Chapter 3 - Library

512 10 0
                                    

GEMMA

Umaga na hindi parin ako mapakali buti nga at walang nag tanong na nawawala ang isang 1.3L na ube ice cream lagot talaga ako nito.

12pm na ng tanghali balita ko rin ay maaga ang alis ng amo namin dahil may emergency nanaman sa company nito.

Nakahinga ako ng maluwag Non sana makalimutan na niya ang ice cream niya.

"Gemma, wala kana bang gagawin?" Napatingin ako kay ate pam ng makita ang pagod ng mukha nito.

"Wala na ate bakit may ipapagawa ka?" Taka kong sabi. Nakita kong ngumiti ito. May ipapagawa ng siya.

"Makikisuyo sana ako sayo naglilinis pa kasi ako sa 2nd floor eh baka naman ikaw muna mag linis sa library ni boss nasa 3rd floor yun." Napanguso siya. Ngumiti ako at tumanggo.

Wala naman sa akin yun pero first time kong mag linis sa library kasi si ate pam naman ang naka assign sa mga paglilinis sa mga kwarto.

"Sige akong bahala ate." Agad kong sabi nagpasalamat ito sa akin at umalis na. Ako naman ay kumuha ng panlinis at umakyat na sa 3rd floor gamit ko yung elevator may elevator naman kahit hanggang 3rd floor lang yung bahay. Hays ang yaman talaga.

Pagkarating sa 3rd floor my dalawang pinto ang bumungad sa akin nasa kaliwa at kanan iyon. Saan naman dito ang library?

Nagpasya akong piliin ang nasa kanan at hindi nga ako nagkamali dahil iyon ang library. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang napaka laking painting mukha ito ng tatlong doberman na nasa gilid ng isang lalaking naka upo sa upuan nito kasama ang tatlo niyang aso.

Ang astig dahil may painting silang tatlo o litrato. Humanga ako hindi masyado nakikita ang mukha ng lalaki dahil madilim ang kwarto at may lampshade naman sa gilid kaya na ilawan ito ng bahagya. Agad kong tinignan ang gilid ng door kong may switch ba doon para umilaw ang paligid buti at meron ng magbukas ang ilaw ay nakita ko ang kabou-an ng library maraming libro at may iisang table merong sofa sa harapan ng painting habang sa gilid naman ng sofa na iyon di kalayuan sa painting ay may isang study table  malaki ito parang nasa mala action movie na study room siya na mangha ako dahil sa bigat ng aura na nakapalibot sa kwartong ito.

Agad kong sinimulan ang paglilinis nakita kupang may cctv sa kwarto kaya ingat na ingat ako sa mga gamit na nililinis ko. Matapos kong mag linis ay tinignan kupa ang kabuan. Malinis naman na siya pero may kunti lang akong inayos. Pagtingin ko sa painting ay namangha ulit ako. Ang ganda talaga. Naaliw akong tinignan ang iba pang mga design sa loub ng library may mga naka sabit sa pader na espada at may mga baril din hindi naman ako nag taka doon baka ay collection ito ng amo namin. Pero nakaka mangha at nakaka ganda dahil minsa lang akong makakita nito. Pero bigla kong naalala na ganito dito pala ang library ni daddy noon.

Pero walang painting may espada rin ito at may baril na nakasabit meron pa ngang gold roon na naka glass lang walang ka privacy talaga si daddy. Matapos kong tignan lahat. Pumwesto ako sa sofa ng may makita akong libro kanina napag interisan ko itong basahin about ito sa history ng organisasyon may naka lagay kasing the organization. Hindi ko naman alam iyon baka ay isa itong story na galing sa e-book o wattpad books mahilig kaso talaga akong mag basa ng mga libro.

Agad kong binasa ito at sa una palang ay hindi ko ito maintindihan dahil halos mga numero ang nakikita ko may mga iba pa ay nakalagay na pangalan at apilyedo mga kayamanan ng nag mamay-ari ng pangalan na iyon parang background lang ng isang tao na parang isinulat dito.

History of Villanueva

Nasa part na ako ng exciting part na may naka sulat doon na natalo ng mga Villanueva ang pamilya ng Garcia bilang war ng mga pamilya nito nakuha ng mga Villanueva ang kayaman ng Garcia.

History of Montero

Sa kabilang banda naman ay labanan ng Montero at Villanueva bilang bahagi ng pagganti at pagbawi ng kayamanan at pag sakop nito minasaker ng Montero ang boung angkan ng Villanueva para makuha ang kayamanan at makuha ang mga iligal na trabaho nito. Ano bang kwento ito?

History of  Smith

Sa hindi inaasahan ay nagka interis akong basahin ang history ng  mga ito parang sa totong buhay lang naka sulat rito kong gaano kalaki ang nakukuha nilang pera mga ka organization nila. Ano bang klaseng organization ito? Sa pamilya ng smith naman ay may mga ikinasal na mga anak nito na siyang nagkaroon ng tagumpay na mapawalang bahala at mawalan ng pag sakop ng ibat ibang organization natigil ang digmaan at nagkasundo ang panig. Ikinasal ang anak ng mga mafia boss? Sa mga kasamahan nito ngunit sa hindi inaasahan ay may nag taksil.

Pamilya ng mga Marquez

Nabalik ang war naatagal na sanang kinalimutan ng lahat sa pamilya ng mga Marquez may isang anak ng mafia boss ang nag taksil at pinatay ang anak ng isang smith para makuha ang yaman nito.

Hanggang hindi nalaman ng pamilya ng mga Marquez ay may anak pala ito sa smith na siyang itinago nito bago mamatay.

History of Wood

Na siyang anak ng Marquez mismong ama nito ay pinatay niya dahil sa kagustuhang maipag higanti ang kanyang ina. Nalaman ding nakuha ng mga wood ang kayaman nito bumawi ang mga wood at sinimulan ang war. Ang akalang matitigil na ay siya namang pag labas ng isa pang organization.

History of Santiago

Santiago? Babasahin kuna sana ito ng biglang may kumatok sa pintuan agad kong naisara ang libro at nagmamadaling isinuli ito sa pinaglalagyan kanina. Mabilis akong pumunta sa pintuan at nakita ko si ate pam.

"Ate pam?" Taka kong sabi.

"Ang tagal mo namang mag linis Dyna umabot kapa ng 3h dyan ahh, mag aalas 5 na at di kapa naka labas dyan." Agad akong napatawa at napakamot sa aking ulo.

"Sorry hahaha nag enjoy lang akong maglinis sige ate tara na." Agad kong inaya ang ate pam para maka baba na kami.

Wew kinabahan ako don ah.

The Mafia Boss New MaidWhere stories live. Discover now