Chapter 8

339 13 0
                                    

Aya's POV



Kinabukasan paggising ko ay nakatanggap naman ako ng text message galing kay Jade. Ang aga naman nitong gumising at mag-message sa 'kin jusko. 


Agad ko rin namang tinignan kung ano ba ang sinabi niya ng ganito kaaga. "Hi, Aya!! Free ka ba ngayon?" pagkabasa ko nito ay bigla namang tumawag. Sakto ah. Buti naman at ngayon siya tumawag at hindi kanina nung natutulog pa ako. 


Sinagot ko rin naman agad sa pangalawang ring ang tawag niya. "Oh, Jade. Bakit? Pero yung tanong mo nga pala sa text mo, oo free naman ako ngayon." saad ko rito. Narinig ko namang nag-yehey siya bigla. Cute, parang bata eh.


"Nice! Bibili na kasi ako, yung para kay Sophie. Ano, masasamahan mo ba ako?" tanong naman nito sa 'kin. Na-realize kong tutulungan ko nga pala siya sa ibibigay niya para kay Sophie. Nilamon na naman tuloy ako ng inggit. 


"Oo naman. Pero Jade, magpapaalam muna ako sa halimaw kong amo ah. Pero tuloy pa rin naman tayo ngayon." bigla naman siyang sumang-ayon sa sinabi ko at halatang excited na ito. Sana all na lang kasi talaga eh 'no?


"Sige, sa mall na lang tayo magkita ah? Iintayin kita doon, okay? Ingat ka, Aya!!" matapos niya itong sabihin ay agad na rin naman niyang ibinaba ang tawag. 


Naligo muna ako at nag-ayos bago ako umakyat at magpaalam sa isa. Syempre, para hindi na siya tumanggi pag nakita niyang nakaayos na ako. Ayos 'no? 


Pagkatapos ko sa lahat ng gawain ko ay umakyat na ako sa kwarto ng halimaw at kumatok muna ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto at pumasok. Nakita ko namang nanonood ito ng TV. Ah, ang galing. Gising naman pala pero hindi ako pinagbuksan ng pinto. Ano pa bang aasahan ko rito. 


"Hoy monster na assumero, gusto ko lang ipaalam na aalis ako ngayon." saad ko rito at hindi naman niya ako pinansin na para bang wala siyang naririnig na nagsasalita sa paligid niya kung hindi ang TV lang. 


"Kasama ko si Jade. Nagpapasama kasi siya sa 'kin. Babalik din naman ako dito ng maaga." dugtong ko pa sa sinabi ko. Pagkabanggit ko ng pangalan ni Jade ay bigla naman siyang napatingin sa 'kin sabay taas ng isang kilay niya. Taray mo, girl.


"Excuse me? And why are you going out with Jade? Do you like her? Are you both going out on a date?" sunod-sunod naman na tanong nito sa 'kin. Talaga nga naman oh. 


"Assumero ka talaga 'no? Nagpapatulong kasi siya sa 'kin para sa taong gusto niya which is kaibigan ko at si Sophie 'yon. Magkaibigan lang kami ni Jade, okay? Ma-issue ka masyado eh." may halong pananaray kong saad dito. Sinusubok kasi talaga pasensya ko, nakakainis. 


Inirapan na lang niya ako sa mga sinabi ko at wala na siyang sinabi kaya inasahan kong payag na siya sa pagpapaalam ko. Duh, babalik naman kasi ako. Okay sana kung hindi na eh, eme.


Pagkalabas ko ay sumakay na agad ako ng taxi papuntang mall. Tinawagan ko naman agad si Jade. Ilang segundo lang ay sinagot na rin niya ito. 


"Jade! On the way na 'ko ah? Nasa taxi na 'ko ngayon kakasakay ko lang." narinig ko naman na maingay sa paligid niya kaya inasahan kong nasa mall na siya. "Ingat, Aya! Ay oo nga pala, hindi mo naman siguro sinabi kay Miles na para kay Sophie yung dahilan kaya sasamahan mo 'ko ngayon 'no?" bigla namang tanong nito sa 'kin. Nako, lagot na nga. 


