Chapter 1 - doberman

739 13 0
                                    

GEMMA

Hindi mapigilang magpasalamat kay sir lucas dahil binigyan niya kami ng tag i-isang libo bilang pasasalamat daw niya iyon dahil sa pagpapakain namin sakaniya.

Shimpre ito ako agad na nagpasalamat sakaniya dahil sayang naman diba kong tatanggihan pa.

"Ano kaba gemma nakakahiya kay sir." Napalingon ako kay ate pamela. Anong nakakahiya don? Dapat nga siya yung mahiya dahil may bahay siya tapos dito siya nakikikain.

"No worries, pasasalamat ko yan." Nakangiting sabu ni sir lucas. Ang bait niya talaga.!

"Kitams, pasasalamat nya talaga yan! hehhehe thank you dito sir lucas madadagdagan na yung pera ko." Nakangiting sabi ko natawa naman ito at biglang ginulo ang buhok ko. Ehhh???

Nagulat ako sa ginawa niya nagulat din siya at agad na binawi ang kamay. "Im sorry hahaha na sanay lang akong ginugulo ang buhok ng mga nakakasalubong kong mas bata pa sa akin para narin kitang kapatid dahil dinadalhan muko ng pagkain sa bahay k-." Hindi natapos si sir lucas dahil nag salita ako.

"Magkaedad lang po tayo sir. Nag mukha kalang matanda dahil puyat ka lagi sa trabaho."agad na sabi ko. "Diba 24 kana sir." Napataas ang gilid ng labi niya.

"What? Ahh, HAHAHHAHA." Napataas ang kilay ko ng bigla itong tumawa ng malakas pati si ate pamela ay natawa narin pati rin si aling tess. Bakit ba anong nakakatawa don?

"Bakit po?" Taka kong sabi.

"Gemma I am 27 years old saan mo naman nalamang 24 pa ako?" Taka niyang sabi. Hula ko lang siguro.

"Ahh, hehehhehe pasensya na po oo nga hahahha bunso nga ako." Plastic akong napatawa.

"Hmm, by the way anong oras uuwi si kuya?" Tanong ni sir lucas kay aling tess.

"Ang sabi niya sa akin ay hindi siya siguro kong makakauwi siya sir dahil marami siyang inaasikaso ngayon." Napatangu-tango lang si sir lucas at agad na nagpaalam sa amin dahil pupunta daw ito sa company ng mommy niya.

Habang abala sila ate pamela sa paglilinis at si aling tess naman ay nililinis ang swimming pool habang ako ito ay naglilinis sa garden. Hindi ko alam kong bakit subrang hilig ni sir sa bulaklak dahil pag diba kong lalaki ang may ari mg bahay ay wala ni isang bulaklak sa bahay nito pero ang amo namin ay subrang hilig minsan kuna narinig. I mean nasabi ni ate pamela sa akin na kapag walang trabaho ang amo namin ay siya mismo ang nagdidilig sa mga bulaklak niya.

Halos rosas ang bulaklak ni sir at masasabi kong ang tataba ng mga ito. Habang nag lilinis ako ay nakikinig ako ng music naka headphone ako wala naman kasing magagalit dahil tapos narin naman ako sa labahan inaabala ko lang ang sarili sa mga bulaklak at inaalagaan ito dahil wala pa naman si sir dito.

Kinukunan ko narin minsan ang mga bulaklak ng picture dahil napakaganda nga nito. Siguro pag na open ang gallery ko ay halos bulaklak ang nandito minsan nalang makita ang mukha ko.

Abala ako sa pagdidilig ng biglang may tumabi sa akin isang napaka laking aso. I mean nakakatakot na aso akala ko ba ay naka kulong ito bakit nandito ito sa tabi ko at talagang nakatingin ito sa akin. Isang doberman dog na nakatingin sa akin para akong kakapusin ng hininga dahil feel ko ay aambaan ako nito at papatayin.

"Ahh." Nasabi ko ng mahina nakita kong itinabingi ng isang doberman ang kanyang ulo habang nakatingin sa akin. "Alam kong sa oras nato ay pinapakawalan ka ni along tess pero bakit dito mo naman naisipang pumunta sa akin?" Kong may nakakakita siguro sa akin ngayon ay mapagkakamalan akong baliw dahil kinakausap ko ang isang aso.

Nagulat ako ng bigla itong tumahol sa akin kaya nag panic ako.

"Tika naman, hindi ko kasi ma intindihan ang sinasabi mo pero wag mo akong kakagatin huh alam kong pangalawang beses natin itong pagkikita pero sana naman magpakabait ka kahit kunti." Sabi ko at dahan dahang lumayo sakaniya nakita kong tinabingi nya lalo ang kanyang ulo at walang paking lumingon sa mga bulaklak na kanina ay kinukunan ko ng litrato. Ng makitang hindi na ito nakatingin sa akin ay kumaripas ako ng takbo buti nalang at hindi sumunod ang aso ng maka pasok sa mansion ay hingal hingal ako napatingin kay ate pamela na ngayon ay gulat na gulat.

"Anong nangyari sayo? Parang naka kita ka ng multo dahil sa itsura mo" alalang sabi niya sa akin.

Oo parang multo narin yung nakita ko baka nga ay anytime maging multo narin ako.

"Ate, nakikita mo bayung aso nayon?" Agad kong turo sa asong doberman.

"Ahh, si Tirex ba kamo, aso yan ni boss actually tatlo sila eh yung dalawa ay nasa isang kulungan pa isa lang siguro ang pinalabas ni aling tess baka ay natutulog pa ang dalawa." Napalunok ako may dalawa pa pala? Ibig sabihin kong gising yung dalawa ay tatlo silang tatabihan ako sa garden jusq ayaw ko. Takot ako sa aso minsan na nga akong nakagat ng aso at hindi ko talaga nagustuhan yun.

"Wag kang mag alala hindi yan nangangagat pumapatay lang." Napatingin ako kay ate pamela ng bigla itong mag joke at tumawa ng malakas. Grabe malala nato.

"Ate pam naman aatakihin na nga ako sa takot kanina ng tabihan ako nong aso."

"Nako, kasi naman dyan talaga ang tambayan nyan baling ang tatlong asong yun ang nagbabantay sa bulaklak ni boss."

"Ate pam, sigurado kabang mababait ang mga yan sa mukha palang eh hindi na."

"Hahaha wag kang mag alala hindi nga yan nangangagat kakagatin niya lang yung mga hindi niya nagugustuhan ang amoy." Ay arti naman ng asong yan. Kala mo naman mabango. "Sa isang araw tatlong beses silang pinapaliguan ni aling tess kaya siguradong mas mabango payang mga aso keysa sa atin at isa pa aircon ang bahay ng mga yan." Napataas ang gilid ng labi ko. Anong aircon?

Tika pansin ko nga ay may kalakihan nga ang bahay ng aso at talagang covered ng glass at walang makikitang bakal or nag silbing kulungan non dahil glass nga ang pinto non at hindi mo malalaman kong isa o tatlo ba ang aso don. Minsan kong nakita itong aso sa swimming pool area dahil balak ko sanang maligo ang kaso ay nakita ko nga yung aso kaya hindi na natuloy.

Gusto ko lang naman ma experience ang maka ligo ng swimming pool ehh tapos hindi pa ako papaliguin dahil sa may asong nakabantay. Hays.

The Mafia Boss New MaidWhere stories live. Discover now