Chapter 1

113K 885 117
                                    

PLZ.. SA MGA BATA PA ... DON'T EVER SCROLL IT!! SPG ITECH... SINASABI KO SA INYO... MAGARAL MUNA...

*********

Ibinaba ako ng nanay ko sa tapat ng academy na papasukan ko, ewan ko kung bakit pa sa school na puro babae pa. Ou tama... ang papasukan ko ay All girls school. Sayang wala akong makikitang mga fafa at magiging classmate na gwapo dahil nga puro babae kame.

Hay! Nakakainis!

"Aalis na ko Mae, asan ang goodbye kiss ng mommy mo." humarap ako sa kanya ng malungkot. "pinagusapan na natin ito Mae diba."

Tumungo lang ako sa kanya at saka ko siya hinalikan sa pisngi. "Enjoy your first day of school Bye."

"Bye po." walang gana kong sinabi. Ngumiti siya sa akin at pinaandar niya na ang kotse palayo.

Nalulungkot kasi ako dahil hindi pa ako pinatapos ni Mommy sa dating pinapasukan kong school dalawang taon na lang graduate na ako tapos pinasok pa ako sa all girls school.

Namiss ko tuloy ang mga kaibigan ko sa dati kong pinapasukan na school at lalong lalo na ang crush ko. Hmmpf! hindi ko na siya makikita.

Nalugi kasi ang company na dating pinagtratrabahuan ng mommy ko pero nakahanap siya agad ng trabaho, yun nga lang.... malayo... kaya ito... newbie kami dito sa lugar.

Pagkapasok ko sa gate ng academy nagandahan ako sa lugar. Sobrang laki at ang ganda pa ng mga buildings.

Halatang mga mayayaman ang mga estudyante dito. Pano ako napasok ni mommy dito? siguradong mahal ang tuition fee dito. Hindi naman kasi kami mayaman... makakain lang ng tatlong beses sa isang araw ...ayos na sa amin.

Sandali... nasan ba ang building ng mga 3rd year? Mukhang naliligaw ako..

-___- hay!! wala talaga akong sense of direction.

Naalala ko meron pala akong map dito ng school ... ang tange ko talaga..

Habang naglalakad ako tinitignan ko ang map para makarating sa building at mukhang late na ko.

May nakabunggo ako at dahil dun natanggal ang strawberry chain ko sa bag. Dadamputin ko sana ito pero ang nadampot ko ay isang kamay.

Kamay na unang nakadampot sa strawberry chain ko, nagulat naman ako at agad na tinagal ang kamay ko sa kamay niya.

"Ah... sorry." sabi ko. Pagkatingin ko sa kanya napa nga.. nga.. ako ... sobrang ganda ng babaeng nasa harapan ko. Model ba siya? super ganda niya!! talbog ang kagandahan ko sa kanya.

Marami sigurong lalaking nanliligaw sa kanya.

"Don't be sorry, ako dapat ang magsorry nadumihan ko tuloy ang key chain mo." hinipan niya ang strawberry chain ko at pinagpag sa palda niya. "here.. malinis na." inabot niya sa akin.

Kinuha ko naman ito "Sa-salamat." hindi lang siya maganda... mabait pa.

"Ngayon lang kita nakita dito, your new student here?"

Tumungo ako sa kanya, "Pano mo po nalaman?" sa laki kasi ng academy na ito at dami ng estudyate pano niya nalaman na new student ako.

"Naliligaw ka kasi, dun ang building ng mga 3rd year student." anu ba yan nakakahiya tuloy.

"pa-pano po niyo nalaman na 3rd year student ako?"

"your patch is red, so.. you are 3rd year student."

Tinignan ko ang patch ko na may logo ng academy. Ang engot ko talaga nakalimutan ko nakikita pala sa patch kung anong year ka.

Every year kasi iba ang kulay ng patch...

Strawberry Scandal (Lesbian Romance, Sex, gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon