Chapter 4

400 11 0
                                    

Aya's POV



Kinabukasan ay pumasok na ako nang maaga sa campus at hindi ko na rin ginising yung halimaw dahil sila Manang na raw ang bahalang gumising doon at mauna na raw akong mag-asikaso dahil may pasok din ako. Sakto namang pagdating ko sa campus ay andoon na rin si Sophie.


"Sophie! Ang aga mo rin ngayon pumasok ah?" masaya kong bati at bungad sa kaniya.


Agad naman niya akong nilingon sabay ngiti sa 'kin. "Hi, Aya! Actually, gusto kasi kitang kausapin kaya maaga rin akong pumasok." seryoso naman nitong saad sa 'kin. Nakaramdam naman ako ng pagtataka at kaba. 


"Is there a possibility ba na magustuhan mo si Miles, Aya?" dugtong na tanong naman nito. Bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko at pinipigilang matawa sa tanong. Bakit naman nabanggit yung pangalan ng halimaw na 'yon? Teka nga, alam niya siguro na siya yung anak ni Mr. Sandford 'no?


Dumating na ang iba pa naming kaklase kaya mas lumapit ako sa kaniya para hindi marinig ng iba ang mga pinag-uusapan namin ni Sophie. "NO!" pabulong kong sigaw na sagot sa tinanong niya sa 'kin.


"Yung halimaw na 'yon? Magugustuhan ko? Jusko, Sophie. Baka kahit kami na lang siguro yung matirang tao na buhay dito sa mundo ay hindi ko pa rin papatulan 'yon! Big YUCK!!!" dugtong ko pa sa sinabi ko kanina. Napansin ko naman na nagpipigil tumawa si Sophie at para bang nakahinga ito ng maluwag nang marinig ang sinagot ko.


"That's a relief. Actually, Aya... I like Miles. Simula kasi kinder, we're already classmates. Kaya ayun, simula noon may gusto na 'ko sa kaniya. I just wanted to let you know that." seryosong saad nito sabay ngiti sa 'kin ng matipid. Nginitian ko rin naman siya na para bang namamangha. 


"Wow! Long lasting love ah? Buti naman nakagay mong magustuhan yung halimaw na 'yon?" natawa na lang siya sa sinabi ko at pagkatingin naman namin sa pintuan ay agad na ring dumating ang pinag-uusapan namin. "Speaking of the devil talaga eh." pabulong na sabi ko pagkakita ko sa kaniya sabay nailing na lang.  


Nakita naman ako nito pagkaupo niya sa pwesto niya sabay nginisian ako. Inirapan ko na lang siya sabay tingin na sa mga kaibigan ko dahil andito na rin sila Maeve at Shaina. 


"Kamusta kahapon nung nakita mo yung anak ni Mr. Sandford? HAHAHAHAHA!" tinignan ko naman si Maeve nung nagtanong siya at pinakita na para bang bigla akong na-bad mood sa tinanong niya.


"Ayun, literal na halimaw naman pala talaga yung anak niya. Si Miles ba naman amp. Teka nga, alam niyo rin ba na siya yung tinutukoy ko kahapon na anak ni Mr. Sandford?" agad naman silang tumangong tatlo. So kaya rin pala talaga nagtanong si Sophie kanina tungkol sa halimaw na 'yon. 


"Huy, maka-halimaw naman 'to. So ano ngang nangyari nung nagkita kayo doon? Kwento dali!!" pagmamadali naman ni Shaina. Ang tsismosa naman talaga nito kahit kailan. Naisipan ko tuloy ikwento sa kanila yung nangyaring pagsuka non sa 'kin.


