Chapter 22 - Scared but Angry

360 14 3
                                    

HAPPY 4K+ READ'S ANG BILIS AHHHH! HEHEHHEHEHEHHE

GEMMA

"Ang ayaw ko sa lahat ay yung hinahawakan ang ano mang parti ng katawan ng babaeng mahal ko! Kahit mapa buhok man yan.!" 

Pabalik balik iyon sa isip ko at hindi maitanggal narito na kami ngayon sa mansion ng mga wood. Pero hindi ko parin makalimutan kong paano ako iligtas ni sir Demetrio sa kamay ng mga holdaper na kilala niya pala.

FLASHBACK

Matapos bitawan ang mga salitang iyon ay nakita ko ang pagkagulat sa mata ng lalaking humawak sa akin.

"Pag-aari ko ang sinasaktan mo." Malamig na sabi ni sir Demetrio. "Take her Lucifer." Napalingon siya sa katabi nitong lalaki. Yung singkit na lalaki na may pulang buhok.

Akma ng lalapit ang lalaki ng bigla akong hilahin ng lalaking nagpahirap sa akin.

"Hindi niyo siya pwedeng kunin, may atraso pa siya sa akin."sabi nito.

"Ano bang atraso niya?" Walang buhay na tanong ni sir Demetrio.

"Pinatay ng magaling niyang ina ang anak ko!" Sigaw nito.

"Ahhh!" Napatawa si sir Demetrio."Nakakasiguro kabang tama iyang kinuha mo!" Nakatingin na ito sa akin. "Ang babaeng yan ay katulong ko." Sabi niya pa.

"Ano? Katulong? Hindi bat studyante ka." Napatingin siya sa akin umiling ako. "Anong! Tsk mga inutil!" Sigaw niya sa mga taohan niya. "Maling tao ang kinuha ninyo! Mga wala kayong silbi!" Sigaw nito.

"Lucifer." Napatingin ako kay Demetrio agad akong hinablot ni Lucifer sa lalaki at inilapit kay sir Demetrio na siyang agad naman akong pinalapit sakaniya.

"Let's go." Agad na sabi nito hindi na siya nagpaalam pa sa kumuha sa akin dahil abala ito sa pag parusa sa mga taohan nito. Sumakay kami sa kotse  niya bago paman kami maka alis ay sumilip ang isang lalaki.

"Humihingi ako ng paumanhin Mr Wood dahil sa pagkakamali. Sisiguraduhin kong ako mismo ang makakahanap sa lintik na babaeng iyon!" Sabi nito ng makasakay kami.

"No need. Bukas ay pag-usapan natin ang mangyayari hawak ko ngayon ang babae at dadalhin ko siya sa iyo." Napatanga ang lalaking nasa labas ng bintana. Hindi pa ito nakapag salita pero tumango ito Bago kami umalis.

END OF THE FLASHBACK

"ARE YOU OUT OF YOUR MIND DEMETRIO!" umalingawngaw ang sigaw ng ama ni sir Demetrio nasa sala kami ngayon takot ang bumalot sa akin.

Takot...at galit.

Takot ako dahil sa nangyari kanina at galit ako dahil sa nasa harapan ko ang taong pumatay sa pamilya ko!

"Katulong mo lang ang babaeng iyan! At dinamay mo pa ang mga taohan ko para mailigtas ang walang kwentang babaeng iyan!" Sigaw nito napa hikbi ako ng mahina.

"Hindi lang siya katulong dad." Natigilan ako. Pati ata ay daddy niya ay natigilan rin.

"Ano!"

"Hindi lang siya katulong! Siya ang babaeng nagugustuhan ko! Kaya kong nagagalit ka dahil iniligtas ko siya. Dahil ay siya ang babaeng nagugustuhan ko!" Para akong na-bilaukan sa sariling laway pati ata ang mga kapatid at si aling tess ay nagulat sa naging sinabi ni sir Demetrio.

