Chapter 30 - The Sister's Secret

244 7 1
                                    

GEMMA

3 DAY'S NA ANG nakalipas simula nong marinig ko ang away ng magkapatid. Sa tatlong araw na obserbahan ko rin kong gaano ka dikit si ma'am lillian kay sir na halos pati sa library nito ay kaylangan pa nitong puntahan. Si ma'am loula naman ay hindi napigilan ang kapatid dahil sa pag pinigilan niya ito ay mas lalong lala at magagalit ang kapatid nito. Minsan ay pinagbabantaan pa nga ni ma'am lillian si ma'am loula na isusumbong nito kay sir Demetrio na may asawa na ito.

Ang pakiusap naman ng kapatid ay wag na dahil hindi pa magaling si sir Demetrio.

Ngayon naman ay narito ako ngayon sa laundry area nilabhan ko ang mga gamit ko. Habang nag lalaba ay may narinig na nanaman akong nag aaway malapit sa laundry area sa likuran kasi nito ay may swimming pool.

"Hindi kaba natatakot sa pwedeng mangyari huh! Talagang pinapairal mo yang kalandian mo!" Boses ni ma'am loula.

"Wow! Nakapag salita ang hindi malandi! Bakit sa tingin mo hindi ko kayo nakita kagabi ni dem na nag hahalikan sa kwarto huh!" Inis na sabi ni ma'am lillian bigla ay nanginit ang aking dibdib dahil sa narinig.

Naghalikan?

"Look lillian! Wala kanang pakialam doo-."

"May pakialam ako loula! May pakialam ako! Una palang alam mong gustong gusto ko si Demetrio pero inagaw mo siya sakin!" Inis na sigaw ni ma'am lillian.

"What!" Napatawa si ma'am loula.

"Ikaw! Ikaw ang mang-aagaw! Inagaw mo siya sa akin! Ako dapat ang pinapansin niya noon at hindi ikaw! Ikaw ang mang-aagaw!" Sigaw nito na parang mababaliw na.

"What the hell are you saying Lillian! Umpisa palang ako ang gusto ni dem at hindi ikaw! Ako ang una niyang nakilala at hindi ikaw! Ganyan kana ba ka obsessed kay dem at pati relasyon namin noon ay sinara mo! Hindi mo ba maalala ang lahat ng ginawa mo noon sa akin! Sa amin ni dem!" Inis ng sigaw ni ma'am loula na parang napupuno na sa galit. "Alam mong pagka graduate namin ng college sasabihin kuna sana yun sakaniya pero anong ginawa mo lillian! Baliw na baliw ka sa kaniya sa pagka baliw mo sakaniya pati ako kinalaban mo! Sinumbong mo kay mom na may nangyari sa amin ni dem! Kaya nagalit si mommy sa akin! Hindi mo pa pinalagpas lillian! Kumuha kapa ng ibang lalaki para lasingin kaming dalawa at ihiga sa iisang kwarto! Baliw ka!"bigla ay napatakip ako sa aking bibig dahil sa nalaman nanamn.

"Sinungaling ka! Hindi ko ginawa yun!" Sigaw ni ma'am lillian.

"Ginawa mo yun! Ginawa mo para magalit sa akin si dem! Pero ang inaakala mong magagalit siya sa akin ng habang buhay ay isang araw lang! Kaya naman ay nagalit karin sa akin ng tudo dahil bakit pinatawad niya agad ako! Huh! Baliw ka! Kaya nong nalaman mo yun hindi mo pinalampas ang galit mo tinulak mo ako sa hagdan!" Sigaw ni ma'am loula na umiiyak narin ito. "Ang sama sama mo! Hindi na kita kapatid! Ang sama sama mo! Ng dahil sayo nawala ang anak namin ni dem! Ng dahil sayo namatay siya ng hindi nalalaman ni dem na buntis ako sa anak namin!" Umiiyak nitong sabi natulos ako sa kinauupuan na para bang hindi ako makagalaw dahil sa mga nalaman ko. "Ang sama sama mo! Gumawa kapa talaga ng paraan para paghiwalayin kami ni dem! Nagtagumpay ka nga sa binabalak mo pero hindi mo naman siya nakuha--ackkk!! B-bitaw!" Bigla ay napatayo ako at napasilip sa pader kong saan ang ingay.

Nakita kong sakal sakal na ni ma'am lillian si ma'am loula sa leeg na galit na galit ito habang nakatingin kay ma'am.

Bigla ay kinabahan ako at mabilis na umalis tinawag ko si aling tess para siya ang umawat. Pagbalik namin ay wala na si ma'am lillian tanging si ma'am loula nalang ang naroon habang hawak ang leeg nito.

Bigla ay kinabahan ako at hinanap ng mata ko si ma'am lillian nakita ko itong papasok na sa loob ng sala nakita ko itong tumingin sa akin ng masama.

Nakita niya ba ako?

Hindi naman sigurong dahil umalis naman kaagad ako para tawagin si aling tess.

Nasa kusina na kami kumakain na ngayon si ma'am loula at ma'am lillian. Katabi ni ma'am loula si sir Demetrio habang si ma'am lillian naman ay kaharap si ma'am loula. Parang walang nangyare sakanilang dalawa kanina dahil patuloy lang sila sa pagkain.

Tahimik silang nag hapunan hanggang sa matapos sila ay kami naman ang kumain.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong magtungo sa kwarto dahil si aling tess na raw ang mag huhugas ng pinggan.

Paghiga ko sa kama ay siyang ñag bukas ng pintuan nakita ko si sir Demetrio sa labas ng pintuan.

"Bakit po sir?" Agad akong tumayo. Lumapit ako sakaniya. "May kaylangan po ba kayo sir?" Taka kong sabi.

Bigla ay may inabot si sir sa akin ng plastik may laman itong Yakult at cupcake bigla ay natakam ako. At nagtatakang tinignan siya.

"Ano to sir?" Sabi ko. Bakit niya ako binibigyan?

"I dream last night binigyan raw kita ng ganitong pagkain dahil paborito mo so i buy it and give it to you." Tumaas ang kilay ko. Dream?
"Kainin mo nalang yan." At umalis na agad ito.

Pagkaalis niya ay may narinig pa akong parang may nahulog sa kong saan tinignan ko yun pero wala lang namang tao napapailing kong sinara ang kwarto ko at inumpisahang kumain ng bigay ni sir.

Timing naman nagugutom narin ako eh at nag cra-crave. Woww! Sarap naman nito! Excited kong ininom ang Yakult at kinain ang cupcake. Naalala naba ako ni sir??  Pero ang sabi niya ay napanaginipan niya raw ako.

The Mafia Boss New MaidWhere stories live. Discover now