"Ha? Ah, eh... Hindi ah. Sinabi ko lang na magpapatulong ka sa 'kin pero hindi ko sinabi kung saan, hehe." pagsisinungaling ko rito. Agad naman itong naniwala. Huhu, sorry talaga, Jade. Malay ko bang bawal sabihin sa halimaw na 'yon. 


Binaba naman na niya ang tawag matapos kong sabihin 'yon sa kaniya. 


Pagdating ko sa mall ay agad kong nakita si Jade dahil nag-aantay lang siya sa may entrance kaya madali agad siyang makikita. Nilapitan ko naman siya bago niya pa ako mapansin.


"Uy, Jade! Kanina ka pa ba andito? Sorry ah, pinag-intay tuloy kita. Medyo traffic kasi eh." nakokonsensya kong sabi sa kaniya. "Hey, Aya. It's fine. You don't have to apologize for it. Besides, ako naman yung nanghingi ng favor sa 'yo, kaya it's fine kung ako yung mag-intay. Kesa naman ikaw, diba?" seryoso nitong sabi sa 'kin. Jusko po, ang green flag. Bakit kaya hindi ganito yung isa nitong kaibigan?


Pagkatapos niyang magpaliwanag ay hindi na ako naka-imik pa kaya pumasok na kami sa loob ng mall. "Ano ba yung balak mo ibigay sa kaniya?" tanong ko rito. Nakita ko naman na ngumiti siya na para bang biglang kinilig. "Singsing." sagot naman nito. Omg? Sophie pinagpalang luobs. Naiinggit ako, gusto kong ma-bitter sa mga oras na 'to. 


Nang makarating na kami sa bilihan ng singsing ay agad akong pinapili ni Jade kung ano ang magandang design para kay Sophie. Pinili ko naman yung simple lang pero sobrang ganda naman, compare mo sa sobrang daming design. Nagpatulong na rin siya sa 'kin kung anong size ng daliri ni Sophie at buti na lang din na halos magkapareho lang kami ng size kaya madali kaming nakahanap. 


Ang swerte talaga ni Sophie kay Jade, sa totoo lang. Kaso wala eh, si Miles yung gusto ni Sophie, yung dakilang red flag pa na halimaw. Hays, pero malay natin magkaroon ng Sophie and Jade end game diba? 


Pagkatapos naming mamili ay dumaan muna kami sa bilihan ng takoyaki dahil nagugutom na rin ako. Lunch dapat ang bibilhin ni Jade kaso sabi ko ay ayokong kumain ng kanin at nag-ce-crave rin ako sa takoyaki. First time niyang na-try 'yon at buti na lang din ay nagustuhan niya. 


Habang naglalakad kami ay nakaramdam naman ako ng vibrate sa phone ko at pagtingin ko ay si halimaw ito at tumatawag sa 'kin. Sinagot ko naman ito. 


"Hey, panget! Too busy with Jade? Where are you? Why are you not responding? Go home, NOW! Remember, you are my maid." sunod-sunod naman nitong bungad sa 'kin. Wala manlang bang hi? Galit na galit eh. 


"OA mo 'no? Paano kaya ako sasagot eh sunod-sunod 'yang bungad mo. Pauwi na rin ako. Sinabing sinamahan ko lang naman si Jade, issue mo na naman." sagot ko naman dito at pagkatapos kong magsalita ay agad naman nitong binaba ang tawag. Ang bastos talaga kahit kailan eh. 


--------------------------------------------------------------------------------

DISCLAIMER:


- expect for grammatical & typographical errors

- separate story from reality

- feel free to give feedback

- the author is not a professional writer so don't expect too much

Diary ng Panget | Mikhaiah (ONGOING)Where stories live. Discover now