DISCLAIMER:


- expect for grammatical & typographical errors

- separate story from reality

- feel free to give feedback

- the author is not a professional writer so don't expect too much






Diary ng Panget | Mikhaiah (ONGOING)Where stories live. Discover now