Chapter 11 - He Caught Me 2

482 15 1
                                    

i want to say that thank you for reading my new story THE MAFIA BOSS NEW MAID  and happy 1k reads! yeheyyyyy!! thank you rin sa gumawa ng book cover ate iamqueenwarrior pwede kayong magpagawa sakaniya ng book cover mura lang just pm her in fb (iam...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

i want to say that thank you for reading my new story THE MAFIA BOSS NEW MAID  and happy 1k reads! yeheyyyyy!! thank you rin sa gumawa ng book cover ate iamqueenwarrior pwede kayong magpagawa sakaniya ng book cover mura lang just pm her in fb (iamqueenwar wp) heheheh.🥹🖤

----

GEMMA

Hindi parin ako maka move on ngayon ay naka tingin ako sa kisame ng kwarto ko naka higa ako at hindi mapigilang mapahawak sa aking dibdib.

Kanina lang ay kukuha na sana ako ng pagkain ng makita ako ng amo ko sa subrang taranta ay bigla kong naibagsak pasara ang pintuan ng ref at patakbong bumalik sa aking kwarta.

Nakahiga ako ngayon at talagang nanginginig dahil sa nakita niya nga ako.

Paano nalang kong bigla ay pumunta siya rito sa kwarto ko at sabihan akong lumayas kang babae ka. Dahil nga magnanakaw ako ng pagkain.

UMAGA na ng magising ako hindi ko alam kong paano ba ako nakatulog kagabi kakaisip sa nagawa ko.

Nakakahiya man pero kinapalan ko ang mukha kong pumasok sa kusina. Bagong ligo na ako kaya tutlungan ko nalang sila aling tess sa kusina. Wala narin naman akong labahin dahil tapos kuna kahapon depende nalang kong may ipapa laba si ate pamela siya naman ang taga bigay ng lalabahin ko dahil siya ang nag lilinis sa mga kwarto.

Pagpasok ko sa kusina ay bumungad sa akin si aling tess.

"Oh, iha ang aga mo yatang nagising alas 5 pa mag aalas 6 pa." Napalunok ako. Akala kasi pag gising kanina ay subrang late na akong nagising pero bago ako natapos maligo ay tinignan ko yung oras alas kwatro pa ng umagawa nag tambay muna ako sa kwarto bago ako lumabas.

5:57am

3 minutes nalang mag 6am na.

"Ahh, hehehe wala lang po aling tess gusto ko lang tumulong." Napatangu-tango si aling tess saka niya ako binigyan ng gawain.

Inilagay niya ako sa mga hugasin. Naghugas ako ng pinggan nawala sa isip ko yung kagabi kaya patuloy akong nag huhugas. Hanggang sa nagising narin si ate pam pumunta agad ito sa mga nakasanayan niyang gawain. Naglinis siya sa sala bago naman sa mga bakanting kwarto. Hinalisan niya lang dahil malinis naman at walang alikabok wala namam kasing mga batang mag lalaro dito para malikabukan ang mansion tanging ang naka tira lang ay ang amo namin kaming tatlo at apat na guard at tatlong aso. Eh sali nalang natin yung si sir lucas na laging kakain dito. Pero minsan din ay hindi kumakain dahil pinag hahatiran lang sa bahay niya.

Hindi ko namalayang natapos na pala ako sa pag huhugas kaya naman nag pasya akong umupo nalang sa upuan. Pinag kape ako ni aling tess kaya nag kape ako habang sinisimsim ang kape ay kamuntikan na akong mapaso dahil sa nakitang bultong pababa sa hagdan.

Dito kasi sa pwesto ko ay makikita ang sala at ang hagdan.

Andito na siya! Anong gagawin ko pag nakita niya ako!?

Nataranta ako at agad na kinuha ang kape ko aalis na sana ako ng bigla akong mapatingin sakaniya. Nakatingin na ito sa akin at parang nag babantang tingin. Waahhhhhhhhh! Papagalitan na niya ako.

Salubong ang kilay niyang pumasok sa kusina.

"Magandang umaga sir." Napatingin ako kay aling tess. Shuckkkkks.

"Magandang umaga." Magamig pa sa yelo ang narinig kong boses niya nakatingin na ito sa akin na para bang hinihintay ang pag bati ko..

"M-mag-ehem-magandang um-aga sir."para akong sirang plaka na nauutal utal mag salita. Tinignan niya lang ako sa malamig na paraan bago ito tumango at kumuha ng baso para mag kape.

Nakita kong lumapit sa akin si aling tess.

"Ano yun?" Takang sabi niya. Huh?

"Anong anoyun?" Taka kong sabi.

"Yang boses mo ayos kalang ba? Bigla ka kasing mamutla kanina."napalunok ako.

"Ahh ahhaahha—." Natigil ako ng biglang may umupo sa harapan ko at naka pandi kwatro ang upo habang may binabasang dyaryo at sumisimsim ng kape. "Ahh aling tess ganon ba sige ako na po ang bahalang mag linis ng bahay ng mga aso." Bigla kong straight na salita. Nakita konh kunot ang noo ni aling tess.

"Huh wala naman akong inutos." Shuckkkkks makisama ka naman aling tess!!

"Ahh-hahahha ano kaba aling tess mapagbiro ka talaga sige na." Akma na sana akong aalis ng biglang mag salita ang nasa harapan namin.

"You're not done yet." Napatingin kami sa amo namin. Nakatingin ito sa akin bago tumingin sa tasa ng kape kong punong puno pa.

"Ahhh-hahaha sir ano okay na ak—." Hindi ko natapos ang sasabihin ng mag salita ito ulit.

"Ubusin mo yan sinasayanag mo ang kape ko." Napalunok ako. Shuckkkkks! Anong kape niya milo kaya yan tapos yung kanya purong kape.

"Sige na gemma sabayan muna si sir." Napatingin ako kay aling tess nanghihingi ng tulong ang kaso ay ngumiti lang ito sa akin bago ako iniwan.

Ano ba!!

Napatingin ako sa likuran ni sir nakita ko si ate pam na papasok sa kusina pero natigilan ito ng makita ako at si sir. Ang akala ko ay tutulungan niya ako ay hindi pala. Mabilis itonh umalis at bimalik sa kusina.

Nakakahiya!!!!

Walang ingay na maririnig sa aming dalawa kundi ang mga kapeng iniinom lang namin. Hanggang sa maubos na ang kape ko ay hindi parin nag salita si sir kabado ako at namumula pinagpawisan narin.

Nakita kong tumingin ito sa akin ng matapos akong magkape.

"Ahh, tapos napo ako sir sige po." Hindi ko siya pinag salita at agad na umalis ang kaso ay nag salita nanaman ito ng makarating ako sa pintuan.

"Ako ba ang paghuhugasin mo ng tasang ginamit mo!?" Para akong nawindang sa naging sinabi niya. Nahiya ako at agad na bumalik at walang sabing kinuha ang tasa at hinugasan. Nagpaalam na ako ng matapos yun at agad na nagmamadaling pumunta sa mga aso.

Wahhhhh!!! Tulong mga aso kagatin niyona ako ngayon na!!!!


The Mafia Boss New MaidWhere stories live. Discover now