"Ayun, galit na galit pag-uwi niya. Eh galing atang inuman kasi lasing siya kagabi. Tapos nung inutusan akong mag-akyat ng tubig para sa kaniya, naabutan kong nakalumpasay sa sahig, natutulog. Edi syempre ginising ko tapos inalalayan ko siyang tumayo papunta sa kama. Nung nakahiga na siya, inayos ko yung pwesto ng pagkakahiga niya kaso bigla ba namang bumangon. Tapos guess what? SINUKAHAN AKO! Nakakapikon amp." medyo may kalakasan ang boses ko sa pagkekwento para naman medyo marinig nung isang halimaw ang problema ko sa kaniya kagabi.


Pagtingin ko naman sa kaniya ay nakakunot noo siya na nakatitig na para bang nagtataka sa mga narinig niya. Inirapan ko lang naman ulit siya at nakita kong tumatawa na yung tatlo kong kaibigan. "Medyo deserve naman." banat pa sa 'kin ni Shaina. Inirapan ko lang din siya at sakto namang pumasok ang professor namin. Tumahimik na ang lahat at nagsimula nang makinig sa discussion.


Sa kalagitnaan ng discussion ay naramdaman ko naman na tila ba may nag-text sa 'kin. Pagtingin ko sa phone ko ay nakita kong ang halimaw kong amo pala 'yon. Tinignan ko muna at nakita ko namang nakatingin din siya sa 'kin at bigla siyang sumenyas na tignan ko raw ang tinext niya kaya binaling ko na ang tingin ko sa phone ko. "Go to the national bookstore later, buy some materials that I need." saad nito. Tinignan ko ulit siya nang nakataas ang kilay at nakita ko namang nag-text ulit siya. "You're my maid, so it's your responsibility to follow whatever I'll ask you to do." dugtong nito sa text niya kanina kaya pagtingin ko sa kaniya ay tumango na lang ako at nakinig na ulit sa klase. 


Ang dami pa niyang sinasabi kagabi na para bang galit na galit na magtatrabaho ako sa kanila at magiging yaya niya tapos uutusan din naman pala ako. Ang arte pa eh. Nakasimangot lang akong nakikinig at bigla naman akong kinalabit ni Maeve sabay bulong sa 'kin. "Kanina pa nakakunot 'yang kilay mo ah, ano na naman bang problema mo ha, Aya?" tanong nito sa 'kin. 


"Eh paano ba naman kasi? Matapos akong sukahan kagabi nung isa at kung magalit ay wagas, tapos ngayon uutusan niya ako? Lala niya ah." pabulong kong kwento rito para hindi kami mapagalitan ni Sir pag nahuling nag-uusap.


"Ayan, pinasok mo 'yan eh. Kayanin mo talaga, goodluck malala sis. Pero maiba tayo, hindi mo ba crush si Miles? Kasi you know, campus crush at sikat 'yan eh. Tapos tatawagin mo lang na halimaw?" pagtatanong naman ni Maeve sa 'kin na kung makangiti pa eh parang nang-aasar din. 


Muntik na akong sumigaw sa pagkataranta sa pagsagot sa tanong niya. "Ano ba, Maeve! Kadiri naman oh!" umakto pa 'ko na parang diring-diri sa tinanong niya. "And besides, si Sophie may gusto sa kaniya. Kakaamin lang sa 'kin ni Sophie 'no." dagdag ko pa rito. 


Tumango-tango naman siya kaya naisipan kong siya naman ang asarin ko. "Teka nga, crush mo siguro siya 'no?" nagmamadali naman siyang umiling sa tinanong ko sabay ngiti. "Yung kaibigan niya yung crush ko, si Camryn. Hehehe!" tila ba kinikilig nitong paliwanag sa 'kin sabay sulyap sa pwesto nila Camryn. 


Inirapan ko na lang ulit siya sabay pailing-iling na tumingin na ulit sa harapan para makinig. Target ba nila yung circle ng halimaw na 'yon at doon sila nagkakagusto? Amp.


--------------------------------------------------------------------------------

DISCLAIMER:


- expect for grammatical & typographical errors

- separate story from reality

- feel free to give feedback

- the author is not a professional writer so don't expect too much

Diary ng Panget | Mikhaiah (ONGOING)Where stories live. Discover now