"Pumatol ka sa katulong mo! God! Demetrio! Ang daming babae dyan bakit sa katulong mo pa!" Inis na sabi ng ama nito.

Oo nga naman katulong lang ako.

"Shut up dad, wala kang karapatang husgahan ako at wala kang karapatang pumili kong sino ang mamahalin ko." Napatingin ako kay sir. Nakatingin na ito sa akin ngayon.

"S-sir?" Usal ko.

"Shhhh, let's go kaylangan munang magpahinga." Sabi niya at tumayo na kami inalalayan niya ako.

"Demetrio hindi pa tayo tapos!" Sigaw ng ama niya. Hindi nito pinansin at nagtuloy lang kami paakyat hanggang sa makapasok kami sa loub ng kwarto niya.

Sinara niya ang pintuan at umupo kami sa kama.

"Are you okay? May ginawa ba sila sayo kanina?" Takang sabi niya. Nag kwento ako sakaniya kong paano ako nasampal at nasa-bunutan. Nakita ko ang galit sa mga mata niya pero pinipigilan niya lang iyon."hmm, sige akong bahala sakanila wag kanang mag alala ligtas ka rito. Kakausapin ko lang ang ama ko magpahinga kana." Sabi niya.

Iiwan na sana niya ako ng bigla ko siyang pinigilan.

"Pwede bang umalis ka lang mamaya pag nakatulog na ako?" Napatingin siya sa akin ng ilang minuto bago tumango humiga ako sa kama tinabihan niya ako.

Hinaplos niya nag buhok ko kaya napapikit ako.

Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog napala ako.

KINABUKASAN maaga akong nagising tinulungan ko si aling tess. Walang lumalabas wa bunganga ni aling tess tahimik lang ito dahil siguro ay hindi pa maka move on sa nangyari kagabi.

"You!" Napatingin ako sa aking likuran nakita ko ang matandang lalaki ang daddy ni sir Demetrio. Biglang nagsitayuan ang balahibo ko at halo halo ang emosyon takot at galit. "Follow me." Sabi niya at umalis na. Palabas ito ng mansion napatingin ako kay aling tess tumango ito sa akin.

Sinundan ko ang lalaki hanggang sa makarating kami sa garden ni sir Demetrio. Walang ka tao tao roon. Umupo siya sa silya. Inilahad niya ang isa pa para paupuin ako.

"Di-diritsuhin na kita. " Umpisa nito. "Ayaw ko sa katulad mo." Sabi niya pa. "Wala akong pakialam kong mahal ka ng anak ko isa kalang di hamak na katulong isa kang walang kwenta! Hindi kita gusto para sa anak ko sinasabi ko ito sa'yo para aware ka sa mga nagaganap sayo ngayon. Pag inibig mo ang anak ko mahihirapan ka." Masasakit ang sinabi niya pero walang mas masakit nag ginawa niya sa pamilya ko.

"Magsasalita rin po ako." Agad na umpisa ko.

Napataas ang kilay niya. "Ano naman ang sasabihin mo!?" Maypagka strikto ang pagkakasabi niya non.

"Anong dahilan at pinatay mo ang mga magulang ko?!" Bigla ay nagbago ang kanyang expression sa mukha ang kanina ay galit at pagka disgusto sa akin ngayon ay gulat at pagtataka. "Santiago Family, kilala mo sila diba, dahil ikaw mismo ang pumatay Sakanila." Bigla ay napatayo ito at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"Who are you?" Mahina niyang sabi. Nakita kong papalapit sa amin si sir Demetrio.

Tumingin ako sa mga mata ng ama ni sir na may galit at pagkapuot.
"Ang anak ng pinatay mo. ang pinatay mo rin na nabuhay." Usal ko nakita kong natigilan si sir Demetrio sa paglapit sa amin dahil sa narinig.

The Mafia Boss New MaidWhere stories live. Discover now