"Agh! Teka! Aray!" sigaw ng inaaping babae.
Nang makarating kasi siya sa nagkukumpulan na studyante napag-alaman niyang siya ang dahilan kung bakit nagtitipon ang mga ito sa isang outdoor bulletin board.
Hinarangan at pinalilibutan siya ng mga ito. Walang alinlangang pinaghahampas at pinagsasabunutan.
"Ano ba!" lumalaban siya dahil alam niya sa sarili niya na walang katotohanan ang mga litrato sa bulletin.
"Bitch ka talaga! Dati lalaki ngayon naman babae? Nakakadiri ka!"
"Bakit nakakaya nilang makasama ang katulad mong dirtbag!"
"Nagawa mo pa talagang gamitin ang three lilies para makilala ka. Akala mong sinong napakalinis na babae! Baboy!"
Dahil sa dami nilang masasakit na sinasabi, hampas at sabunot na tamo niya hindi niya naiwasang mapaupo sa lupa. Tinanggap ang mga natatamo niya. Pumikit nalang siya at napayoko habang takip ang kanyang braso at kamay sa kanyang ulo.
Masyado silang marami hindi niya kaya.
"Whats going on here!" napadilat siya ng marinig niya ang pamilyar na boses. Napatingin siya agad dito at kinabahan dahil sigurado lubusan itong masasaktan sa makikita niya.
"Stop!"
Hindi siya pinakinggan ng mga ito,patuloy parin sila sa kanilang pananakit.
Hinahawi niya ang mga nakaharang sa kanya patungo sa kinaroroonan ng babaeng binubobog. Kita sa kanyang mukha ang pagaalala at question.
Hindi pa man nakakalapit napahinto na siya ng malaman niya na ang kasagutan sa kanyang mga tanong.
"I said STOP!" sa kanyang malakas na sigaw. Napatahimik at napatigl niya ang mga studyante.
"Why?" pagkakatanong ng isang estudyante. "She deserve that."
"Bakit pinagtatanggol mo siya? Nakita mo naman ginawa niya." sabay turo ng isa pang estudyante sa bulletin."nakakatiis ka sa maruming ba-"
"SHUT UP!" napatigil at napaatras sa kaba ang estudyante sa sigaw dahil narin sa nanlilisik na mga mata nito.
"J-Joe, hindi totoo ang mga yan." napatingin naman ito sa depensa ng babae.
Naka-katakot.
Naka-kakaba.
Tingin na tagos sa kanyang kaluluwa.
"May gana ka pang magsalita! Eh kitang kita naman!" sasabunutan na sana ito ng isang estudyante pero nagulat nalang ito ng hablutin ni Joe ang kanyang kwelyo.
"I said shut up." mahinahon ngunit nakakatakot, may diin sa kanyang pananalita na halatang naggagalaiti na ito sa galit.
Tingin na makakapatay na ng tao.
"Whoa! Joe! Stop!" pigil ng kaibigan nito na kakarating lang sa pangyayari.
Tinulak naman ni Joe ang studyante.
"Oh my... Berry?" gulat ng makita niya ang mga litrato sa bulletin. "And Cherry? Panong?" napatingin naman ito kay Joe at Berry tila nagugulahan sa nangyayari.
"Sei. Hindi totoo mga nakikita mo."
"Magsi-balik na kayo sa mga klase. Tapos na ang drama. " utos ni Sei sa mga estudyante na sinunod naman ng mga ito.
Pero hindi parin natitigil ang bulong bulongan.
Habang ang isang studyante tinulungan sa pagtayo ni Mae.
BINABASA MO ANG
Strawberry Scandal (Lesbian Romance, Sex, gxg)
General FictionBawal ito sa BATA .. PLZ... SPG po ito...