Chapter 7

268 10 0
                                    

Aya's POV


Pagkatapos ng pag-uusap namin ay tinext naman ako nung halimaw. "Polka-dot, bring some foods at my room." utos naman nito sa 'kin. Sinagot ko naman agad siya. "Kapal ng apogs utusan ah." pagtataray ko rito at nakalimutan kong personal maid nga pala ako nito. Sumagot naman agad siya "Excuse me?" patay talaga. Kaya kumuha na ako ng makakain niya at umakyat na ako bigla. 


"Ito na po ang iyong mga pagkain. Ano pa ho ba ang iuutos niyo sa akin, kamahalan?" magalang na may pagka-sarcastic kong tanong dito.


"Kamahalan? Pfft, polka-dot. You love me, don't you?" nakangisi naman na tanong nito sa 'kin. Na-gets ko naman ang sinabi nito at mali ang pagkakaintindi niya sa mga binanggit ko kaya bumulong ako bigla. "Ang engot naman nito kausap." at sabay walk-out. 


Pagkarating ko ulit sa ibaba ay tumulong na ako kela Manang sa paglilinis at nagluto ng makakain para sa hapunan. 



Miles' POV



I immediately called my friends when polka-dot left my room. Aha! I knew it. I need to tell my friends about this one.


After two rings, my friends had already answered the call. Their faces looked shocked after I called them. 


"Himala, tumawag ka. Palaging ikaw yung huling sumasali sa call kapag may tumatawag sa isa sa amin ah, o kaya hindi ka sumasali." Gaia said, then she smirked.


"Oo nga ssob, anong meron? Bakit bigla ka atang napatawag?" Camryn added. I asked Jade if she was going to ask me the same thing, but she remained silent, as if she were waiting for me to tell her the purpose of the call.


"Guys, that ugly, clumsy girl loves me! I knew it, oh my gosh." I said while smirking. But they seemed clueless about what I'd said. 


"Weh? Paano mo nasabi?" Jade finally asked.


I fixed my posture while sitting, then I began to tell the whole story.


"So here's the story. I'll just summarize it. Earlier, Polka-dot was here in my room because I asked her to bring some food. Then, when she had already given it to me, she asked me, but she also called me using some endearment. Here's what she said." I said, and they were just listening.


"Ano pa ho ba ang iuutos niyo sa akin, kamahalan?" I added. I also imitated the tone and facial expression of panget. When I looked at my friends, they all laughed at the same time.


I looked at them with confusion on my face. "What's funny?" I asked.


"Minsan kinakahiya ka na namin eh. Joke lang." Gaia said it while still laughing.


I remained silent, wondering what I had said wrong. I just told them that my personal ugly maid is perhaps in love with me.


"Miles, mag tagalog ka rin kasi minsan ah? Ang ibig kasing sabihin ni Aya sa sinabi niya ay kung may iba ka raw pa bang iuutos sa kaniya? Yung kamahalan kasi na word is parang your majesty or your highness. Hindi ibig sabihin non eh mahal ka na niya. Engot ka rin eh." Camryn said as if she was scolding me and teaching me some tagalog words. 


Well, okay. My bad, hahaha! 



Aya's POV



Pagkatapos tumulong sa paglilinis at pagluluto para sa hapunan ay umakyat na ako para tawagin ang amo kong naging assumero sa sinabi ko. Pagkaakyat ko ay may narinig akong pag-uusap sa kwarto niya kaya hindi muna ako kumatok at mas pinili ko munang makinig sa pinag-uusapan nila. Hindi naman ako chismosa pero parang ganun na nga. Kasalanan niya, naka-speaker makipag-usap eh. 


"Miles, mag tagalog ka rin kasi minsan ah? Ang ibig kasing sabihin ni Aya sa sinabi niya ay kung may iba ka raw pa bang iuutos sa kaniya? Yung kamahalan kasi na word is parang your majesty or your highness. Hindi ibig sabihin non eh mahal ka na niya. Engot ka rin eh." rinig ko na sinabi nung nasa kabilang linya. Base sa boses nito ay sigurado akong si Camryn ito, ang crush ng kaibigan kong si Maeve. Napaka-harot talaga eh.


Muntik na akong matawa nang malakas sa narinig ko dahil medyo nabara ang halimaw kong amo doon sa sinabi ni Camryn. Ayan, napaka-assuming naman kasi talaga. Palibhasa hindi marunong umintindi ng tagalog eh. 


Agad ko namang kinatok ang pintuan. "Hindi na ako papasok, gusto ko lang sabihin na handa na ang hapunan at kakarating lang din ng daddy mo kaya sabay na kayong kumain sa baba." pag-aya ko rito. Wala naman akong narinig na sagot galing sa kaniya kaya bumaba na lang din ako. 


Pupunta na sana ulit ako sa kwarto ko dahil mamaya pa naman kami makakakain pagkatapos ng mga amo namin pero nagulat ako nang tawagin ako ni Mr. Sandford. "Aya?" agad naman akong lumingon sa kaniya.


"Bakit po?" tanong ko rito. Nakita ko na rin na pababa na ng hagdan ang halimaw.


"Come, join us for dinner." agad naman akong nagulat sa sinabi ni Mr. Sandford. Napatingin na rin ako sa halimaw na kakababa lang ng hagdanan at kitang-kita rin sa mukha nito ang pagkagulat sa biglaang pag-aya sa 'kin ng tatay niya. Nalipat din naman agad sa 'kin ang tingin nito at nakakunot na ang kanyang noo. Alam kong ayaw nito na makisama ako sa kanila sa hapunan kaso hindi ko rin alam kung paano tatanggihan ang alok ni Mr. Sandford.


"I'm not hung-" akma namang si halimaw na ang tatanggi sa pagkain at aakyat na sana kaso pinutol ko agad ang sasabihin niya.


"Ah, busog pa po kasi ako. Baka sumabay na lang po ako mamaya kela Manang kapag nagutom na po ako. Pero salamat po sa pag-alok niyo." saad ko rito sabay ngiti at bago bumalik sa kwarto ko ay tinignan ko naman yung halimaw na nasa hagdanan at nakatingin din ito sa akin na tila ba hindi inaasahan na tatanggihan ko ang pag-alok ng tatay niya. Duh, mabait ako eh. Ayokong ako yung maging rason para hindi sila magsabay ng tatay niya sa hapunan. 


--------------------------------------------------------------------------------

DISCLAIMER:


- expect for grammatical & typographical errors

- separate story from reality

- feel free to give feedback

- the author is not a professional writer so don't expect too much

Diary ng Panget | Mikhaiah (ONGOING)Where stories live. Discover now